Chapter 2:

1 0 0
                                    

First day of school. Syempre maaga ako pumasok. Hindi naman halatang excited ako noh? Hehe. Ganyan talaga ko since elementary. Sarado pa ang gate ng school pumapasok na ko. Sosyal di ba ?

7' o'clock na pero bakit wala pa kong kasama? Mali ata tong room na pinasukan ko. Chi-neck ko nga, baka kasi naligaw ako eh. oh, tama naman ah. Baka mga classmate ko ang naligaw.

Maya-maya, halos sabay-sabay na dumating mga bago ko classmate. Sympre bilang isang mabait na estudyante, behave ang lola niyo. Haha! Feeling lang eh, noh?

"Aishel." narinig kong tawag sa'kin nang kung sino mang nilalang.

Tumingin ako sa kanya. ah si Eleanne pala, classmate ko noong 4th year high school ako pero we are not that close.

"Hi?" bati ko. Umupo siya sa may tabing upuan. Sa may left side ko.

Feeling close? Ang bad mo. Sabi ng kontrabidang utak ko.

Dumating na yong Communication Skills Instructor namin so umayos ako ng upo. Sinabi niya na i-fill out namin yong classcard. Syempre dahil excited ako pumasok, ginawa ko na iyon kagabi. Pa-easy easy tuloy ako. Napansin ako nung instructor namin. nabigla ako nung ituro niya ako.

"Miss Pink-" naka-pink kasi ako. "Are you through?" tanong ni Ma'am.

"Ma'am, ako po ba?" tanong ko at tinuro ko pa ang sarili ko. Tumango naman si Ma'am."Yes Ma'am." sagot ko na lang.

"Can I have your class card?" tanong ni ma'am sa'kin.

Tumayo ako sa upuan ko at binigay ko naman yong class card ko.

Bumalik naman agad ako sa upuan ko and then...

"Can I have your class cards, class?" malakas na sabi ni Ma'am.  nagsipag-sunuran naman at isa-isang ibinigay ang class cards ng mga kaklase ko.

After that, nagpakilala si Ma'am sa amin.

"Good morning everyone. I am Miss Chelsey Roa. I will be your Communication skills Instructor for the whole semester." pagpapakilala niya.

Ang tahimik naman ng klase na ito. pero sigurado akong sa umpisa lang yan.

"Now, can you introduce yourself infront so that everyone will know you. can we start with Miss Marcos?" narinig kong sabi ni Ma'am.

Kampante akong nakaupo sa aking upuan at di ko inaasahan na may mga ganoon pa lang ka-echosan sa tertiary level. And akala ko tapos na ang mga ganyan-ganyan noong high school. Pati pa rin pala sa college.

Iyon pa naman ang ang pinaka-hate ko sa lahat. may stage fright kasi ako. Matalino naman ako kaso lang di ako magaling sa oral. nabubulol at nini-niyerbyos ako.

"Miss marcos?" ulit na tanong ni Ma'am.

nagkatiginan kami ng mga new classmates ko.

"Daishel Lee L. Marcos?" tawag ulit ni Ma'am Roa. Hindi naman obvious na makulit si Ma'am noh?

Oh no, ako yon. Ako ang unang magpapakilala?  I'm not yet ready. Sigaw ng isip ko.

tumayo ako. Slow motion para mainip si Ma'am. haha! Charot. Nanginginig ang mga tuhod ko. Pumunta akong harap ng wala ako sa tamang katinuan. Syete, ang dami nila. At nakatingin silang kahat sa'kin.

" You look nervous, Miss Marcos. Relax. Just be yourself. Go." narinig ko si Ma'am.Nagbibigay siya ng assurance sakin to yhonk na siya may sala kong bakit nasa ganito akong sitwasyon ngayon. (sinisi talaga ni author si Ma'am heheh)

Ngiwi akong ngumiti kay Ma'am at humarap ako sa mga kaklase ko.

"H-hi i'm Daishel Lee L. Marcos, 17 years old." simpleng sabi ko. Syete, I start stammering.

"How are you related to Mr Laur Marcos, the owner of Marcos Airlines?" tanong ni Ma'am Roa.

"H-he is my father Ma'am." sagot ko.

Narinig kong napa-oh ang mga classmates ko.

"Really? I guess we can be friends." birong sabi nung isang kaklase ko. Cute naman siya in fairness.

"So you're rich? halata naman eh." a girl in a red blouse said.

"Yuo look snob."another girl in a blue blouse said. Ang prangka naman nito pero halatang jolly siya.

"Don't worry. Hind naman ako nangangain ng tao eh. As long as you are nice to me, I will be nice to you, also." dami ko sinabi ah.

Pinaupo na ako ni Ma'am. Buti na lang at satisfied na siya. Umupo ako. Sumunod yong girl na naka-blue na blouse.

"Hello classmate. I'm Dizz Mae Montero. You can call me Mae na lang, 16 years old. Mabait ako sabi nila, friendly, blah blah blah." at last she finished talking. Ang bilis pa magsalita. Umupo na siya.

Halos lahat okay naman. I'm yawning, di ko napigilan eh. Kaka-antok talaga pag first day of school.

"Next is Mr. Kaiklan." Ma'am said.

Parang tumigil ang ingay sa loob ng room. may anghel bang dumaan? I'll check the time in my wristwatch, then may dumaan sa my side ko. I think siya yung next na magpapakilala.

"Good day! my name is Rye Lexis Kaiklan.I'm 17 years old. I'm from nowhere. I love music. I can sing but not as good as David Archuleta do. I hpoe we can be friends. Thank you." smooth na sabi niya.

Dahil bored na bored na ko ay di ko man lang tiningnan yong Rye na yan. Pabalik na siguro siya sa kanyang upuan. bakit parang biglang uminit sa loob ng room?

Kinapa ko yong panyo ko sa bulsa ng panyo ko. Bakit wala? Hinanap ko sa loob ng bag ko na nasa lap ko pero wala pa rin talaga. Hinagilap ko na lahat pero wala talaga. As in wala. Wala! hahah Oa na.

"I think it's yours." sabi ng boses lalaki at inilahad ang hawak niyang panyo sa may harapan ko.

Napatingala ako. He's smiling widely to me. napangaga ako. Syete, na-startruck ata ako sa lalaking ito. Di ko mahagilap yong dila ko.

"Are you okay?" tanong niya. He smiled again. Goodness, may dimples.

Napapaksi ako. "A-aahh sorry, I'm fine. Thank You." Inabot ko yung panyo ko na hawak pa rin pala niya at nakalahad pa rin.

"Welcome." sabi niya then umupo na siya.

Nawala ata ako sa tamang pag-iisip .

"Girl, paki-sara, baka mapasukan iyan ng lamok, kawawa naman iyong lamok." a girl in ablue blouse said to me. Mae yata name niya eh.

She's referring to my open mouth. Ang frank talaga niya, pero di nakak-offend. Agad ko namang sinara bibig ko.

"Ngumiti siya sa akin. "I'm Mae." inilahad niya kamay niya sakin.

"Aishel."  sabi ko. Nagshake hands kami.

Lokong lalaking iyon ah. Pinanganga ako. Napahiya tuloy ako sa Mae na ito. Ayt ano ba yun, bakit di siya maalis sa isip ko?

---------------------------------------------------------------------------

There! Nakapag-update din sa wakas.

-erisSe

Perfect Choice: When I Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon