Chapter 3 - Mysterious Dream

44 1 0
                                    

♥ Xandy's POV

Napabangon ako bigla dahil sa naririnig kong pamilyar na boses. Napakalumanay ng boses at napakahina na hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nya kaya nagmistulang bulong nalang sa pandinig ko.

Bulong na parang musika. Ang sarap pakinggan...sana hindi nalang mawala.

Pero di ko alam kung kanino at saang banda nanggagaling iyon. Ang alam ko lang, tinatawag niya ako...para bang napakaimportante ng sasabihan nya kaya dapat kong malaman iyon.

Pinagmasdan ko ang aking kwarto, wala namang pinagbago, ganon pa rin. Tumanaw ako sa bintana, napakaliwanag. Pero grabe naman ata ngayon ang liwanang niya, kakaiba. Lumapit pa ako doon para mas masilayan ang liwanag na iyon pero nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko alam ang gagawin. Nanlaki ang aking mga mata at bumilis ang tibok ng aking puso.

Hindi ko namalayan pumapatak na pala ang mga luha ko. Napakasaya ko dahil nakita ko na silang muli. Makakasama ko na sila. Magiging masaya na ulit kami. Hindi ko na kailangang maging mag-isa, umiyak at malungkot...binalikan nila ako. Sa wakas buo na ulit kami.

Nakangiti lang sila sa akin. Tatlo sila, si Dad, Mom at si Vines.

"Come here, my princess." Tawag sakin ni Dad. Mas lalo nanaman akong napahagulhol sa pagtawag nya sakin ng my princess. Sobrang namiss ko ang boses nya.

Dali dali akong bumaba papunta sa garden namin kung nasaan silang tatlo. Muntik pa nga akong madulas sa hagdan eh. Sabik na sabik na akong mayakap sila, feeling ko kasi huling pagkakataon ko na to para mayakap sila kaya grabe nalang ang pagmamadali ko.

Nang nakarating na ako sa harapan nila walang alinlangang yinakap ko sila ng napakahigpit. Hinalikan ko rin sila isa-isa. Ramdam ko din na napakasaya nila sa mga nangyayari ngayon. Yinakap ko ulit silang lahat, this time mas mahigpit. Ayoko ng bumitaw, gusto ko lang ganon na lang kami habangbuhay pero di ko maintindihan kung bakit bigla nalang humiwalay ang aking ama. Napilitan akong tignan siya. Nagtaka naman ako, napakaseryoso na ng mukha nya. Ano bang problema? Di ba sya masaya dahil magkakasama kaming muli?

"Hindi na namin to patatagalin pa, saglit lang din naman kami..." Huh? Aalis ulit sila? Eh kakakita pa nga lang namin ah. "Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon at kailangang kailangan mo ng mapagsasandalan. Malakas at matapang ka, anak, kayang-kaya mong lampasan ang pagsubok na ito. Tumingin ka sa paligid mo, madaming nagmamahal sayo na handang tulungan ka. Wag mong isara ang puso mo sa ibang tao, hayaan mo lang silang pumasok sa buhay mo upang maiparanas ang pagmamahal nila sayo. Nawala man kami, andito parin kami lagi sa iyong tabi. Papanoorin ka namin mula sa itaas. Pangakong gagabayan ka namin saan ka man pumunta. Anak, mahal na mahal ka namin, lagi mo iyang tatandaan..." Patuloy ang pagagos ng aking mga luha. Wala akong kahit katiting na ideya kung bakit ganyan ang sinasabi ni Dad saakin. Ayoko mang paniwalaan pero para syang namamaalam. Pinakinggan ko nalang sya at itanatatak sa aking isipan lahat ng kanyang sinasabi.

Hinintay ko pang magsalita si Dad pero wala ng lumabas sa kanyang bibig. Bigla nalang din nagsalita si Mom. "Xandy anak, buong buhay ko ang gusto ko lang ay ang mabigyan ka ng masaya at magandang buhay. Pasensya ka na kung hindi ko iyon natupad ha? Pero sana, noong panahong magkasama pa tayo ay naipadama ko saiyo kung gaano kita kamahal at kaimportante sa buhay ko..." Umiiyak din si Mom, si Dad naman at Vines nakayuko lang pero halata mong pinipigilan nilang umiyak. "Napakaswerte ko at biniyayaan ako ng Diyos ng anak na tulad mo. Wala na akong mahihiling pa kundi ang gabayan ka nya at bigyan ng mga taong handang mahalin ka. Sabi nga ng iyong ama, wag mong isara ang puso mo sa iba, wag kang matakot magpapasok ng mga tao sa buhay mo. Ipagpatuloy mo ang mabuhay, wag mong sayangin ang buhay na meron ka. Wag mo kaming masyadong isipin at wag kang malungkot. Maging masaya ka sana anak. Pangakong patuloy ka naming mamahalin at babantayan. Alagaan mo ang iyong sarili aking anak." Lalapit na sana ako sakanila kaya lang bigla namang nagsalita si Vines.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BLIND LOVE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon