Prologue

56 1 0
                                    

Beatrice' POV

7:00 AM

St. Francis Academy

Hi Guys! NAKU.. Muntikan na kong ma- late, Promise! Pano ba naman? Ngayon pa masisira yung alarm clock ko. Sobrang bilis kong maglakad sa Corridor kase, alam ni Mrs. Rivera na maaga ako ngayon. Naku baka ma- bad shot ako.

"Uy Bey! Bat ngayon ka lang?" sigaw ni Claire. BFF ko. Habang kinuha naman niya yung ibang books na dala ko.

"Eh kase naman, wrong timing. Ngayon pa nasira yung alarm clock ko." 

"By the way, pinapa- kolekta ni Mrs. Navarro yung mga Music Book ng mga classmates natin."

"Psh. Ang hirap talaga pag humahabol ka ng rank. Hay!" sabi ko tsaka napa- buntong hininga. Parang may asthma lang ang Lola nyo. :D

"Oo na. Ikaw na Te! Tutulungan na lang kita para hindi ka mag- reklamo diyan." 

Pagpasok namin sa room, magkasama sina Nathan, Vince at Tristan. At AS USUAL, nagpapaganda naman tong tatlong itlog dito. Sino pa nga ba? Edi sina Bianca, Lindsay at Maggie.

"Andito na pala si Miss Genius." H-huh? Sino yun? Pagtingin ko si Bianca. Nag- iinsulto nanaman.  Tch. Huwag ko na ng lang pansinin. Magsasayang lang ako ng laway.

Sinenyasan ko naman si Claire na mangolekta na ng mga Music Books.

"Bianca, Music Book nyo?...sabi ko pero parang hangin lang ako dito. Parang wala siyang narinig. "...Bianca, Music Book nyo?" 

"Ano ba?! Kailangan mo bang ulit- ulitin? I'm not deaf! Eto oh!..." sabi niya sabay bato sakin ng Music Book nya. "...ipakain mo sa teacher mong balyena!"

"Ano ka ba naman Bianca? Huwag mo namang bastusin yung mga teachers natin." Ayan ha? Kahit binastos nya ko at si Mrs. Navarro, nagpaka- humble parin ako. 

"You don't care. And don't mind my business, STUPID! Palibhasa kasi, magkamukha kayo." sabi niya at nagtawanan naman ang mga classmates namin. Gusto mo ng gulo ha?!

"Hoy! Maka- stupid ka naman diyan kala mo kung sino kang magaling! Eh itlog naman lagi mong nakukuha sa mga exams." sabi ni Claire sakanya at nagtawanan nanaman ang mga classmates namin. Wow ah? Mistulang nagkaroon kami ng Comedy Bar dito.

"SHUT UP! I'm not talking to you. Bakit? Stupid ka din ba?!" sabi niya then she rolled her eyes. 

"ANO BA?! Maga- guidance pa niyan kayo eh." sabat naman ni Vince. Tama yan Vince, TAMA! 

"Who cares? Do you think you can scare me out with your Guidance Counselor? Magsama pa kayo. Pare- pareho kayong stupid!" wala talagang makasindak sa bruhitang to. 

"PWEDE BA?! Stop this nonsense argue. And BIANCA, please, give respect on higher staff of the school." sabi ni Nathan sakanya. Galit na siya eh. Pano naman kasi, naantala ang usapan nila ng mga team mates niya sa Basketball dahil sa ka- war freak-an nitong si Bianca.

"Give respect?..." then she sarcastically laughed "...why will I give respect to those stupid persons?" Ewan ko kung anong drugs ang nahithit nito at ang laks lang ng tam---

"YOU ALL! Ms. Fuentebella, Ms. Serrano, Mr. Andrade, Mr. Montenegro and especially you, MS. VILLAREAL! Follow me. Mag- usap- usap tayo sa Office of the Principal. NOW!" HALA! Si Mrs. Ople. Siya yung Guidance Counselor namin dito sa St. Francis. Damay na kaming lahat. Lalong lalo na si Bianca. Hala talaga! O.O

Office of the Principal

Kanina pa ko kinakabahan dito. Wala pa yung Principal. hindi pa siya lumalabas sa lungga niya. Naku! >.< Sinisiko- siko ako ni Claire dito. At sina Nathan at Vince naman, parang di makabasag- pinggan. I mean, ang tahimik nila. Si Bianca naman, parang reynang nakaupo dito sa couch. :3

Biglang bumukas yung pinto. Si Mrs. Ople at si Madam Lopez, ang Principal. Maiihi ako dito sa sobrang nerbyos. Baka maapektuhan ang grade ko niyan lalo na sa Values Education!!! >u<

"Ano tong sinasabi sakin ni Mrs. Ople na nag- away away kayo sa classroom nyo? At, sinong nagsabing stupid ang mga teachers dito?" tanong ng Principal. Wala namang nagsasalita samin. Eh pano sa sobrang nerbyos?

"Bat hindi mo ipakita ngayon ang tapang mo, Ms. Villareal?" sabi ni Mrs. Ople. Tama nga naman siya, kanina kung maka- stupid siya samen..

"I don't have to prove anything to you Mrs. Ople,..." sabi niya sabay harap kay Mrs. Ople at nakataas pa ang isang kilay ng Bruhaa! "...and to you Madam Lopez." sabi niya sabay tayo sa kinauupuan niya at lumabas ng office.

"Ang BASTOS!..." sigaw ng Principal "...Uh, Mrs. Ople, I want you to suspend that silly girl. As soon as possible. I don't want to see her inside this school." 

"Yes Madam. Pero, ano pong gagawin ko sa mga batang to?" tanong niya at tinuro kami. Syempre, Kami. Alangan namang sila. Di ba? ^___^

"Ano bang ginawa nila? May dapat ba akong ikagalit sa kanila?" Wow ha?! Sosyal tong Principal namin.

"Sila po ang naka- sagutan ni Ms. Villareal."

"Bueno, Sige. Lumabas na kayo at kalimutan niyo lahat ng nangyari. Basta, i- ban mo yung babaeng yun dito. Sino na nga ulit siya?" 

"Si Ms. Bianca Villareal po."

"I don't care kung sino man siya. HALA! Sige, labas na." Tignan mo, pagkatapos magtanong sasabihin she don't care. Ang SHUNGAA :3

Lumabas na nga kami at ayun, back to normal nanaman kami. Bumalik na kami sa classroom namin at unluckily, hindi kami naka- attend ng first period. Hindi ko na din nakita si Bianca. Baka umuwi na or what. Ohwell, I DON'T CARE. Huwow! Principal? Madam Lopez? Hahaha.xD

Pagpasok namin sa room...

"Ganyan pala siya no? Hindi pala siya makaka- imik kay Bianca eh. Baka natakot."

"Clumsy naman pala eh. EW."

"Kaya lang naman nagiging matapang yan dahil mga kasama niya, WAR FREAK."

Bulung- bulungan ng mga kaklase namin. AKO YATA YUNG TOPIC NILA! KYAAAAAAA!!! >.<

"Tumigil na nga kayo! Napaka- tsismosa nyo. Para sabihin ko sainyo, hindi kami war freak. At hindi clumsy si Bea. Hindi lang talaga siya mahilig makipag- away sa mga walang kwentang bagay lang." SINO YUN? Paglingon ko sa likod ko, si NATHAN? Siya yung nagsalita. Natahimik naman yung mga classmates namin. 

"Tara na. Dun na tayo." sabi ni Nathan sabay hila sakin. Enebe? Don't do this Nathan.

Pumunta na kami sa seats namin, malapit kina Claire.

OO NGA PALA! I'm Beatrice Fuentebella. I'm 16 years old. Studying here in St. Francis Academy. Okay naman "DAW" yung looks ko. I have my bestfriends, namely, Claire, Nathan, Vince and Tristan. And I have a Kuya, he's Kuya Kervie. We're only two. Eh kasi di masipag sina Mama. Hahaha.xD

May medyo pagka- joker ako. Medyo lang naman. At sabi din nila, matalino ako. Tuwang- tuwa naman ako. :))) I'm friendly. But I hate palstics and backstabber. Alam nyo naman, maging praktikal.   Lalo na sa pagpili ng friends... 

Sabi nga ni Randolph S. Bourne - 

"Friendships are fragile things and requires as much care in handling as anyother fragile and percious things."

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Story ko po ulett! :))))) Sana hindi naman kayo magsawa sa pagbabasa. Hayss. Ang hirap din palang maging Author dito! Kailangan kang magpaka- galing. Choss.xD Sige na, Vote, Comment! Yun lang. You can make me happy that way! ^_____^

- Prologue 

Originally by: BadWhenItComeToLove ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Have Fallen For You, UNEXPECTEDLY. [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon