*Akisha Jade POV*
"I'm sorry." Seryosong sabi niya habang nakayakap sakin.
Pagkatapos niya akong buhatin kanina dinala niya ako sa kotse niya at nandito nga kami sa condo niya ngayon. Buong byahe namin hindi kami nag uusap, kahit simpleng pagsulyap sa kanya hindi ko din magawa. Hindi din niya ako kinakausap buong byahe hanggang nakapasok na kami sa condo niya hindi niya pa din ako kinakausap.
"I'm really sorry for everything." Ramdam na ramdam ko ang sobrang higpit ng pagkakayakap niya sakin.
Aalisin ko sana ang braso niyang nakayakap sakin ng maramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin.
"S-orry, sorry for everything, sorry mahal."
Parang nanigas ako sa narinig ko. Parang ako yata ang dapat na mag sorry pero bakit siya ang nagsosorry? Alam ko may mali din siya sakin pero mas malaki ang kasalanan ko sakanya. Iniwan ko nanaman siya ng walang pasabi, tapos hindi ko pa nasasabi lahat sa kanya.
"I'm sorry mahal alam ko isa akong g@g* noon, sorry kasi hinayaan kong mangibabaw ang galit ko. Sorry kasi hindi kita binigyan ng chance na mag explain sakin. Sorry kasi tinulak kita palayo sakin, sorry for giving you the reason to leave me again. Sorry sa lahat ng pananakit na ginawa ko sayo, alam ko hindi mo ako mapapatawad agad mahal but please give me another chance to prove na deserve ko ang forgiveness mo. I love you so much Akisha Jade."
Kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin at hinawakan niya ang mukha ko. Parang nanlambot ako ng makita kong umiiyak siya.
"Limang taon ka ng nawala sakin mahal hindi na ako papayag na mawala ka pa ulit sakin. Sapat na ang limang taon na binigay ko sayong makapag isip isip ka. Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ulit ako mahal. Hindi ko na kayang mawala ka pa ulit sakin. Mahal na mahal kita Akisha Jade, ngayong nakita na ulit kita hindi na kita papakawalan." Seryosong sabi niya habang hawak ang mukha ko at may mga luha pang lumalabas sa mga mata niya.
Hinawakan ko yung mukha niya at pinunasan ko yung mga luha niya. After five years ngayon ko lang siya ulit nakita at nahawakan. Miss na miss ko din siya sobra. Bago pa ako bumalik dito sa pilipinas napatawad ko na siya at hindi naman talaga ako galit sa kanya. Nasaktan ako sa mga ginawa at sinabi niya noon pero mahal ko siya. Kung siya nga dati napatawad niya ako kahit hindi niya pa nalaman ang totoong dahilan kung bakit ako umalis, ako pa kaya. Alam ko naman kasi na may kasalanan din ako, una pa lang hindi ko na sinabi sa kanya ang totoo kaya nung nagkabukingan na ayon sumabog siya.
"Shhh! Wag ka ngang umiyak." Seryosong sabi ko habang pinupunasan ko yung mga luha niya.
"I'm sorry mahal, promise gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ulit ako." Tapos niyakap niya nanaman ako.
"Sorry kasi umalis nanaman ako, sorry kasi hindi ko nasabi sayo ang toto---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan, ilang segundo ding naglapat ang mga labi namin. Hinawakan niya yung mukha ko at nagsalita ulit siya.
"Hindi mo kailangan na humingi ng tawad mahal, ako dapat ang humihingi ng kapatawaran sayo. Hindi mo na kailangan sabihin sakin ang lahat mahal dahil alam ko na lahat." Tapos kiniss niya ako sa forehead.
Umupo kaming dalawa sa sofa ng condo niya at magkaharap kaming dalawa at hinawakan niya ang kamay ko.
"Alam ko na lahat mahal, sinabi na sakin ni Brent ang lahat. Bago ka umalis nagkausap na kami ni Brent at sinabi niya na lahat ng mga gusto mong sabihin."
Sinabi niya? Pero bakit hindi sinabi sakin ni Brent na alam na pala lahat ni Ricci? Tsaka bakit hindi man lang niya akong subukan na kausapin bago kami umalis?
BINABASA MO ANG
Endless Love (COMPLETED)
FanfictionThis is a work of fiction. A Fan Fiction of Ricci Rivero and everything on this story are solely based on my imagination and none of these happened in real life.