Chapter 3.1: The Good and the Bad.

599 21 16
                                    

(A/N: Dedicated sa mga kapwa ko Jalec Fans at syempre sa #JST! :)) Mabuhay ang mga SOLID! MABUHAY! LOL! Pagpasenyahan niyo na, eto lang nakayanan ko e. so eto na yun! ENJOY! <3 )

>>>Chapter 3.1<<<

--- Mr. PERFECT's POV ---

Friday ngayon.

Kung di nyo naitatanong, deboto po ako ng Nazareno sa may Quiapo Church kaya naman papunta ako ngayon doon para umattend sa misa.

Tumayo ako sa may bandang likuran... Puno na kasi e. Kapag friday talaga dumadagsa ang mga tao rito. Buti na lang di pa nagsisimula. Di pa ako late.

Teka, nagpakilala na ba ako?

Ako nga pala si Robert Marion Domingo. Robi na lang for short. 17 years old. Incoming 2nd Year college na ako next week sa Thompson University na pag-aari ng kapatid ni Mama Ann na si Tita Angie. Makikilala nyo rin akong mabuti sa mga susunod na chapters. :)

Ayun. Gaya ng dati, nakinig akong mabuti sa misa at nagdasal ng mataimtim.

Marami akong dinarasal sa araw-araw na ginawa ng Diyos at isa na doon ay ang gumaling si Mama.

Oo, may sakit si Mama.

Cancer.

Stage 4.

Sabi ng doktor, kaunting panahon na lang daw ang itatagal nya.

Kaya nga eto, umaasa ako sa Himala.

Sana gumaling na si Mama.

Siya na lang ang natitira sa buhay ko e.

Si Papa kasi iniwan na din kami. 

Namatay na sya nung baby pa lang ako.

Sa picture ko lang sya nakita.

-----------------------

Natapos na ang misa kaya nagsisilabasan na ang mga tao sa simbahan.

Papalabas na sana ako nung makita ko ang isang babaeng pamilyar ang mukha.

Sumakay siya ng jeep na byaheng SM.

Hinabol ko pa nga yung jeep pero di ko naabutan e. Sayang!

O, wag nga kayo! Di ako PBB TEENS ha?

Pupunta rin kasi ako sa SM kaya hinabol ko yung jeep... Kayo talaga!

Pero nakakapagtaka lang. Kahawig talaga sya nung dati kong kakilala.

---------------------------

Naglalakad na ako sa may underpass papuntang SM Manila. Makikipagkita kasi ako kay Kit. Tawagan ko na nga kung nasan yung mokong na yun.

*dialing Kit's number*

"Hello kit? O? San ka na? Naayos ba si bumble bee? A---"

"Snatcher! Snatcher! Tulungan nyo ko! Kinuha ang Bag ko!"

Napalingon ako sa sumigaw.

Teka? Siya yung babae kanina sa simbahan ah? Teka nga...

"Ah, insan! Wait lang ha, Sige papunta na ako. Wait nyo ako dyan. Saglit lang. Bye!"

nagmamadaling ibinaba ko ang tawag. nakita ko kasing papalapit sa direksyon ko yung snatcher kaya naman bago pa sya makalagpas sa akin, pinatid ko na sya para madapa at makuha yung bag nung babae.

Sakto namang nagsi-datingan yung mga pulis kaya nahuli na yung lokong snatcher.

Ako na lang ang magbabalik ng bag dun sa babae.

I Love The Way YOU Love ME (Jalec Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon