BATING PANIMULA

78 1 0
                                    

UNA  SA LAHAT, GUSTO KITANG BATIIN SA PAGLALAKBAY MO. SA MGA NARATING AT NAGAWA MO MATAPOS ANG ILANG TAON. KAMUSTA KA? OKAY KA LANG BA? HETO AKO MASAYA KAHIT PAGOD. KASALUKUYAN AKONG NAKATINGIN SA LITRATO MO HABANG NAKANGITI KA, NAIISIP KO LANG YUNG MGA PANAHONG ABOT-TANAW KA PA NG AKING PUSO AT ISIPAN. RAMDAM KO PA ANG PANGANGATAL NG AKING KAIBUTURAN. NI HINDI KO MASABI SA IYO NANG PERSONAL. IDINADAAN KO SA PAG-GUHIT AT PAGBIBIGAY SA IYO NG MGA DRAWINGS PAGDAKA. HINDI KO ALAM KUNG NAIINTINDIHAN MO BA ANG NARARAMDAMAN KO PARA SA IYO? HINDI IYON BASTA LANG NARAMDAMAN KO NANG ISANG IGLAP.... GUSTUHIN KO MAN NA IPRAMDAM SA IYO ANG PAGMAMAHAL KO, HINDI IYON NARARAPAT. HINDI IYON TAMA SA MATA NG KARAMIHAN..... NI HINDI RIN PWEDE IPAKITA DAHIL ANG AGWAT NATIN SA ISA'T ISA AY MILYA. PAGITAN NG ATING PANAHON SA IBA'T-IBANG HENERASYON, RAMDAM MO BA MAHAL KO? HINDI IKAW ANG ITINADHANA NA MAKASAMA PERO IKAW AY MANANATILING NASA PUSO KO LUMIPAS MAN ANG ILANG DEKADA. MAHIRAP PANIWALAAN, PERO ALAM KO, RAMDAM MO IYON, HINDI MO LANG SIGURO NAPAGLAANAN. SA DAMI NG MGA TAONG NAKAPALIBOT SA IYO, MAKITA AT MARAMDAMAN MO PA KAYA AKO? MALALAMAN MO BA ANG NARARAMDAMAN KO? O SADYANG WALA AKONG PUWANG SA PUSO MO KAYA NINAIS MO RIN NA HUMANTONG SA KAWALAN ANG PAKIKIPAGLABAN KO SA SARILI KO PARA SA PAG-IBIG MO NA HINDI KAILANMAN MASUSUKLIAN ANG PAGTANGI KO PARA SA IYO?

KASALANAN BA NA MAHALIN KITA? O KASALANAN KO NA MINAHAL KITA? SA BAWAT KATAGA NA PAULIT-ULIT NA TUMATARAK SA PUSO KO AT ISIPAN ANG ALAALANG TUMUNAW SA AKING NAKARAAN. IKAW AT IKAW PA RIN ANG AKING NAKAGIGISNAN. MALI BA O SADYANG MAPAGLARO LAMANG ANG TADHANA NA IKAW AY AKING NAPAG-LAANAN NG AKING PANAHON AT PAGMAMAHAL. TUNAY NA HINDI KO MAITATANGGI, ANG ISANG BAGAY UKOL SA NAKARAAN NA MAY BAHID NANG LUNGKOT AT PAGSISI. ANUMAN ANG AKING NAGING PASYA AY ISINAALANG-ALANG KO ANG IYONG KAPAKANAN AT ANG IYONG BOKASYON KAHIT ALAM KONG NI SA HINAGAP AY MAY PUWANG AKO SA IYONG PUSO. LUBOS NA PIGHATI ANG DULOT NG IYONG PAGLISAN NGUNIT MARAMI RIN AKONG NATUTUTUNAN AT LUBOS NA NAPAG-ISIPAN. NANG MASILAYAN KO ANG IYONG PAMILYA NAISIP KO, SADYANG KAY LAYO NG ATING AGWAT SA KATAYUAN AT ESTADO SA BUHAY, MAGING SA PANANAW AT PRINSIPYO SA BUHAY. HINDI NGA NAMAN NANAISIN NANG ISANG KATULAD MO ANG ISANG TULAD KO NA MAY BAHID NANG LUNGKOT AT MASALIMUOT ANG BUHAY NA AKING TINAHAK. 

MAARING MAIHALINTULAD SA NOBELA ANG BUHAY PAG-IBIG KO SA IYO NGUNIT MANANATILI ITONG LIHIM AT PRIBADO SAPAGKAT NINAIS KONG SUPILIN ANG NADARAMA KO PARA NA RIN HAYAAN ANG PUSO KONG MAGBIGAY-LAAN NA UMIBIG NANG TAONG MATUTURING KONG " AKIN" AT MAMAHALIN AKO SA KABILA NG AKING MASALIMUOT NA NAKARAAN MAGING ANG AKING KATAYUAN SA BUHAY. HINDI KO LUBOS AKALAIN NA ANG KAGUSTUHAN KONG LIMUTIN ANG NAKARAANG PAG-IBIG ANG MAG-UUDYOK SA AKING PAGKALUGMOK NANG TULUYAN. ANG SAPILITAN NA PAGHIMOK SA PUSONG SUGATAN NA MAGMAHAL NG KASALUKUYAN ANG PINAKA-MAHIRAP PANINDIGAN AT PANATILIHIN . HINDI LAHAT AY MAGBUBUNGA NANG MABUTI SAPAGKAT ANG HINOG SA PILIT NA PAG-IBIG AY MAGDUDULOT NANG PAIT AT HINAGPIS. NGAYON ALAM KONG UNTI-UNTI MO NANG NAUUNAWAN GILIW KO, HINDI MAN SABIHIN AT MANGATWIRAN SA IYO BATID MO NA: MAHAL KITA ..... PANAHON MAN ANG LUMIPAS, MANANATILI KA PA RIN SA PUSO AT ISIP KO.....

DEAR MR.DWhere stories live. Discover now