Serendipity 1

965 49 56
                                    

Naaalala ko pa noon kung paano tayo unang nagkakilala...

Alas onse y media na noon ng tanghali.

Tirik na kaagad ang araw at wala nang masakyan na bus papuntang FTI. Tagaktak na ang aking pawis sa noo at likod. Mukha na akong mandirigma kahit papasok palang ako sa school. Napahalukipkip ako sa inis na nararamdaman. Sana lang may makasabay akong pogi sa bus, para hindi naman ako tuluyang ma-badtrip!

Mahigit trenta minutos na akong nag-aabang sa may bus stop kasama ang maraming tao. Pansin mo na rin ang pagkairita sa kanilang mga mukha. Sino ba naman kasi ang hindi mabubwisit kung wala kang masakyan? At tiyak na kapag may dumating nang bus ay pagkakaguluhan ito.

Buti pa nga ang bus pinagkakaguluhan.

Lumipas pa ang ilang minuto nang may huminto na ngang kulay rosas na bus. Ordinary ito. Bagay na hindi ko sinasakyan dahil alam kong malalanghap ko ang lahat ng polusyon sa EDSA, na ayaw na ayaw kong mangyari. Pero wala na akong choice, mag-iinarte pa ba ako?

Gaya nga ng inaasahan ko, nagkumpulan na ang mga tao sa may pinto nito. Nagtutulakan, nag-uunahang makapasok. Hindi pa kasi masyadong puno ang bus.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nakipagsiksikan na rin ako para makapasok. Luckily, may kaliitan ako kaya hindi ako ganoon nahirapan makapasok.

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng bus, nagmamadaling makahanap ng mauupuan. Hanggang sa dumako ang tingin ko sayo. Nakasuot ka ng kulay asul na polo, ang itim mong bag ay nakakalong sa iyo at nakasuot ka ng earphones habang nakatingin sa labas ng bintana.

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Marahil ay dahil sa andrenaline rush?

Napabalik ako sa wisyo ng may tumulak sa akin, saka ko naalala na naghahanap nga pala ako ng upuan.

Mabilis akong naglakad papunta sa tabi mo, ikaw kasi ang pinakamalapit na wala pang katabi. Muli ay may bumangga sa akin kaya nang akma na akong uupo ay nasanggi kita. Nabigla ako sa 'spark' na naramdaman ko! Hindi ko alam kung naramdaman mo iyon, pero napatingin ka sa akin, ganoon din ako sa'yo.

Pakshet! Ito na naman! Ang bilis na naman ng pintig ng puso ko!

Mabilis akong umiwas ng tingin at ganoon ka rin. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha. Tumikhim ako at naupo ng maayos.

"Sorry," mahinang sambit ko. Nang maalala kong naka-earphones ka nga pala, palihim akong napa-face palm.

As if naman na maririnig niya 'yun, 'di ba?

"Okay lang," napaigtad ako sa sagot mo.

Maingat akong lumingon sa iyo, nakasuot ka pa rin ng earphones at nakatingin sa bintana.

Siya ba talaga ang nagsalita o guni-guni ko lang iyon?

Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa'yo. Ang gwapo naman kasi! Bulong ko sa aking sarili.

'Yung kagwapuhan mo, eh parang pang-artista, pang-commercial model. Hindi ko tuloy mapigilan mapangiti. Tiyak na maiingit sa akin sila Joyce at Mona nito kapag ikuk'wento ko sa kanila na may nakatabi akong pogi!

Umiwas na ako ng tingin nang dumating si Manong Konduktor.

"Tenement po," bayad ko.

"Magallanes 'ho," sambit mo naman at inilahad ang kamay mo.

Napaurong ako dahil doon. Nahihiya akong magkaroon ulit tayo ng physical contact sa isa't isa. Ewan ko ba, baka kasi mabahiran ang makinis mong balat ng lupa mula sa mala-tskolate kong balat. Pero hindi naman ako ganoon kaitim! Sakto lang.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon