PART 5

12 0 0
                                        

SUMMER POV

Gabi na bakit hindi pa naka uwi ang isang yun?

Kasalukuyan akong nag aabang dito sa labas ng bahay ni Josh para makipag usap sa kanya, kaylangan kong linawin ang tungkol sa amin, kanina pa ako nilalamok dito, bat ang tagal niya, gabi na ba siya umuuwi palagi? Tatawagan ko ba siya o etetext? nakatingin ako ngayon sa phone ko at..

"Su..summer??"

Napapikit ako sa inis, that voice..

"Bakit ngayon ka lang umuwi kanina pa ako nag..."

Natigilan ako nang pag mulat ko ng aking mga mata ay nakita ko siya at may kasamang babae, si Thena.. mag ka holding hands pa!? Wath the hell?? Ang bilis talaga ng lalaking ito..

"Summer.." sabi ni Thena sa akin.

"Ow.. Thena pwede bang maka usap saglit lang si Josh may pag uusapan lang kaming importante.."

"Ahh sige aalis muna ako.."

"Wait Thena dito kalang.. wag na nating itago to.."

"J..josh..." pinipilit kong pigilan ang mga luhang nag babadya pumatak sa mga mata ko.

"I already told you Sum, I'm done with you, akala ko ba you're into your Idol Jie..? Now that we're over malaya kanang mag kandarapang habulin siya!" Naiiritang sagot niya sa akin, kung maka asta siya ngayon parang wala man lang kaming pinagsamahang dalawa..

Yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay unti unti nang pumapatak dahil hindi ko na mapigilan lalo pa sa mga sinabi niya.. pero pinilit ko paring itigil ang pag iyak.. hindi dapat ako magpakita na mahina ako.. ako itong niloko ako dapat itong galit, ayaw kung ipakitang talo ako.. pinahiran ko ang aking mga luha at malamig siyang tinignan..

"Tama ka Josh.. we're over...    I was so blind."

Nilampasan ko na sila at umalis.. pero narinig ko pang may sinsabi pa siya..

"Lets go Thena, wag na nating pag aksayahan nag panahon yung babaeng yun."

Gago ka talaga Josh!! Maging masaya ka sana sa naging desisyon mo! Yan na lamang ang aking na sabi sa aking isipan!!

Lumayo na ako sa lugar na 'yon at nag lakadlakad para matanggal kahit papanu yung inis ko.. pero ayaw talaga, na iinis parin ako urghhh.. "Langyang Josh na yun! Ibang iba na siya sa dating Josh na nakilala ko." Yung dating Josh naman kasi ay sobrang cute at mahiyain pero ngayon haysss dinaig pa ang politiko sa kakapalan nag mukha lahat kinakawayan may pa kindat pa..!

"Tsk magsisi ka sana!" Mahinang sigaw ko sabay sipa sa maliit na bato sa aking paanan..

"Ouch! Do..don't mind me just continue walking.." kamot-kamot yung ulo niyang natamaan ata..

Hala patay! May natamaan pala ng batong nasipa ko..! magsosorry na sana ako pero bigla nalang itong nagmadaling pumunta sa gilid nag building na parang nag tatago. Sinundan ko siya dahil di pa ako nakakapag sorry..

"I'm fine just go"

"But gusto ko sanang mag sor.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya lang tinakpan.l ang bibig ko..

"Hmmmm... hmmmppp..!!!"
"Shhhhhh keep quite first" bulong nitong lalaki sa akin ang tangkad naman nito nakayuko na kasi siya sa akin..pero di ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ang kalahati ng kanyang mukha,

"Saan na kaya siya!? Dito lang papunta yung paglakad niya eh!?"
"Oo nga saan na kaya si Vin ang bilis naman niyang mawala.."

Rinig kong may mga grupo ng kababaehan sa dulo nitong building parang my hinahanap sila.. habang takip parin ng lalaking ito yung bibig ko nadinig ko siyang nagbuntong hininga at nawala narin yung ingay ng mga babae sa dulo.. binitawan na niya ako ng masiguradong wala na talagang ingay at tumingin ulit sa akin... yung mga mata niya.... tinanggal ng lalaki yung takip sa kanyang mukha at doon nalang biglang lumaki yung mga mata ko nang mapagtanto kung sino itong na sa aking harapan..! "Vi....Vin..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Night With My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon