Chapter 3

24 4 2
                                    

"...Stacey... ano ba tanghali na, malelate ka na naman sa school mo" sigaw ni nanay

"Ano nay, give me five more minutes inaantok pako tsaka late din naman yung prof ko kaya okay lang yun"

Bumalik muli ako sa aking pagkakahimbing, at makalipas ang sampung minuto nagising ako.

"Ahhhhhhhhh... anong oras na? 7: 50am na.. late nako, nay bat dimo ako ginising sabi ko five minutes lang ah"

Well, this is my usual scenario, sanay nadin ako at ang nanay ko araw araw ba naman akong late eh, kaya nga favorite ako ng mga prof ko.

Naligo na agad ako, hindi na ako kumain sa school nako kakain, sempre inayos ko kilay ko, apply ng foundation tas konting blush on and I wear my magic lipstick, kumbaga makalimutan kona ang mga libro wag lang ang hindi magayos ng sarili ko.

Lumabas nako ng bahay at nagpaalam kay nanay, buti na lang nakasakay agad ako sa trike.

"Kuya, pakibilis nga, malelate nako, ambagal bagal naman netong tricycle mo ano to karo may libing ba tayo ha?"

Hindi sumagot si kuya, pero binilisan nya na lang ang pagmamaneho, juskopo hihiwalay ata ang kaluluwa ko sa katawan ko sa  bilis ng maneho nya. Pagbaba ko sa school, dumeretso muna ako sa cr bago sa room, bwisit kasi si kuya driver nagulo tuloy ang hair ko.

"Hoy Stacey, anong ginagawa mo dito, katatapos lang ng quiz namin kay Prof. Biskotyo, maaga siya kanina at maganda daw ang gising nya" wika ni Reena, classmate ko at bestfriend na ding maituturing.

"Shocks! badtrip, pauso talaga yang si sir, hayaan muna babawi na lang ako sa susunod, up to ilan ba yung quiz nyo ha?"

"40 items un girl, may essay kasi, ang hirap nga eh diko alam kung may naitama ako sa part 1, teka at pasahan na daw ng project bukas sa kanya"

"40??? grabe naman yan quiz bayan o exam na, grabe ha at nataon pa na wala talaga ako, siguro yan si sir bakla yan, may galit  ata sakin ayaw sa maganda gusto nya siya lang, hahaha"

"Hahaha baliw ka talaga best, tara na nga baka dumating na si Prof. Nancy Bitay, alamo naman yun nakakadugo ng utak magturo"

Umalis na kami ng cr at dumeretso sa room namin. And we will now have Prof. Bitay teacher namin sa  major, grabe to napakatipid ng buka ng bibig pag nagsasalita.

Makalipas ng ilang oras, my classes were all over and we're ready to take our lunch. Sempre pasikat moment na naman ito para kay crush, dito rin kasi siya nagaaral.

Habang feel na feel ko ang paglalakad sa pathway papuntang cafeteria may nabangga akong babae. Bigla itong humarap sa akin sabay flip ng hair nya sa kabilang side.

"Hey, Don't you have eyes? Next time, please do pay attention to your surrounding, and don't you ever think that you're the queen of the catwalk" the girl said and walk away from me.

I was not able to say even a single word, kasi ang ganda nya, ganda ng mata nya, pantay ang kilay nya, tas yung ilong nya in perfect contour, para siyang diyosa sa ganda. (Omygas tomboy na ata ako) Gusto kong maging kagaya niya, maging kasing sophisticated nya.

Kinabukasan, bukod kay crush, hinahanap ko din si ate dyosa, hindi dahil tomboy ako ha, gagayahin ko lang yung style nya, gusto ko ding ngiti ko pa lang nananapak na, yung tipong blink of an eye ko pa lang eh nainlove na  mga boys sa akin ahahaha.. bongga diba.

"Ahhh.. Ha  Hi Stacey, pwede ba kitang mayayang kumain don sa cafeteria" wika ng isang nakakatakot na nilalang, pero tao siya wala lang akong maisip na descriptive words.

"Tsee, ano ba Ariel, tigilan mo nga ako, at pwede ba wag na wag kang makalapit lapit sa akin, ano ba, tignan mo itsura mo...." napahinto ako.

"Libre kita, ako bahala sayo, lunch, merienda, libre kita kahit dinner pa"

Tumalikod ako at naglakad habang sinasabing.

"Oh ano ka diyan? tara na aba, ambagal mo naman, tara na libre mona ko, nagugutom nako eh"

Keme keme lang, nagugutom narin kasi ako talaga eh tsaka pumayag ako para sabihin sa kanya na wala na siyang pagasa kasi may mahal akong iba.

Sa cafeteria, bumili agad siya ng pagkain namin at nagkwentuhan. Kahit madaming taong nakatingin, tiis ganda lang muna ahaha.

"Stacey, alam mo namang high school pa lang tayo, gusto na kita diba, salamat nga pala kasi pinagbigyan mokong makasama ka ngayon, napakasaya ko pwede nakong mamatay" -Ariel

"Patayan agad, anu kaba, diba pwedeng maconfine muna sa ospital, joke lang, seryoso, alam mo kasi Ariel, hindi kasi ikaw yung tipo ng lalaki na gugustuhin ng kagaya ko"

"Pipilitin kong maging katulad ng gusto mo, bigyan mo lang ako ng chance, alam mo sa katunayan nga naikwento na kita  kina  inay, at suportado nila ako, kapag sinagot mo ako, ibibigay sa atin ni itay ang mga kalabaw, baka pati ang niyugan, para sa kinabukasan natin"

"Wow ha, gagawin mo pa akong bukid queen ha, basta Ariel, pumayag ako sa araw na ito to clarify my side, sorry talaga pero I can't say yes to you now, nor tomorrow, I'm sorry sana last nato, and sana makahanap ka ng right girl for you"

"So binabusted mona talaga ako Stacey? sige kung yan ang desisyon mo pero hindi padin ako susuko, bibigyan lang kita ng oras pagisipan ang lahat, pagisipan kung anong pwedeng meron tayo"

"Walang tayo, at hinding hindi magkakaron, sige bye, salamat sa libre mo, nice meeting you Ariel"

I left him in the cafeteria, hindi ko alam kung nasaktan ko siya ng husto pero I think that'ts the right thing to do diba, kung hindi mo na man gusto, edi hindi.

Pero hanga padin ako kay Ariel kasi, high school pa lang kami gusto nya nako,naku ang ganda ganda ko talaga, ang alindog ko to the 11th power. Kaya lang sana hindi immune si Andrei sa gayuma at karisma ko, kasi matagal ko na din siyang lihim na iniibig. Sana kahit minsan mapansin man lang nya ako, sana kahit minsan pagibig ko na man ang pagbigyan

xxxThanks for readingxxx

Bully Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon