ClingyKinabukasan maaga akong nagising dahil sa ingay ng paligid, may nag aaway nanaman kasing kapitbahay
Excited akong pumasok ngayon dahil may makakausap nanaman ako ang tamad kaya pag nasa bahay ka, lagi ka nalang naglilinis kapagod!
"manong bayad po" sabi ko sabay abot ko kay manong driver ng aking bayad.
nakasalapak nanaman ang aking earphones saking dalawang tenga ngayon habang tumitingin sa paligid na nadadaanan ng jeep, saktong huminto iyong jeep sa IIT overpass kaya nagkaroon ako ng pagkakataong masilayan ang aming simbahan, katabi lang kasi nito at syempre narin maiiwasan ba naman iyon? Kahit gaano ka pa kabait o ka faithful sa jowa mo automatic na lilingon ka pag may masilayan kang pogi lalo na't kung taga IIT pa.
Ang IIT kasi ay isang unibersidad ng mga nag kokoleheyo, walang bayad kung maipapasa mo ang pa scholarship ni mayor at syempre narin pag nakuha mo ang average score mo sa Sase exam pag 80% out of 100 iyong nakuha mo ibig sabihin makakapason ka na at mag aaral na walang pinoproblema.
Halos studyante ng IIT eh matatalino, mababait, at magaganda't pogi isa itong public school na kung saan kung bobo ka ekis ka. Pangarap kong makapag aral dito kaya sana palarin naman ako pag mag tatake na ako ng Sase exam this year.
Saktong pag andar ng jeep e bigla nanaman itong huminto, napunta tuloy ako sa unahan. Manong naman!
"sorry po. May tumawid ho kasi e" ani manong
Umupo na ako ng maayos at inayos ang aking buhok tinignan ko naman ng masama iyong taong tumatawid nalang bigla. Ang liit nga naman ng mundo.
Pumasok si Eman sa loob ng jeep ng nakabungisngis akala mo naman kinapangit niya iyan!
"Hi Mik! Maganda ka pa sa umaga" ani nito. Sobrang ganda ng ngiti niya ngayon. Nambola ka pa talaga, cute ka pero hindi ako marupok ano hindi ako easy to get. Sinuklian ko lang siya ng ngiti at hindi na nag abalang lingunin pa ito
Nang bumaba na ako ay binilisan ko talaga ang lakad ko pero ugh. Tinakbo pa talaga ako ng kumag, ng makalapit na ito sakin ay tumatawa ito sabay gulo ng buhok ko hinawi ko ang kamay niya sa sobrang inis "Ano ba?" sabi ko ng pasigaw
Mas lalo lang lumaki ang ngisi nito kaya agad ko na siyang tinalikuran at pumasok na sa gate ng school habang si Eman e nakabuntot parin sakin
Ng malapit na kami sa classroom ay agad lumapit si Matet sakin at umambang yumakap kaya inunahan ko na siya bago pa dumikit iyang ahas niyang balat sa porselana kong balat.
"Stop. I don't do hugs" mapakla kong sinabi sabay poker face.
Sampal ko iyan sayo bitch ang plastic mo!
"Hiyang hiya naman ako sa pagiging assuming mo." sumbat nito na may halong pangugutya nilagpasan niya ako at agad niyakap ang lalaking kanina lay ginulo iyong buhok ko! Agad nag tawanan ang mga kaklase ko dahil saaking inasta. Okay. Isang puntos para saiyo pero sisiguraduhin kong sa oras na babawi ako panalo agad ako.
Inilagay ko na sa upuan ang aking bag at aba! Ang dalawa di na nakontento sa yakap dahil nagawa pa talagang mag usap
"sila ba?" tanong ko sa katabi kong sing pula ng nasuntukang kabayo ang lips si Sofia. Binigyan naman niya ako ng malisyosong ngiti sabay sabing "bet mo no?" ani nito. Napa Tss ako dahil imposibleng magkagusto ako sa lalaking tulad niya. "Am I that cheap?" mataray kong tanong sakaniya sabay pamaywang "sabagay" sabi niya sabay tango. Nag usap kami ni Sofia buong umaga at marami akong natutunan tungkol sakaniya I actually like her, may attitude well I guess nahanap ko na ang katapat ko and that's her.
![](https://img.wattpad.com/cover/172125956-288-k880215.jpg)
BINABASA MO ANG
Just A Rebound
Roman pour AdolescentsOn going Pinakita mo saakin ang tunay na pag mamahal, dinala mo ako sa mundo ng pag ibig kung saan ang kasiyaha'y laging nariyan, pinaramdam mo saakin na palagi ka lang nandiyan kapag ako'y nangangailangan, sobrang saya pag ikaw ang aking kasama, sa...