Pag-ibig nga ba’y sadyang ganyan?
Palulubhain ang aking nararamdaman
Puso ko ngayo’y nasusugatan
Puro sakit ang nakakamtan
Pinapasan ang sakit dahil sa iyong kagagawan
Pilit ko man na ikaw ay kalimutan
Pero pagmamahal ko’y hindi ko kayang pigilan; dahil
Puso ko’y hanggang ngayon ikaw parin ang tanging laman
Pakay kong aminin ang aking nararamdaman
Para ang sakit na ito’y magkaroon ng katapusan
Pero nang malaman kong ikaw ay may nililigawan,
Pinalagpas ko ang pagkakataong ako’y maliwanagan
Pinagtapat mo sana na wala kang nararamdaman
Para ang puso ko’y hindi na nasaktan
Para wala na akong pagdurusang pagdaanan
Para hindi na ako umiyak sa sakit na aking naranasan
Parang ang kalagayan ko ay wala ng patutunguhan
Puro pagsisi ang aking nakamtan
Puso ko’y nababalot sa kalungkutan
Pagkakaibigan natin baka ngayon na ang katapusan
Pilit nila akong dinadamayan
Pero puso ko’y hindi na kayang lumaban
Pilit kong tinatanggap ang katotohanan
Pero ang puso ko’y bagkus na nahihirapan
Pakiramdam ko ang mudo’y akoy tinatalikuran
Panalangin ko sa Diyos na ikaw ay kalimutan
Para ang puso ko’y hindi magdudusa kailanman
Para ang pasakit nato ay magkaroon na ng katapusan
Pag-ibig nga naman puno ng kalokohan
Pusong kong ito, ewan kung ang hustisya ay nakamtan
Paghihirap ng aking puso’y hindi man niya naranasan
Pero ang alam ko ang aking nararamdaman ay kailangan ko nang wakasan.