Chapter 1

2.2K 65 16
                                    

Nakadungaw ako sa bintana ng kwarto ko habang hawak hawak ko ang picture frame nating dalawa.

Mahigit isang taon na mula nung huli nating pagkikita. mahigit isang taon ko na ring bitbit ang sakit na idinulot mo.  At mahigit isang taon ko na ring kinikimkim ang galit ko.

Tumulo na naman ang mga luha sa mga mata ko.  Kailan ba ito mahihinto?  Siguro kasi hanggang ngayon hindi ko parin alam  kung bakit. 

Kung bakit hindi mo ako hinabol? Bakit hindi mo ako ipinaglaban? Bakit mo nagawa sakin to?

Galit ako sayo. Araw araw kong pinaghahandaan ang pagbabalik ko sa pilipinas.  Araw araw kong pinaghahandaan ang pagkikita nating muli. Maghihiganti ako Jaris.

"Akala ko kasi mahal mo ako. Kasi yun ang sabi mo diba? Haha. Nakakatawa naman hindi mo nga pala ako minahal simula una" 

Nababaliw na yata ako. Kinakausap ko na sarili ko. Hayss

"Winter Isabelle! hanggang kailan mo balak mag mokmok dyan sa Kwarto! Ano ba! Hanggang kailan mo ba kailangan paghandaan ang pag balik mo?? Hindi mo na nga ako kinakausap kasi palanging busy ka. palagi kang may appointment nakakatampo ka na! Buksan mo to!"

Iniligpit ko ang picture frame at pinunasan ang mga luha ko bago ko binuksan yung pinto

" Winter"

"Oh ano ba kailangan mo? Lagi mo talagang sinisira moment ko! Nakakainis ka! Busy ako! "

"alangan namang hayaan ko nalang ang bestfriend ko? Halos nga araw araw kang umaalis  eh! Hindi na tayo nakakapag bonding! Gusto mo bang sipain kita? Umayos ka Winter Isabelle Valenciano ha!"

" Hindi niyo kasi ako maintindihan. kailangan kong gawin to "

" aber paano kita maiintidihan kung hindi mo naman sinasabi saakin ang laman ng utak mo! "

Meisha? Ito ang kwento ko.

1 year ago

Winter's POV

Unang Araw  ko ngayon  bilang Junior student sa  high school ng Saint Claire University

Hindi ko alam anong mararamdaman  ko ma e-excite ba ako kasi magkakaroon ako ng mga bagong kaibigan o matatakot kasi wala akong kakilala sa bago kong paaralan

Tok tok tok

"Anak? Bumaba kana dyan hindi ka pwedeng ma late first day of school mo"

"Opo ma, saglit lang po"

Yun ang mama ko. Ako na yata ang pinaka maswerteng anak kasi lagi akong sinosuportaan ng mga magulang ko sa lahat ng gusto kong gawin.  Hindi naman kami mayaman. May kaya lang ang mga magulang ko kasi my parents are both lawyers.

"Anak aalis na ang papa mo dalian mo dyan!" sigaw ni mama  labas ng kwarto ko

"Oo ma, eto na"

Binuksan ko na yung pinto at bumungad saakin ang mukha ng napakaganda kung mama

"Andun na sa labas ang papa mo naghihintay sayo"

"okay ma. Babye po" *kiss sa cheeks*

"Have a great time in your new school okay? Make some friends I love you"

"okay ma bye, i love you too"

Pagkalabas ko ng bahay ay agad akong sumakay sa kotse at hinatid ako ng papa ko sa bago kong school

Pasensya Na, Pero Mahal Kita. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon