Kabanata 1

46 3 0
                                    

Losing your dear ones,yan na yung pinakamasakit na mararanasan ng sinuman at hindi ko matanggap na nangyari to sa akin... Three months swiftly passed since my parents died in car accident and here i am now, still full of grief and sorrow habang binubuklat ang mga pahina ng family album namin na matyagang inipon at itinabi ng napakabait at napakaganda kong ina. Hindi ko akalain na ang  mga ngiti,tawa at halakhak ng parents ko ay magiging alaala na lang...

Ako,si November Diaz o mas kilala bilang Ember, ang spoiled brat at unica hija ng mag-asawang business tycoon na sina Miguel at Elizabeth Diaz.

Opps,wait lang,pause muna natin pag-e-emote ko,me kumakatok,baka si Yaya Delya o ang guardian kong si Tito Warren.

Tumayo ako mula sa kama at bahagyang binuksan ang pinto.

"Tito Warren,kaw pala,pasok ka",sabi ko na tuluyang binuksan ang pinto.

Dire-diretsong pumasok ang uncle ko hanggang sa sopa na nasa loob ng room ko. Sumunod ako sa kanya at umupo sa kaharap nito.

"Bakit gising ka pa?"kunot-noong tanong ni Tito Warren na nitong mga oras na to ay napakaseryoso,halatang stress sa buhay.

"Tito Warren,it's just 9pm,inaaliw ko lang ang sarili ko."

"With those family pictures?"He sighed."I guess,you need a new environment for now!"

"But the way i see it,ikaw ang mas stress sa ating dalawa",hindi ko napigilang mapahagikhik.

"Seriously,kelangan mo ng vacation,i already phoned Yaya Miling,ipapahatid kita dun bukas!"

Ang tinutukoy nya ay ang yaya naming dalawa sa hasyenda ng grandparent ko sa mother's side sa Batangas."Tito naman eh,you know how much i hate staying with the horses,though i love Lolo Klyd... teka lang,why do you want to send me off all of the sudden?"

"Ember,alam naman nating pareho na ang nangyari kina Kuya Miguel was not really accident at unti unti nang itinuturo ng mga ebidensya ang kriminal!"

"That's a good news!Dapat managot ang salarin!"

"But the bad news is alam na rin nilang na-identify na natin sila,so,nanganganib ang buhay mo!"

"Tito,i can take care of myself!"

"I know pero para sa safety mo,kelangan mong sumunod sa akin,i'm your guardian now!"

"For heaven's sake Tito,i'm already 22!"

"But to me,you're still the baby Ember na nagmamaktol kapag hindi napagbibigyan,nagdadabog kapag pinagsasabihan and unless magkaroon ka na ng boyfriend,i demand you to follow my command!"

Napailing na lang ako,Tito Warren is always this strict and overprotective. He is my father's younger brother na 5 years lang ang tanda sa akin. Kung sa parents at lolo klyd ko,spoiled ako,dito sa uncle ko,super gwardyado ako,as in,never syang umayuda sa mga kalokahan ko at sya ang nauunang magtama ng mga pagkakamali ko. But then,when i behave in accordance with his implimenting rules and regulation,he is super malambing sa akin,ipinapasyal ako sa mga magagandang lugar and even brought me to his out-of-the-country's business tour.

"Mag-impake ka na,madaling araw kayo magbabyahe papuntang hasyenda!"

"Tito pwedeng mag-request,magbabakasyon ako pero hindi sa hasyenda!"

"saan naman?"

"Matagal ko nang gustong i-try pumunta sa lake resort dun sa san pablo,pwede bang dun ako mag-stay,i'll call Lolo Klyd na lang to join me there!"

Lalong lumalim ang gatla sa noo ni Tito  Warren,"sige,pero kasama mo pa rin ang mga bodyguards mo!"

"Bodyguards?"

"Take it or take it!"

"No choice!"

"That's the deal!Para sa safety mo rin yun!"

"ok,i'll take it!"

"Mag-impake ka na. I'll go ahead!"

Tumayo na si uncle kaya tumayo na rin ako  ,"okay,goodnight uncle!"

"Matulog ka na agad pagkatapos mong mag-impake ha,sige na,goodnight!"

Tumingkayad ako at hinalikan sa pisngi si Tito Warren ,"Goodnight Tito,don't worry too much about me!"

Tumango-tango lang ito bago tuluyang lumabas. Hay,makapag-impake na nga,sana sa bakasyon kong to mapawi ng kahit konti ang pangungulila ko sa aking mga magulang....i miss you mom...i miss you dad...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

kinamomootan takaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon