Konting layo lang ang agwat namin nila mama. Nauna sila kasi may nakabangga sakin.
Biglang may humawak sa kamay ko. Nakatalikod ako kaya hindi ko nakita kung sino.
Isang bata pala. Tingin ko mga 5-8 ata ang edad nya. At maliit. kaya lumuhod ako.
"Bakit?" Sabi ko sa cute na bata.
"Ate! Ate! Pwede mo po kong samahan!?" Grabe ang lapit lapit ko na nasigawan pa ako.
"San naman tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. Nakita ko kasi sya kanina sa simbahan. Reader din ata.
"Ah .. Basta po sumama nalang kayo sa akin. Please. *Puppy Eyes*" Grabe naman sya magpacute. Cute na nga nagpacute pa.
"Sige. Sandali lang ha papaalam lang ako." Pinuntahan ko sila mama at nagpaalam a may pupuntahan lang ako.
Pumayag naman si mama kaya binalikan ko yung bata.
"Tara na? Dalhin mo na ako sa pupuntahan natin." Sabi ko sa bata habang hawak sa kamay.
"Sige po. Alam mo ate ang ganda mo. Ang bait mo din pala.!" Ako maganda? Well, bata ang nagsabi hindi ako.
Hindi marunong magsinungaling ang mga bata. XD
Mga 2 minutes lang ata ang layo ng pinuntahan namin. Nandun kami sa likod ng van. Madami akong nakitang tao. May mga bata at mga kaedad ko. Nakita ko sila kanina sa simahan. Kaya siguro naman wala silang masamang balak. Nakita ko din yung bunso kong kapatid. Eto ata yung meeting nila? Bakit kasama ako?
"Ayan na pala sya! Sige ate! Iwan muna namin kayong dalawa!" Sabi nung babae na kaedad ko lang ata.
Teekaaa !? Kami lang dalawa? Anong gagawin namin. At sino yung kasama kong maiiwan.
Nakita ko sila nagtatago kabilang kotse na nasa unahan. Honer ata yun. At yung ibang bata naman sa gilid ng van.
At yung naiwan ..
Yung lalaking nakabangga sakin.
Yung lalaking tumitingin sakin. Ako talaga ata yung tinitignan nya.
Tahimik lang sya. Kaya naman ako nagsalita na.
"May sasabihin ka ba?" Gusto ko na kasing umuwi dahil sa weird na nangyayari ngayon.
"Ah .. O-o-oo." Nauutal pa. Mahiyain talaga sya.
"Sabihin mo na Francis!" Sigaw nung babae na nakasakay sa loob ng Honer. Siguro rinig naman nila kaming dalawa na naguusap. May nakita din akong isang batang lalaki. Nakatingin sa kaharap ko. Parang galit.
"So Francis pala ang pangalan mo?" Sabi ko sakanya.
"Ah .. O-oo, oo ! Ako nga yun. " Nakakapagod tumayo. Wala kasing upuan. Nakatayo lang kaming dalawa kasi eh.
"Upo ka muna!" Yaya nya sakin. Nakita ko kasing pinagpagan nya yung likod sa van.
"Hindi okay lang. Ano pala yung sasabihin mo?"
"Upo ka muna bago ko sabihin." Andami namang alam.
"Sige na nga. Basta sabihin mo na yung sasabihin mo ah?" Tagal kasi eh.
"Ah kasi .." Pinutol pa.
"Kasi ano?" Natatae na siguro to.
"Gusto kita" Yun naman pala eh. Gusto nya ak-- May gusto sya sakin !!? It's Ok. Gusto lang.
"Ah ganun ba. Okay lang naman sakin. Di naman masama. Tsaka gusto lang diba?"
"AAAAYYYYIIIEEE!!" narinig kong nagsigawan sila. At bigla na silang lumabas.
"Hahaha .. Ano bang nangyayari?" Ang weird talaga.
"Ate pwede bang makuha number mo?" Sabi nung isang babae.
"Ah.. Number ko? O sige." Binigay ko na sakanila yung number ko.
"Alam mo kasi ate, Gusto ka nitong si Francis. At gusto na din nyang maamin sayo yung nararamdaman nya. Ang torpe nga nito eh! Kaya tinulungan nalang namin sya." Ah .. So dumaan pa sa daming process bago nya maamin yun?
"Hehe .. Ganun ba?" Diko talaga sila maitindihan. Ang gu-gulo nila.
"Tara na Mike! Uwi na tayo!" Tuloy ko. Niyaya ko ng umiwi yung kapatid ko. Sa tingin ko tapos naman na din sila sa mga pinaggagawa nila.
"Sige! Alis na kami! See you all next Sunday! And bye Francis!" Hayy yun lang naman pala. Naglakad na kami papalayo sakanila.
"Ikaw mike ha! Yun pala yung meeting nyo ha!"
"Eh kasi naman ate tinulungan lang naman namin si kuya francis eh."
Kalalaki nyang tao hindi nya ba kaya yun?
"Ate alam mo ba andaming nagkakagusto sayo." Di ko alam yun ah.
"Eh sino naman yung madaming yun ha?"
"Kilala mo ba yung batang tumitingin sayo?" Oo may naalala ako. Yung nakatingin kay francis
"Hindi ko kilala. Pero naalala ko. "
"Yun ate! Crush ka din nun. Sya si John Roy!"
DIN ? Ay oo nga pala. Si francis pala yung isa.
Nakarating na kami ng bahay. Hindi ko nalang din sinabi kay mama yung nangyari.
----------
Waaa. ! Sana magustuhan nyo sya ! :) Ang kanilang unang pagkakakilala :D Hihihi. Malapit na ang POV ni Francis :)

BINABASA MO ANG
Torpe Boy meets Slow Girl
Teen FictionWhat If ? Ang lalaking torpe nagmahal ng isang babae ngunit napakamanhid ? Ano kayang magiging flow ng lovestory nila. Subaybayan lang ang istoryang ito at magugstuhan nyo :) Hanuphang hinihintay mo ? Basahin mo na. :)