Chapter 66 <3 <3

120 4 2
                                    

Hello Bias.... Hello Boyfriend?

Chapter 66 ~

(Xiumin's POV)

Nagulat talaga ako nung sinabi samin yung ni Chanyeol..

Pero may part sa akin na parang nagtatalon sa tuwa, at hindi ko alam kung bakit.

Siguro dahil sa mas lumalaki ang tyansa ko kay Krisha dahil mahal pa ni Baek si Jessica.

Isa lang naman ang kailangan para matapos na ang laha ng to e, ang desisyon ni Krisha.

-

Sa ngayon, andito kami sa Arrival Area, hinihintay nalang namin ang susundo samin. Di nga rin namin alam kung saan kami magiistay e.

"Hey!" Tawag samin ng isang babaeng kinakaway-kaway pa ang kamay niya. Si Aira.

"Uyyyyy!!" Takbo ni Chanyeol at niyakap agad ang asawa niya. Tss. Kung di lang naman talaga nanggulo si Baek, ganto rin sana kami ni Krisha.. mas sweet pa sa nakikita ko.

Nagsibabaan naman na ng van ang iba pa niyang kasama. Si Jay-Ann, Si Yvonne at Sino yung isa? Bago siguro. :3 

Lumapit na kami sa kanila.

"Sehun! Omg!!" Sigaw nung babaeng hindi ko kilala.

"Aish. Ang babaeng mahilig sumigaw. Tigilan mo ako!" Sabi naman ni Sehun habang nakapoker face.

"Meron kaba ngayon? Sungit!!" Sabi nung babae at unti unting lumalapit sakin.

" I bet hindi mo pa ako kilala, halata naman e. Hi I'm Kristine, tine for short. :> Childhood friend ni Krisha at bagong recruit sa truepa." Sabi niya sakin at ngumiti nalang ako bilang tugon.

"Saan pala tayo tutuloy?" Tanong ni Kris.

"Nako! Wag kayong mag-alala. Dun tayo sa condo ni Krisha!" Sabi ni Jay-Ann habang naka-akbay sakanya si Luhan.

"May spare key kami nun!" Sabi naman ni Yvonne na winawagayway yung susi. Magkatabi sila ngayon ni D.O at halata namang gagawa na ng damoves si D.O HAHAHAHA! 

"Ano ba!" Iritang sigaw ni Sehun kay Tine ba yun? Mwehehe.

"Eh kase naman! Ang sungit sungit nito! Ambading mo!" Sigaw ni Tine. 

"Ako bading? Halikan kita dyan e." Sabi ni Sehun at nagderp.

"Ewan sayo! Tara na nga guyths! Sakay na tayo!! Bka maabutan pa tayo dito ng fansss!" Sabi naman ni Tine.

Saktong maglalakad na si Tine papunta sa Van ng hinila siya ni Sehun, at hinalikan nga ito! HAHAHA smack lang gegu XD

"Oh ano? Bading pa? Tara na." Sabi naman ni Sehun at hinila ang naistatwang si Tine.

(A/N: Sabog na ovaries ni Tine habang binabasa nya to. HAHAHAHAHA)

Nako! May bagong loveteam nanaman ata. :>

Pero miss ko na si Krisha. pksht

-

Lahat kami nakasakay na sa Van at papunta na ng condo ni Krisha. Remember that place? Dun nagsimula ang lahat..

"Yah! Yeoboseyo!" Sabi ni Jay-Ann. May kausap ata sa phone, niloudspeaker niya yun para rinig aming lahat. Buti nga at sa gitna siya nakaupo.

"Yo yo yo buffalo~ HAHAHA" Sagot ng nasa kabilang linya. Ang boses na yun.. familliar.. Sounds like.. Krisha's angelic voice <3

"Oy Krisha! Dun kami sa condo mo magiistay ha!" Sabi naman ni Jay-Ann. I'm right, it's Krisha! HAHAHA <3 I missed this voice so much.

"Oo sige lang! Sorry di ako makakasama sainyo ngayon ha? Busy ako ay este kami e." Sabi ni Krisha.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Jay-Ann.

"Naghahanda kami sa Wedding tomorrow. Di ko pa nga napapadala invitations sainyo e. Baka ipadala ko nalang dyan! (Baek: Sino yan babe?) Tropa bby." -Krisha. Magkasama pala sila ni Baekhyun ngayon.. at mas masakit dahil bukas na yung wedding nila. pksht. I should stop them!

"Ay sige. Talk to you later. Byeee~" Sabi ni Jay-Ann.

"Sige. Annyeong! Saranghae to each and everyone of you!" Sabi ni Krisha at binaba na ni Jay-Ann.

"Nado Saranghae.." Napabulong ko sa sarili ko. Pakiramdam ko'y may tutulong luha sa mga mata ko kaya iniharap ko ang muka ko sa bintana at pinigilan ang pagtulo na luha ko.

Sa tingin nyo... mababalik pa ang lahat sa dati? :<

--xx

Hello Bias.... Hello Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon