SAPATOS
-----
(Her)
Maaga akong gumising ngayon dahil pupunta ako ng Department store para bumili ng bagong sapatos para sa nalalapit na pasukan.
Pagkatapos kong maligo, kumain at magbihis ay dumeritso na ako papuntang Department Store. Pagdating ko do'n ay agad akong binati ng mga sales lady.
"Magandang umaga ma'am ^_____^"
"Magandang umaga din ^_____^"
Pumunta na ako sa may helera ng mga sapatos. -_________- Pshhh. Ang daming mapagpipiliang sapatos. Pero sa dinami-dami ng sapatos na nando'n ay napako ang mga mata ko sa isang vans na pink. Gusto ko rin yung black pero mas gusto ko yung pink. Kukunin ko na sana yung sapatos pero may naging kasabay pa ako sa pagdampot nito.
"Teka, nauna ako sa sapatos na 'to" sabo ko. Kasi naman eh mas nauna ako nuh.
"Mas nauna ako sayo dito nuh" sabi nung lalaki.
"Mas nauna nga ako sabi eh" sabi ko.
"Miss pwede ba, mas nauna ako sayo" sabi niya.
"Pwede bang akin nalang to??" tanong ko.
"Hindi." sagot niya. :3 Ang damot niya.
"Pwede bang magpaka-gentleman ka nalang, akin nalang to" sabi ko.
"Ayoko nga" sagot niya.
Tssss. Wala rin akong nagawa sa pag-aagawan namin sa sapatos na yon. Bahala na, madami pa namang sapatos dito, bibili nalang ako ng iba. Pshhh. Ang damot damot ng taong yun. -________________-
-----
(Him)
Nandito ako ngayon sa Department Store dahil bibili sabi ko sa sarili ko na bibili ako ng sapatos. Ewan ko kung bakit pero gusto kong bumili para sa babaeng mamahalin ko. TAKE NOTE: MAMAHALIN pa lang dahil HINDI pa ako nagka girlfriend.
Nakng tipaklong!!! Sa dinami dami ng sapatos sa DS, sa iisang sapatos pa kami nag-agawan nung babae. Pero wala rin syang nagawa. Hindi ko kasi pinairal pagka gentleman ko ngayong araw. XDDD Kaya nabili ko talaga yung sapatos. Kawawa naman yung babae pero gusto ko yung sapatos eh. Hehehe :D
Bago ko nga pala tuluyang makalimutan, ako nga pala si Ace Cullen :) Oh??? Pangalan pa lang gwapo na nuh??? HAHAHA XD
Pagkatapos nang pag-aagawan namin ng babae sa sapatos ay umuwi na ako. Pinapauwi na kasi ako ni mommy dahil may sasabihin daw sya. Tssss Pwede namang itawag o itext ang dapat sasabihin eh. -_________-
*****
"Mom?? Im home. Ano po yong sasabihin mo??" tanong ko pagkarating ng bahay.
"Ace, anak, there will be a party tomorrow night at your tito's house"
"Party na naman?"
"It's like a thanks giving dahil na promote sya sa work nya"
"Okay, I will be there. What time?"
"Seven"
"Okay" sabi ko at umakyat na sa kwarto ko bitbit ang bagong bili kong sapatos.
-----
(Her)
"Oh, Ace iha, buti at nakapunta ka, nasaan and daddy mo?" tanong ni tito Arthur.
Hindi kami magkadugo pero tito ang tawag ko sa kanya dahil magkasama sila ni daddy sa work. Kaya nga ako nandito eh.