Blanko...
Blanko at walang emosyon ang mga mata ko. Mga matang dating may saya pero biglang naglaho.
"Ano bang nangyayari sayo?" Kita ko ang galit sa mga mata mo. Mga matang noon ay walang paki pero ngayon makikita ang pagaalala.
Bakit kailangan mo pang bumalik? Kung kailan malapit ko ng matanggap na hindi na pwede pa.
"Pitch kausapin moko" kita ko ang pagmamakaawa sa iyong mga mata. Pero bakit gusto ko na lang maglaho at mawala? Bakit biglang gumaganito ka? Akala ko ba wala ng pagasa para sating dalawa?
"Kiffer..." Sa isang iglap ay bigla akong nanghina. Niyakap mo ako at pinuntahan. Pinaramdam mo uli sakin ang mga katagang 'palagi lang akong nandyan'..
♥♥♥
He keeps hurting me. But what can I do? I love him. Even though alam ko na masasaktan din ako sa huli... Tinaggap ko pa rin siya.
"Gusto kita pero pwede pang mawala"
'Gusto kita, pero ako? Sigurado na'
"Thanks for informing me, Kif"
"Anything for you, Pitch"
May 'Anhedonia' siya, mabilis mawalan ng interes sa mga bagay na nakasanayang gawin. Nangako ako sa kanya na hindi ako magsasawang intindihin siya.
"Nawawalan ka na ba ng gana? Gusto lang kitang tanungin para aware ako"
Sorry kung ganito. Gusto ko lang naman isigurado, kung may patutunguhan pa ba tayo.
Nawala na ang dating saya at napalitan na ng mga luha. Dati mo na tong ginagawa pero kahit ganon mahal pa rin kita. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader, hahayaan kong dumaloy ang dugo hanggang sa maisip ko na bakit pa nga ba ako kumakapit sayo samantalang dati pala lang ay bumitaw ka na.
"Honestly..."
Humingan ako ng malalim para maihanda na ang sarili ko.
"I'll accept it kahit pa man oo or hindi"
Kahit alam ko na oo, nagtanong pa rin ako... Ito yung uri ng paninigurado na kung saan, yung sakit, tagos sa puso..
"Oo"
I smiled.
"It's okay..."
Slowly, everything changed. Yung mata na nakikitaan ko noon ng saya, ngayon, wala na akong mabasa. Sabagay, sa iba na kasi sumasaya.
"Anyare sa inyo?"
"Wala na"
"Ha? Gago ba siya?"
"Hey, kalma"
"Sana man lang nilabanan niya"
"I can't do anything about it Sanya"
"Tapos ano? Iiyak ka nanaman?"
"... No..."
'Hindi muna sa ngayon'
Tahimik kong pinagmamasdan ang madilim na kalangitan, sa anumang oras ay bubuhos ang malakas na ulan. Na animo'y mga luha ang patak, ang sigaw ang kidlat, at ang mahihinang paghikbi ay ang malalakas na hangin.