Kanino ka Takot?

6 0 0
                                    

Habang tumutugtog ang kantang Thriller ng namayapang si Michael Jackson, hindi maiwasang matawa ni Blessy sa kanyang kaibigan na sumasayaw. Ala sais na ng gabi at pauwi na sila sa Bario Mapayapa galing eskwela.

"Hoy! Para kang tanga dyan. Tumigil ka nga" tapos gumiling giling pa ang kaibigan na ikinailing ni Blessy.

"Malapit na tayo sa sementeryo, hinaan mo ang tugtog" paalala nito ngunit wala pa ring sagot ang kaibigan sa kanya.

Naghawak kamay sila at dahang-dahang naglakad papalapit sa sementeryo ng Bario. Madadaanan muna kasi nila ito bago tuluyang makauwi.

"Ano?" Tanong niya sa kaibigan dahil ito ang nagsusumenyas sa kanya. Napairap si Blessy at sinabi

"Oo na oo na. Umihi ka na. Babantayan kita" sabi nito at sinamahan ang kaibigan sa medyo madamong lugar at tumalikod ng makarating.

"Dalian mo! Madami pa tayong assignment. Tska maghuhugas pa ako. Pero alam mo ba? Kanina may napansin ako sa eskwelahan. Parang kakaiba tumingin yung bagong lecturer—" natigil sa pagsasalita si Blessy ng may kumalabit sa kanya.

"Ang bilis mo naman—Ah!" Sigaw ng dalaga at natulala

"Hahahahahaha! Nakita mo ba ang itsura mo? Para kang natatae, Blessy! Hahahahahaha" si Julyo, kababata ni Blessy. Pinagtrip-an na naman sya

"Gago! Wag mo nga akong gulatin ng ganun! Basag trip ka eh! Nalaglag tuloy yung mp3 player!" Inis at ginulo ang buhok na sabi ni Blessy sa kay Julyo.

"Nagmumura ka na naman. Kababae mong tao. Alam mo? Blessy ang pangalan mo pero ugaling demonyo ka" pabirong sabi ni Julyo kay Blessy kaya nakatanggap ito ng palo sa braso galing sa dalaga

"Aray ko! Sadista ka talaga no! Sumbong kita dyan eh. Baliw" mahinang sabi ni Julyo

"Anong sabi mo? May sinasabi ka dyan ha? Julyo Buwan?" Bigkas ni Blessy sa buong pangalan ng binata. Alam nya kasing maiinis ito sa kanya kapag binanggit ang pangalan nito ng buo

"Hoy! Ikaw ha! Namumuro ka na! Teka nga. Bakit ba nakatayo ka lang dito? Ano ginagawa mo dyan sa damuhan?" Tanong niya sa dalaga habang hinihimas ang braso

"Eh sinamahan ko yung kaibigan ko" paliwanag nito kaya naguluhan naman ang kausap niya

"Ha? Kaibigan? Na saan?" Litong tanong habang sumusulyap sa likod ni Blessy.

"Wala na! Umalis na siguro ng marinig ang boses mo! Pangit mo kasi! Mahiyain yun eh!" Sabi ni Blessy at umirap. Nanguna na itong maglakad kay Julyo sumunod naman din agad ang binata.

Habang naglalakad at nasa likod si Julyo, binuksan ulit ni Blessy ang digital player saktong tumugtog ang paborito niyang kanta na Stupid Love ng Salbakuta.

"Nang ma inlove ako sa'yo. Kala ko'y pag-ibig mo ay tunay. Pero hindi nag-tagal lumabas din ang tunay na kulay" sabay nito sa kanta habang kinukumpas pa ang dalawang kamay sa ere

"Hoy Blessy! Nambubulahaw ka ng mga kapitbahay!" Suway ni Julyo sa kanya pero hinayaan lang nito ni Blessy at naglakad patalikod. Ngayon nakaharap na sya sa binata at nang-aasar pa lalo.

"Ano baliw ka na ba?" Sabi ni Julyo. Biglang nanahimik si Blessy at sumeryeso. Ang mga mata ay nanlilisik na tumingin sa kanya na ikinakaba ng kaonti ng binata

"Joke lang! Ito naman hindi mabiro. Sige na tara na. Hatid na kita sa bahay niyo" si Julyo at pinatalikod saka dahan-dahang tinulak papalakad si Blessy.

"Oh dito na sa inyo" ilang sandali ng makarating ang dalawa sa bahay nila Blessy. Sumulyap lang ang dalaga sa kanya at dere-deretsong pumasok ng bahay

If You Ever See MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon