Prologue

3.3K 57 5
                                    

Minsan may mga bagay talaga na dapat nating kalimutan, upang tayo ay hindi na masaktan  at mamulat sa katotohanan, lalong-lalo na ang nakaraan.

Nakaraan na siyang dahilan kaya ako ay nag-bago, at namulat sa pani-bagong mundo, na ang seryosong tao ang siyang niloloko, at ang manloloko ang siyang sineseryoso.

Kaya minsan napapa-isip ako, ayoko ng magseryoso! lagi lang din naman akong niloloko, ginagago at binabaliwala, ang walang kwentang bagay ang binibigyang halaga.

Halaga na sa kanya ko lang pinadadama, ngunit tila ang lahat ng ito ay hindi man lang niya nakita, at nagawa pa niyang mangaliwa.

Saan ba ako nag-kulang? Ano ba ang aking kasalanan? May nagawa ba akong mali? Ang mga katanungan na yan ang laging lumulutang sa aking isipan.

Hindi ko lubos ma-isip kung ano ang dahilan, kung bakit tayo humantong sa hiwalayan?

Ito ang aking kwento.

______________________________________





©️ Angelie Abayle

Pasensya Na, Pero Mahal Kita. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon