Chapter 56

37.7K 1.3K 193
                                    

⭐Deathalè⭐

"Make sure our plan will over rule theirs"

[Yes Deathalè]

"I'm counting on you Lorian"

[Makakaasa ka Death]

Ibinaba ko na ang tawag at napangiti. Malaki na ang pinagbago ni Lorian, she became stronger than before. Yes, she's alive. Hindi ko siya pinapatay because of what she did, though i let her realize her mistake, masakit mawalan ng kaibigan. She undergo trainings and rehabilitation. Same as Mike. He stopped attending school at sinamahan si Lorian sa pagpapalakas. Hindi ko naman sila hinayaan na maging illiterate, i provided them a tutor to lecture them katulad ng mga tinuturo sa paaralan.

They are part of my everyplan.

Huminto na ang sinasakyan kong itim na kotse dahil huminto narin ang sasakyan nila mom na sinusundan namin. Bumaba sila and so am I. Sinalubong kami ng mga butlers na prinovide ng black council para sa event na ito. The council will witnessed the passing of the throne. They are the oldest former part of the organization.

They lead the way papasok sa loob. Dito palang sa hallway ay rinig ko na ang musika sa loob at nakakaramdam na ako ng excitement.

Hinawakan ni Mom ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Be careful sweetheart."

"Don't worry Mom, nandito naman kami ni Drevor." sabi ni Pire tsaka ako inakbayan.

Actually wala si Drevor dito dahil kasabay niya ang mga Elliot. Pire should be the next ruler of our organization pero hindi ito pinayagan ng council dahil nga anak siya sa labas, Pire doesn't seem to care. Si Drevor naman ay magiging tagapagmana na ng mga Elliot kaya ang natira nalang ay ako. Ako ang aako sa mabigat na responsibilidad na ito.

"Take care of her Pire."

"Yes Mom"

Pumasok na kami sa loob at bumungad sakin ang black and white theme ng event. The member of the black organizations with their luxurious tux and dresses.

Nahagip naman ng mata ko si Mr. Gustav katabi si Jamvi na parang walang pakealam sa mga mangyayari. Nakikipag usap si Gustav sa isang business man na guest ng event. Napabaling ang tingin niya saakin at kita ko ang gulat sa mata niya ngunit ngumiti parin ito.

Nginisihan ko naman siya dahil hindi na ako makapaghintay na walain ang ngiti sa mukang yan.

"Victoria.."

Nabaling ang tingin ko kay Andree. His black tuxedo really fits him well. Nakangiti itong nakatingin sakin. Sa likod niya ay naroon sina Mr. and Mrs. Knight.

"Goodevening Mr. and Mrs. Knight" pagbati ko sa kanila na hindi pinansin si Andree kaya sumimangot ito.

"Goodevening Deathalè. Just call us mom and dad. Dun din naman ang punta niyo hindi ba?"

Ngiting aso naman si Andree dahil sa sinabi ng Mom niya.

"Not sure of that Mrs. Knight, marami pa ang pwedeng mangyari."

"What!! So you're not sure of me?" gulat at napalakas na tanong ni Andree. Napatawa naman ang kanyang Dad at Mom dahil mukang alam nilang pinag t-tripan ko lang itong gwapong to.

"Hmm. Malay mo, si Nigel pala ang para saakin. He's just out there waiting for me."

"No" kaagad niya akong inilapit sa kanya at niyakap. Nagpatingin-tingin pa siya sa paligid na parang may hinahanap. "You're just mine Victoria. Mine alone"

Pssh, such a possessive handsome he is.

-

"Goodevening Ladies and Gentleman. We are now formally gonna start the passing of the throne of the Mafia Bosses to their Heir and Heiress. You are all gathered here to witness this once in a blue moon event in our black organization. So now, all of the candidates to throne please occupy those chairs in the middle according to your family rank."

So nag-umpisa na nga talaga ang seremonyas nila. Katulad ng sinabi ng pinakamatanda sa council, we occupied the thrones in the middle. Ako ang nasa unahan at si Andree naman ang katabi ko.

Pag-upo ko. May napansin akong anino sa itaas. It is a ninja, naghihintay ng pagkakataon. Alam kong marami pa sila. Palihim kong pinindot ang button na nasa bracelet ko para paghandain na lahat ng tauhan namin. By now, alam kong nagkalat na sila sa bawat sulok nitong Capitol at huliin ang mga binayaran nina Gustav.

Kita ko ang ngiting demonyo ni Gustav at ng iba pa. Akala nila magtatagumpay sila? Sa harap pa talaga ng council? Let's see asshls. Let's see.

"Parents be at the back of your son or daughter and repeat after me." lumapit sakin sina Mom and Dad. "I the ruler of our organization.."

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang mga pinagsasabi nila. Nakamasid lang ako sa paligid at pinag-aaralan kung saan pa maaaring magtago ang mga tauhan ni Gustav. May gumalaw sa ilalim ng mesa kung saan nakaupo si Pire. Ooh ow, such a badluck for you asshle. Sinenyasan ko si Pire and he nodded.

"And now, put the crown in their head to officially give them the power you hold for more than a decade."

My father remove the crown in his head. Hindi ko nakita na may suot na korona si ama kanina, meron palang ganyan? Pssh ang corny. Ipinatong niya ang korona sa ulo ko.

Nilingon ko si Dad and he is smiling. He mouted 'I'm proud of you'. My mom hugged me as we stand up and face the witnesses for this night.

Pumalakpak ang lahat but that clap was interrupted by an explosion.

"PROTECT YOURSELVES!!!" sigaw ng isa sa mga council. We are all Mafia members here and they are not stupid to let themselves die.

"Let's get this rockin' dudey!!!"

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon