Paalam na
Ang huling salitang narinig ko sa kanya
Ang salitang di ko inaasahang sasabihin nya
Kaya ako ngayo'y nag-iisa
Nakatunganga sa bintana at umaasang sya'y babalik paTinitigan ang kalangitan
Inaalala ang mga nagdaan
Mga masasayang sandaling pinagsaluhan
Ngayon ay sa alala na langPinilit kong ngumiti
Lumimot at mag simulang muli
Ngunit hindi nawaglit ni sandali
Patuloy n umaasang babalik kang muliBakit mo nga ba ako iniwan?
Saan ba ako nagkulang?
Diba dati'y kaysaya naman?
Bakit ang layo ng napuntahan?
Nauwi tayo sa iwanan..Bakit kailangang magpaalam?
Pwede namang ipagpatuloy nalang
Dapat ba talagang matapos to?
Ang tayong pinangako mo..💖💖💖
