Dedicated sa author na nagpaiyak sa akin sa mga stories nya. :')))
---
The Essential Sadness
"Happy Father's Day ma! Mahal na mahal ko kayo" hinalikan ko si mama sa pisngi sabay hug.
Hinalikan nya ako sa noo at niyakap, "Salamat 'nak! Mahal na mahal rin kita".
"Salamat po. Salamat sa pagiging mabuting ama at ina sa akin" naibulong ko kay mama.
"Asus! Ang drama talaga ng anak ko!" sabay pinch ng ilong ko at kiliti sa tagiliran kaya napabitaw naman ako sa pagkakayakap. Naghabulan nalang kaming dalawa.
Normally, hindi ako madrama. Matapang nga raw ako sabi ng mga kaibigan ko. Pero pagdating kay mama, mahina ako.
Nung natigil ang habulan namin, bigla nya akong niyakap ulit but this time with her right arm lang. "Nak..eh yung papa mo na-greet mo na ba? Tumawag sya kanina at hinahanap ka. Father's day naman nga-"
"Ayy ma! Alis na ko, nag-aantay na'ng mga groupmates ko eh, gagawa kami ng project. Sige ma, bye!" kiniss ko si mama tsaka ako kumaripas ng takbo palabas ng bahay.
Narinig ko pa na tinatawag ni mama yung pangalan ko pero di na ko lumingon. Alam ko naman na kung san mauuwi yung ganung usapan.
Sigurado akong ipagpipilitan na naman nya na i-greet ko si papa kasi nga Araw ng mga Ama. Every Father's Day nalang nya ko kinukulit pero di ko ginagawa since that year. Besides he's never been a real dad to me.
Nung nakalabas na ko ng village nag-decide akong mag-stay muna sa waiting shed habang inaantay ang pagdating ng friends ko, dadaanan nalang raw kasi nila ako. As much as possible sana eh ayokong tumatambay dito kaso lang napaaga yung pag-alis ko sa bahay kaya no choice.
"Wala pa rin pala pinagbago to" nasabi ko nalang sa sarili ko. Dito sa waiting shed na to nangyari ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko, sa buhay namin ni mama.
Eleven years old lang ako nun. Galing school, binaba ako ng school bus dito sa waiting shed.
Ang instruction ni mama antayin ko daw sya dito kasi sya yung maglalakad sa'kin pauwi sa loob ng village. Di ko pa kaya nun tsaka bagong lipat kami kaya di ko kabisado yung daan.
Kakaupo ko palang sa bench ng waiting shed nakita ko si Papa tumatakbong papalapit. Nung una nagtaka ako kung bakit si papa yung sumundo sa'kin pero at the same time natuwa ako.
Dati kasi si papa talaga yung sumusundo sa'kin kaso nung lumipat kami dito, di na masyado. Parati kasi syang may trabaho out-of-town.
"Pa!!!" excited na tawag ko kay papa at napatingin sya sa direksyon ko na gulat. Napansin kong may dala syang maleta. Malamang mag-a-out-of-town na naman sya. Matatagalan siguro kasi yung maleta nya mas malaki sa usual nyang dala. Nung tuluyang makalapit si papa tinanong ko sya.

BINABASA MO ANG
The Essential Sadness (One-shot)
Espiritual"The Essential Sadness is to go through life without loving. But it would be almost equally sad to go through life and leave this world without ever telling those you loved that you had loved them."