Ang Panget Mo!

339 11 7
                                    

"P*cha. Nakakasira lalo ng araw yang kapangitan mo ah. Layas!" yan ang sigaw sa akin ng lalaking mahal ko. Ako si Abby, ang loyal lover ni Max.

Araw-araw ko siyang inaasikaso. Minsan pinagtatabuyan niya ako, minsan naman sweet siya. Ewan ko ba sa lalaking ito. Kung kailan napapaasa na niya ako (dakilang assumera here!) tsaka naman siya maba-badtrip at sasabihin ang mga katagang, "Ang panget mo!" tsk. Hindi naman ako pangit eh!

"Bakit ba? Anong ikinagagalit mo?" mahinahon na tanong ko. Kasi naman, 'pag badtrip ang lalaking ito, nagpapasuyo pa. "Max~?" pagtawag ko sa kanya.

Nandito kami sa canteen at naka-salumbaba lang ako habang nakatitig sa kanya. Inaantay ko ang sagot niya. "Eh kasi-- Tsk! Nakakainis! P*cha talaga! Sh*t! Sh*t! Sh--jsvdkskx!" tinakpan ko agad ang bibig niya.

Alam ko kasing magmumura yan ng magmumura hanggang sa masabi na niya ang lahat ng mura sa mundo. Yun pa nga lang sinasabi niya, pinagtitinginan na kami eh. "Shh. Chill. Huminga ka ng mala-- aray naman!" napa-aray ako kasi marahas na tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya kaya yung kamay ko humampas sa table.

Kahit na maluha-luha ako sa sakit siya parin ang inintindi ko. "Ano ba kasi yung problema mo?" tanong ko na medyo gasgas ang boses kasi feeling ko talaga nabali ang buto ko sa kamay! Huhu! Pero, feeling lang naman. Lilipas din 'to.

Nakita kong napatingin siya sa kamay ko. "P*cha." pabulong na sabi niya sabay iwas ng tingin. Hawak ko pa rin kasi yung right hand ko. Ewan ko ba, ang tagal naman atang lumipas ng sakit.

"Max, bakit ka galit?" tanong ko ulit. "Bakit ako nadadamay sa galit mo sa iba?" inis na tanong ko. Hindi niya ako nilingon at parang wala siyang katabi. Bakit ganito nalang ba palagi?

Tinitigan ko siya hanggang sa nag-ring na ang bell. Last na 'to, Max. sabi ko sa isip ko. Nasasaktan na rin ako eh. Physically and emotionally. Pero, bakit sa 4 years na pagsunod ko sa kanya, ngayon ko lang na-realize na ang t*nga ko pala, noh? Astig eh.

Noon kasi, kahit pagsabihan na ako ng lahat ng friends ko na huwag akong magpapaka-t*nga sa kanya ay tuloy-tuloy pa rin ako sa pagsunod kay Max. Haaay. Naguguluhan ako! Ang emotional ko nanaman. Palagi na lang niya akong pinapaiyak.

Nakaramdam ako ng pagyakap. "Sorry, Abby ko." narinig kong sabi ni Max. At ano daw? Abby KO?! Anong nangyayari?!

Teka, ito nanaman ako eh. Ang daya talaga. Kapag siya ang sinusuyo ang hirap. 'Pag ako, sabihan lang niya ng sweet words, kinikilig na ako at nakakalimutan ko na galit ako. Huhuhu! Akala ko ba, last na 'to?!

"Wag ka nang umiyak. Ang panget mo eh." sabi niya habang nakayakap sa akin ng mahigpit. Yung mukha ko nasa dibdib niya. Lalo tuloy akong umiyak. Ganun kasi eh, 'pag may nagko-comfort sayo, lalo kang maiiyak.

