Love number one

3 0 0
                                    

[A/N] Uhmmm, Ito na po yung pinaka-MAIN na sturya baga ^_^ hehe. Pasensya na kung hindi masyado maganda yung simula, pero really hope na magandahan kayo sa mga susunod na chapters. Nangangapa pa kasi ako sa susunod kung ilalagay eh :* Thank s ulit sa mga nagbabasa. Nagtrend siya today #705 HAHAHA!! Proud author ituh! Charouttes~ Ge basa na kayo :)

UNANG BAHAGI

 

Magkasama kami ngayon ni Glaze sa mall. At parehas kaming naghahanap ng magandang ireregalo sa GIRLFRIEND ng aming BESTFRIEND. Haha :D Ang gulo diba? Bakit kami pa ang naghahanap?

Isa lang naman ang dahilan. Bad shot kasi kami sa girlfriend ng aming bestfriend na si Sab :) At bakit? One word can explain everything. SELOS. Hindi naman kami nasaktan masyado dun kasi normal lang sa isang babae magselos. Close kasi kami ni Glaze kay Sab. Hehe ^-^v.

“Ayun oh! Yung kulay blue na malaking bear ang bilhin mo Sab!” turo namin ni Glaze sa Big Blue Bear na nakita naming sa Blue Magic.

“Bakit yun?” tanong ni Sab

“Maganda kasi kapag yan ang iregalo mo. Hindi niya maididisplay lang sa aparador. Malaki ang possibilities na itabi niya sa kama niya yan. Atleast diba, that bear will remind her of you. Mahahug niya pa diba? *smiles smiles*”

“Haha. Sabagay.”

Agad-agad ay pinabalot ni Sab kay kuyang sales clark at pinadagdagan ng iba pang pwepwedeng isama kay big blue bear ^-^v.

“Dun tayo sa Dance Revo Sab!! Puhleeeaaaseee *pouts*” pagmamakaawa ni Glaze kay Sab.

Ako naman, hindi din naman ako KJ kaya go with the flow nalang din ako.

“Kaninong card ang gagamitin?” tanong ko.

“EDI KAY SAB!” sigaw naman ni Glaze.

“Yung akin talaga?” saad ni Sab habang kinukuha ang card niya sa wallet.

“Oh eto 40!” sabi ko habang iniaaabot ang 40 pesos kay Sab. “Dagdag mo nalang yan.”

Yun na nga, after naming paloadan yung card, dumiretso na agad kami sa tapat ng Dance Revo sa baba ng mall. Kaso mukhang minamalas ata kami kasi walang bakante. May sumasayaw din kasi dun -_-

“Tara dun tayo sa taas!!!” sigaw ni Glaze at dali-dali akong hinila papunta sa pinakamataas na floor ng mall. Nandun kasi yung isa pang Dance Revo Machine.

At dahil nga hinila niya ako, hinila ko na din si Sab :D

After 10 mins na hilaan….

“Meron ding sumasayaw -_-“ matamlay kong sabi.

“Hindi yan! Hintayin lang natin sila. Maaga pa naman ee!” sabi ni Glaze.

Sumang-ayon nalang kami ni Sab. Para din malibang kami, pinanuod nalang naming sumayaw yung mga naglalaro sa Dance Revo.

Love between the Author and the OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon