NANG ARAW NA IYON.....

65 0 0
                                    

DAMA KO PA ANG PAG-GUHO NANG MUNDO KO NANG ARAW NA IYON.... ISIPIN MO NA LAMANG NA PARA AKONG NASA ISANG MALUNGKOT NA YUGTO NG AKING BUHAY. ISANG ARAW NANGANGARAP AKO NANG AT SA ISANG IGLAP, GUMUHO ANG PANGARAP KO DAHIL SA ISANG PAGKAKAMALI....

NANG UMAGANG IYON, DINALA ANG PAA KO SA ISANG SIMBAHAN MALAPIT SA KINAROROONAN KO.... WALA AKONG LAKAS NA TAHAKIN ANG DAAN PAUWI SAPAGKAT ALAM KONG MASIDHING GALIT LAMANG ANG IPUPUKOL NANG KARAMIHAN SA AKIN. MATIGAS ANG ULO KO, PARIWARA AKO AT KUNG ANO-ANO PANG SALITA NA HINDI KO NA GUSTONG MARINIG. NAGING MABUTI AKONG ANAK, GINAWA KO RIN NAMAN ANG LAHAT PARA MAIRAOS ANG PAG-AARAL SA SEKONDARYA ANUPA'T DUGO AT PAWIS KO RIN NAMAN ANG NAGING PUHUNAN KO PARA MARATING IYON NGUNIT BAKIT AKO NASADLAK SA MALUNGKOT AT MASALIMUOT NA SITWASYON? HABANG TINATAHAK KO ANG PAPASOK NANG SIMBAHAN AY UNA KITANG NASILAYAN. MAY BAHID NANG LUNGKOT ANG IYONG MGA MATA NGUNIT KAYA MONG ITAGO IYON SA PAMAMAGITAN NG IYONG TIKAS AT WALANG BAHID NA EMOSYON SA PANLABAS NA KAANYUAN. LUBOSKONG NAUNAWAAN, HINDI LANG AKO ANG MAY PINAGDARAANAN. NI HINDI LANG ANG AKO ANG MAY PINAPASAN. ANG BAHID NG LUNGKOT SA AKING KAIBUTURAN AY HINDI MAIKUKUMPARA ANG BIGAT NG IYONG KALOOBAN. DOON KO IBINUHOS LAHAT NG ITINATAGONG EMOSYON NA PILIT KONG ITINAGO NANG MATAGAL. WALA NI SINUMAN ANG NAKAKAINTINDI.... NI AKO, HINDI KO NA KILALA ANG SARILI KO. NGUNIT HABANG MINAMASDAN KITA NAPAISIP AKO, GANITO BA MAGDALA NANG PROBLEMA ANG TAONG LUBOS NA NASASAKTAN? BAKIT NAKAKARAMDAM AKO NANG BIGLANG PANLALAMIG SA TITIG NIYA? MAY BAHID NANG LUNGKOT NGUNIT NGUNIT MAY SAPAT NA LAKAS PARA IPARAMDAM ANG SAKIT NA NARARANASAN.....

TAON ANG LUMIPAS AT NAGTAGPO MULI ANG ATING LANDAS. MAY BAHID PA RIN NG LUNGKOT ANG MGA MATA MO NGUNIT IBAYONG SAYA AT SIGLA ANG NADARAMA KO.... DAMA KO PA ANG SAYA NANG SABIHIN KO ANG PRESENSYA MO... OO SIYA NGA IYON! ANG TAONG NAGLIGTAS SA AKIN SA TULUYANG PAGKALUGMOK! ANG PUMUKAW NG AKING ATENSIYON... ANG NAGSILBING UNANG PAG-IBIG KO... HINDI KO LUBOS AKALAIN NA PAGTATAGPUIN MULI ANG ATING LANDAS.... IKAW ANG NAGING DAHILAN NG PAG-AHON KO.... NANG PANUNUMBALIK NANG TIWALA KO SA SARILI KO AT SA MGA TAONG NAGING SANDIGAN KO, ANG HALAGANG MINSAN BINATIKOS KO MAGING ANG DIGNIDAD KO BILANG BABAE NA MINSAN YINURAKAN NG IBA.... PERO IKAW... OO IKAW, ANG TANGING TAO NA NAKITA AKO BILANG AKO.... MASAKIT LANG ISIPIN NA SA ISANG IGLAP, ANG SIMPLENG PAGHANGA AY NABUO NANG PAG-IBIG KALAUNAN.GAYA NANG SINABI KO: IKAW RIN ANG DAHILAN NG AKING IBAYONG LUNGKOT......

HABANG TUMATAGAL NATUTO AKONG MAGPANGGAP NA  MASAYA PARA ITAGO ANG SAKIT NA NARARAMDAMAN.... GANOON KITA NAKILALA AT GANOON RIN ANG ISINABUHAY KONG PANANGGALANG SA MASAKIT AT MASALIMUOT NA REALIDAD. BILANG NA BILANG KO ANG MGA ARAW NA PAKIRAMDAM KO KAY BIGAT NG AKING PINAPASAN. ANG PAGMAMAHAL KO SA IYO ANG NAGING SANDATA KO PARA MAIRAOS ANG LUNGKOT NA DALA NG IBA SA BUHAY KO.... MULA SA PANGUNGUTYA NG IBA, ANG MGA NGITI MO ANG NAGING SANDIGAN KO, NA MINSAN SA BUHAY KO MAY TAONG NAKINIG SA AKIN NANG WALANG HALONG KRITISISMO.... SA BAWAT PANLALAIT NG IBA SA AKING KAANYUAN, ANG MGA SIMPLENG PAPURI MO ANG NAGING KANLUNGAN KO SA LUNGKOT AT HIRAP NA PASANIN SA BUHAY NA PILIT KONG INILALABAN.... ANG MGA SIMPLENG BAGAY NA IYON ANG NAGING INSPIRASYON KO....

NGUNIT SA PAGLIPAS NG TAON AT MGA ARAW KAILANGAN KO NA RIN SA IYONG MAMAALAM.... NUNG ARAW NA PILIIN KONG TANGGAPIN ANG PAG-IBIG NIYA KAHIT WALANG KASIGURADUHAN PARA LAMANG MATAKASAN ANG AKING TUNAY NA NARARAMDAMAN.... BAGAY NA KING PINAGSISIHAN KALAUNAN, NGUNIT KAILANGAN KONG PANINDIGAN AT MAGPATULOY KAHIT LUBOS AKONG NASASAKTAN....

SA KATUNAYAN MAHAL KITA, SA SOBRANG PAG MAMAHAL NA INILAAN KO PARA SA IYO NANG ILANG TAON, UNTI-UNTI KONG NAPATUNAYAN NA SADYANG KAY PAIT NANG TADHANA PARA SA ATING DALAWA.... GUSTUHIN KO MAN NA MANATILI SA IYONG BISIG AY HINDI MAARI. PAWANG ANG ATING MUNDO AY NAKALAAN NA MAGHIWALAY ANG TATAHAKIN. SUBALIT SA AKING PUSO AT ISIPAN, NARIRITO KA AT MANANATILI. ALAALA NA LAMANG SA AKIN ANG NALALABI.... NAKUKUBLI PA RIN SA AKING PUSO PAWANG HINAGPIS.... NA MAKAPILING KA AY SADYANG PANALANGIN NA HIHILINGIN KO NANG LABIS ....

SANA SA PAGKAKATAONG ITO MALAMAN MO NA NARIRITO LAMANG AKO SA MALAYO.... TINATANAW KA NANG MAY PAGMAMAHAL AT NAKUKUBLING LUNGKOT PERO ASAHAN MONG IPAGDARASAL KO ANG IYONG TAGUMPAY KAHIT TAYO AY MAGKALAYO.....

MAHAL KO..... IKAW AT IKAW PA RIN ANG NASA AKING PUSO....

DEAR MR.DWhere stories live. Discover now