Unang araw ngayon sa pasukan at naisipan kong huwag munang pumasok ngayong umaga dahil kadalasan kasi hindi pa nag sisimula klase at halos oras oras kang magpapakilala sa harap ng iba dahil bago nanaman iyong mga guro.
Dito sa St. Paul's academy na ako nag aaral simula grade 7 at ngayon ako ay nasa grade 12 na, okay naman dito kaya nga hindi na ako nag tangkang lumipat kahit mahal iyong tuition dahil maayos naman ang kanilang pagtuturo.
At tsaka halos lahat ng mga kaklase ko e kilala ko na, paulit ulit lang naman iyong mukha eh, minsan may mga transferee pero iilan lang
Kakatapos ko lang kumain ng makatanggap ako ng text message galing kay Angeli isa sa mga kaklase ko. Tinanong niya kung may plano ba akong pumasok mamayang tanghali sinagot ko siya ng oo at kunan niya ako ng upuan para tabi kami, at aba ang hinayupak tinawanan lang ako
"Leeeey" sigaw ko ng makasalubong ko si Angeli tanghali ngayong araw we use to call each other ley
"aba at may plano ka pa talagang pumasok ano? Wala kanang mauupuan uy!" ani nito hindi ko siya pinansin sa halip ay hinead to foot ko ito at talaga namang nakakatawa ang kaniyang itsura
"what's with the look Ley?" ani ko sabay halakhak. Nakakatawa lang kasi ang itsura niya ngayon. Nakapameywang habang bitbit ang kaniyang lunch box at may pa red ribbon pang pa ipit sa buhok.
Humalumbaba lang ito at sinimangutan ako
"tara na nga at baka magsisimula na iyong klase" sabi niya sabay hila sa kamay ko
Sabay kaming umakyat sa 4th floor, ang sikip parin ng daan walang pinagbago.
"oh. Ito iyong classroom natin" ani nito. dumiritso ako sa loob upang makipag beso sa iba pang mga kilala ko
"Hi Mik" ani Mia isa sa mga naging kaklase ko rin
"ba't ngayon ka lang?" tanong nito. I just shrugged my shoulder at hindi na sumagot.. Hindi kami masyadong closed kaya napaplastican ako sakanya, actually hindi lang sakanya pati narin sa best friend niyang si Jam ali ayokong madamay sa pagiging plastic nila pag kasi nakatalikod iyong isa e pinag chichismisan iyong isa kaya bagay silang dalawa maging kaibigan parehong plastic.Umupo ako sa bakanteng upuan kong nasaan nakaupo si Bea at kasunod naman noon ang pag pasok ng aming guro sa oras na ito
"Good afternoon Class!" sigaw ng aming guro habang naglalakad papunta sa harapan
"So as of now hindi muna tayo mag kaklase dahil gusto ko munang makilala ang isa sainyo" see, that's what I told you, sinasayang ko lang ang oras ko dito pero okay narin siguro dahil kung baka bukas pa ako pumasok e ma a out of place ako dahil wala ng gustong makipag usap sakin dahil may nakilala ng bago.
"so let's start here" ani nito sabay turo sa banda namin "Name, age, at kung saan ka nakatira. Go" pahabol nito.
tumayo na si Angeli at nag simula ng magpakilala
"I'm Bea Angeli Kwan 19 years old from frontier Iligan city" ani Bea.
Hindi kagandahan si Bea mukha nga itong kalansay sa sobrang payat pero maraming talent nobody's perfect ika nga.
Tumayo na rin ako at nagsimulang magpakilala sa sarili "Mikha Ann santos 18 from santiago Iligan city" hindi sa pag mamayabang pero may itsura naman ako, talented at may utak rin naman kunti tamad nga lang. Madalas akong sumasali sa mga beauty pageant o kung ano ano na umaakyat sa stage hindi sa pag mamayabang pero parang ganun na nga.
Nang makaupo na ako ay sumunod naman sila Jam, Mia, at iba pang mga kaklase ko
Ganoon rin ang nanyari sa sunod na apat pang subjects. Nakakaubos ng laway.
BINABASA MO ANG
Just A Rebound
Teen FictionOn going Pinakita mo saakin ang tunay na pag mamahal, dinala mo ako sa mundo ng pag ibig kung saan ang kasiyaha'y laging nariyan, pinaramdam mo saakin na palagi ka lang nandiyan kapag ako'y nangangailangan, sobrang saya pag ikaw ang aking kasama, sa...