XXXI

296 9 0
                                    

Chapter Thirty One

AUCTION

Nauna na si Katyana at mukha papasok na siya sa kwarto niya, ako din ay umakyat na nagpunta doon sa kwartong ginagamit ko nakasunod naman sa akin sila Miss Porshia at Miss Joey maging si Tito ay nakasunod din.

Nang makapasok na kami sa kwarto at nandoon na ang mga kagamitan na gagamitin sa akin.

"Are you ready, hija?" Tanong muli ni Tito.

"I'm born ready."

"So girls make her fierce I know that she was already look fierce but make her fiercer." sabi ni Tito.

"Copy that, Sir." sabi nila Miss Porshia at Miss Joey.

"Maiwan ko muna kayo girls, babalik ako." sabi ni Tito at lumabas na siya.

Naglinis naman ako ng katawan ko at silicon bra, panty, at cycling short lang ang suot saka nagbath robe at saka ako lumabas

Nilagyan na ako ng make up nang makaupo ako at saka ko lang nalaman na hair stylist si Miss Joey at si Miss Porshia naman ang make up artist kaya mabilis ang pagtrabaho nila sa mukha at buhok ko.

Nang matapos na ay binuksan ko ang mga mata ko at nagulat na lang ako sa itsura ko.

"You're so beautiful!" sabi ni Miss Porshia.

Napatingin talaga ako sa mukha ko habang nakatapat sa salamin. Grabe wala akong masabi mukhang ang fierce talaga ng mukha ko sa dark eye shadow na nilagay at red na lipstick at na emphasized naman ang pagkataray ng mata dahil sa mahabang pagkakaguhit ng eye liner.

"Here wear it." sabi ni Miss Porshia at inabot sa akin ang gray na contact lenses na bagong-bago dahil nakalagay pa ito sa lalagyan nito at nakalagay pa ito sa isang maliit na paper bag ng isang kilalang optical clinic.

Sanay naman akong maglagay nito dahil malabo na ang mga mata ko kaya mabilis ko itong nailagay at grabe wala na talaga akong masabi sa itsura ko ngayon parang hindi ako ito.

At kaya pala ipinalagay sa akin ang contact lenses na iyon ay lalagyan pa pala ng maskara ang pilik mata ko kahit hindi na kailangan.

"At para sa last ang gown." sabi ni Miss Porshia at iniabot sa akin ang gown.

"Come on, wear it." excited na sabi nito at pinapasok agad ako sa walk-in closet.

Sinuot ko iyon ng walang kahirap-hirap dahil mukhang saktong-sakto iyon naitanong siguro ni Tito Ades ito kila Mommy at Daddy sa kumuha ng gown no'ng party.

Lumabas na ako dahil walang mag-si-zipper ng likod ng gown.

"Miss Porshia, can you help me?" Tanong ko lumapit naman siya at isinara ang zipper.

Kapit na kapit iyon sa hubog ng katawan ko. Isang itim yun na evening gown mermaid tale style ang laylayan at off shoulder na medyo daring dahil kita ang cleavage dahil sa lalim ng V nito na abot hanggang kalahati ng chest.

"Oh my god! such a goddess!" Sabi ni Miss Joey.

"Here's your clutch bag." sabay abot sa akin ng itim na clutch bag ni Miss Porshia.

"And here's your killer heels." sabi niya sabay abot ng itim na kumikislap na heels dahil sa design nito.

Kaya lumapit ako sa kama at isinuot ang heels saka ko kinuha ang phone ko at inabot ni Miss Joey ulit sa akin ang lipstick at inilagay sa clutch bag saka ako umayos ng tayo.

The Way I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon