Prologue

4 0 0
                                    

Iba't-ibang makukulay na bulaklak ang aking nasisilayan. Ang mga damong kulay berde ay tila nagsasayawan dulot ng ihip ng hangin sa 'di kalayuan. Kaygandang pagmasdan. Tila paraiso kong maituturing ang lugar na ito.

Bitbit ang aking gitara, sumilong ako sa isang malaking puno. This is my favorite place to hang out with myself. Nakakalimutan ko pansamantala ang mga pagkukulang ni mommy. Simula nung bata pa ako hindi ko naramdaman ang pag-aalaga at pagmamahal ng isang tunay na ina. Si Manang Selia ang nag-alaga sa amin. Si Kuya Edison ang panganay saming tatlo, sumunod naman si Kuya Zac. They're both supportive sa akin. Wala na si daddy simula nung sanggol pa daw ako. Kuya Ed said that Daddy died because of a car accident. Kaya si mommy ang naghandle ng company nila, dahilan upang wala siyang oras samin. Nilulugmok masyado ni mommy ang kanyang sarili sa pagtatrabaho. Minsan, naisip ko kung mahal niya ba kami o hindi. Masakit isiping hindi.

Sinimulan ko ang pagtugtog sa aking gitara. Nang biglang tumunog ang aking telepono sa loob ng aking bulsa.

Nang makita kong si Kuya Zac ang tumatawag, I immediately answer the call.

"Where are you?" Bungad niya agad sa'kin.

"Nandito ako sa plantation. Why?"

"Umuwi ka na daw sabi ni Lola," he lazily responded.

Sa background, naririnig ko ang mga sermon ni Lola sakanya. Dahil sa katigasan ng ulo ni Kuya Zac, lagi siyang nasasabihan ni Lola.

Rinding-rindi na naman siguro 'to. Naiisip ko palang mukha niya habang pinapagalitan ni Lola ay natatawa na ako.

"Okay..." natatawa kong sambit.

Maaasar na naman 'to mamaya. Haha!

Tinahak ko ang daan pauwi sa'min. Maaliwalas ang panahon ngayon kaya masarap mamasyal sa lupain nina Lola. Pagmamay-ari nina Lola at Lolo ang hekta-hektaryang mga lupain dito sa bayang Plaza Aldea sa Tanay, Rizal. Malapit lang ito sa Manila. Kaya tuwing weekend lagi kaming pumupunta dito para samahan si Lola. Matagal nang wala si Lolo kaya si Lola na ang namamahala rito. Madalas tinatamad pumunta si Kuya Zac dito, ang dami niyang mga alibi sa tuwing papapuntahin kami ni Lola. Pero ngayon wala siyang takas.

Kaninang alas onse ng umaga kami nakauwi galing Manila. Pagkarating namin, agad kaming dinapuan ng antok. Madaling araw pa lamang, lumarga na kami. Kaso hindi talaga maiiwasan ang traffic kaya kami natagalan.

Nang makarating na ako sa ancestral house ni Lola, pinagbuksan kaagad ako ng security guard. Pumanhik na ako sa loob at doo'y nagtitipon-tipon sila sa salas na akala mo'y isang malaking pagpupulong.

Sa mahabang sofa, nandon sina Kuya Zac at Kuya Ed. Halatang kakagising lang ni Kuya Ed. Si Lola naman ay nakaupo sa kanyang upuang isang tingin mo palang ay masasabing mong mamahalin na ito.

Nalingunan ako ni Lola at agad na tinawag.

"O, ikaw pala yan hija. Halika't may pag-uusapan tayo." Seryoso niyang sabi.

Kaagad ako umupo sa pang-isahang upuan na nasa tabi lamang nina kuya. Sa coffee table nakitang kong may mga juice, ensaymada at isang tsaa na sa tingin ko ay kay Lola.

Sumimsim muna si Lola sa kanyang tsaa. Pagkatapos ay nilapag sa coffee table at inayos ang kanyang salamin.

"Mga apo, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa," sulyap niya sa aming tatlo.

"Nag-usap na kami ng Mommy nyo at pumayag naman siya na dito na kayo mag-aral at titira kasama ko."

Nasiyahan ako sa sinabi ni Lola dahil matagal ko nang gustong manirahan dito ngunit sa kabilang banda, nasilayan ko ang mga pagtutol sa kanilang mukha.

"Pero La, alam niyo naman pong nag-aaral ako--" agad na pinutol ni Lola ang mga sasabihin sana ni Kuya Ed.

"Maliban sa'yo Edison, pero si Zac at Ava ay dito na mag-aaral." Tugon ni Lola.

"La, hindi din po ako pwede. May mga gig kami gabi-gabi at," frustrated na paliwanag ni Kuya Zac. "Ano ba naman yan, ang daya! Bakit si Ed pwede doon sa Manila?"

Huminga muna si Lola nang malalim tsaka tiningnan si Kuya Zac sa likod ng salamin nito.

"Alam mo naman na nag-aaral si Edison sa pagdo-doktor niya. Hindi siya pwedeng huminto nalang."

"Kung bakit pa kase kailangan pa kami dito, tss." Naiinis na sagot ni Kuya Zac.

Lumipat ang tingin ni Lola sa'kin at pumungay ang kanyang mga mata.

"Gusto ko pong tumira dito La," excited kong sinabi. Noon pa man, gustong-gusto ko nang tumira dito. Ang kaso lagi akong pinipigilan ni Mommy. Ngayon, hindi ko alam kung bakit niya kami papatirahin dito.

Ngumiti si Lola sa'kin. Simula noon, bukod kay Aling Selia, si Lola at Lolo ang nag-alaga sa'kin. Kaya malapit ang loob ko sa kanila. Pero nung namatay si Lolo dahil sa sakit niya, napabayaan ni Lola ang mga lupain. Muntik ng malugi sina Lola ngunit naisalba agad ito ni Mommy.

Biglang tumayo si Kuya Zac at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa.

"This ain't good, I'm gonna call Mom," sabay labas niya ng bahay.

Napabuntong-hininga na lamang si Kuya Ed at tinanong si Lola kung bakit biglaan ang pagpapatira sa'min dito.

"La, ano po bang meron at bakit kailangan nilang lumipat dito?" Kuryosong tanong niya.

"Ipapa-renovate daw ng Mommy niyo ang mansion sa Maynila at sa condo ka muna maninirahan pansamatala."

Tumango si Kuya Ed bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Lola.

"Pero La, kailan po ba kami lilipat dito?" Sabat ko at hindi na ako makapaghintay na uuwi kami ulit pa-Manila at mag-impake.

"Sa susunod na linggo," nakangiting tugon ni Lola.

Nagpatuloy pa ang pag-uusap nina Lola at Kuya Ed patungkol sa pagpapa-renovate ng mansion at nagpaalam naman ako na naaakyat muna at doon magpapahinga. Dumeretso ako sa terrace ng aking kwarto. Medyo malaki ang kwarto ko. Sa loob makikita mo na may pagka-Spanish ang style. Actually, buong ancestral house na ito ay ganoon ang style. Sa dingding ng kwarto ko, may mga paintings na nakasabit. Ang isang medyo malaking painting ay nakasabit sa paanan mismo ng king size bed. Ako ang nasa painting na iyon at nasa walong taong gulang palang ako noon.

Napapikit ako dahil sa marahang ihip ng hangin. Pinapangako ko sa sarili ko na gagawa ako ng mga masasayang alaala dito at kakalimutan ko ang lungkot na nadadarama ko nung nasa Manila pa ako.

New surroundings. New life.

---

So, Hi po sa inyo. :) This is my first time na gumawa ng story and hopefully magustuhan niyo. Enjoy reading!

-N

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SparkWhere stories live. Discover now