"Ikaw kasi eh *hik* kahit anong gawin kong *hik* pagpapakalma sayo *hik* hindi gumagana. *hik* Nakakapagod kaya." pag-labas ko ng sama ng loob habang nakayakap pa rin siya sa akin. "Sabi ko sa sarili ko, last na 'to, Max." sabi ko at medyo kumakalma na rin ako. Habang nakayakap ako sa kanya ay napangiti ako ng bitter.

"Shh-shh-shh. Ikaw kasi, 'pag pinapakalma mo ako, may kulang." sabi niya at napaangat ako ng tingin. Kumunot ang noo ko at nag-tilt ng head. Natawa naman siya, "Ang panget mo." sabi niya habang umiiling.

"Ano ba kasi yung kulang?" tanong ko. Sanay na rin naman akong sinasabihan niya ng panget eh. "Hm, dalawa yun eh. Ay, mali. Tatlo pala. Ay, sh*t. Apat pala." sabi niya habang nag-iisip. Ako naman naiinip na. "Ano ba kasi yun? Nakakainis ka na talaga." sabi ko.

"Una." lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. Hinalikan niya ako sa noo! Wiieee!! Kenekeleg eke! "Pangalawa." hinalikan naman niya ako sa ilong. Hihihi! Enebe! "Pangatlo." sabi niya at tumitig siya sa akin. Palapit ng palapit ang mukha niya. Pumikit ako kasi parang alam ko na yung susunod na mangyayari.

Naramdaman ko na may lumapat na mga labi sa bibig ko. 1..2.. ay? 2 seconds lang yung kiss? Awww. Pero, may pang-apat pa diba? Saan naman yung kiss noon? Sa.......... PAA?! Hehehe, chos!

"A-ano yung pang-apat?" tanong ko. Natawa naman siya. Nabubulol na kasi ako sa kilig eh! *gasp* Teka muna, wait! Parang may mali?!

Kinakabahang tumingin ako sa paligid at nakitang nakatingin lahat ng students sa amin ni Max. *heavy breathing* Patay! Waaaaah! Nakakahiya!!!! Takbo!

Hinila ko ang kamay ni Max at hinila siya paakyat sa rooftop para magtago. Ewan ko ba, feeling ko dapat kaming magtago. Sus! Gusto mo lang siyang ma-solo eh. Huwaaaat? Hindi kaya~

Nakakapagod rin palang tumakbo noh? Napahawak ako sa tuhod ko at huminga muna ng maayos. Oo nga pala, "Max, ano nga ulit yung pang-apat?" tanong ko. "Tch. Bakit ko sasabihin kung hinatak mo ako paakyat dito? Nakakapagod kaya!" inis na sabi niya. Hala~ ayaw nga pala niyang mapawisan. Nanlalagkit at naiinitan kasi siya eh, pati ulo niya umiinit din.

"Sorry. Nakalimutan ko." sabi ko at kinuha ang face towel niya sa bag ko. Hehe, may baon talaga ako para sa kanya. May shirt din siya sa locker ko. Kulang nalang..... hihi! Ang bad ko!

Lumapit ako sa kanya at tinalikuran niya ako. Huhu~ galit nanaman eh! Pupunasan ko na nga lang ang likod niya. Pati ulo... pati batok. Yan, tuyo na!

"Max?" sumilip ako mula sa likod niya at nakitang nakakunot ang noo niya. Hinawakan ko ang dalawang balikat niya habang nakatalikod siya at hinarap siya sa akin. Tumingkayad ako para maabot ko ang noo niya pero hindi ko kinaya kaya pisngi nalang.

Sunod ang ilong, tapos ang lips. Smack lang naman yung ginawa ko. Hehe! I want more! *smack* "Sorry na." *smack* "Sorry po~" *smack* "Love you, Max." sabi ko at ngumiti ako. Pinisil naman niya yung pisngi ko. "Sumusobra ka na ah." sabi niya habang nakangiti.

"Ano nga yung pang-apat?" pangungulit ko ulit. Niyakap naman niya ako at bumulong sa tenga ko.

"Ang panget mo. Pero, mahal kita."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Panget Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon