Ganoon na ba ka walang kwenta ang buhay ko para isuko at itapon ng basta-basta na lang ng pamilya ko? Itong buhay ko na nangangarap na baguhin at itama ang lahat ng pagkakamali na nagawa ng magulang ko ..
Kaya I grow old na palaban at may paninindigan sa buhay kahit na mahirap lang ako. I always dream na sana dumating ang panahon na masasabi kong "Mission Accomplish"!
Ako pala si Scarlett Ava .. Highscool graduate at kasalukuyan nasa college na .. Taking up Business Management Major in Accountancy sa UP ..
Kung alam niyo lang kung ano ang nangyari sa'kin at sa pamilya ko , siguro maiinis din kayo kagaya ko. Pero balewala narin sa akin yun dahil past is past. Wala rin naman akong magagawa kung magmumukmok ako buong maghapon at magrerebelde .
"Aray !!! Ano ba mag-ingat ka nga " ! sabi ko.
"Sori ate. Hindi ko po sinasadya ...Sori po ulit ."
Ayon binangga ako ng babae. Siguro freshmen pa lang yun kasi nag ate siya sa'kin.
Pero ok lang may kasalanan rin naman ako eh..
"Pasensya ka na rin. May iniisip lang kasi ako ".sabi ko
"Ah ganun po ba .. ako po pala si Diane.Freshers pa lang ako dito kaya sobrang kaba ko ng nabangga kita lalo na nung nagalit ka sa akin . Kayo po pala ano ang pangalan niyo? "
" Scarlette. Tawagin mo na lang ako ate Ettel .. Sige na malelate na'ko eh. Mauna na ako.. Bye. Nice to meet you. "
Dun na nga nagtapos ang amin conversation. Sobrang bait niya.Suwerte naman ang mga magulang niya. Hay, nakakainggit naman.
Pumasok na ako sa room at mabuti na lang wala pang professor namin. Naghanap ako ng vacant seat at isakto naman may meron kaso lalaki ang katapat nito. Kahit kailan hindi pa ako nakatabi sa mga lalaki kasi ngan minsan ang bastos nila. Wala na akong magawa kundi tumabi sa kanya dahil wala ng vacant at isakto namang dumatin ang teacher namin.