Miracle's Point of View
-Midnight-
Sheyt. Hanggang nagyon di pa rin ako makatulog kakaisip na siya pala si Xilus, pero paano ako makakaisip kung anong gagawin kong plano? Grabe, I'm really surprised. Gwapo nga kaso masama ugali, yung plano ko ganti na rin yun sa ginawa niya saakin.
Si Lia? Ayun hilik ng hilik akala mo wala ng bukas sa sobrang lakas. Tinatakpan ko na nga lang ang mga tenga ko ng unan eh. Ma-stalk nga yung lalaking yun!
I took my phone and the time flashed at my screen. I typed his name on the search box, and about 5 to 20 profiles popped. Poser siguro yung iba. I clicked the first one and I'm sure it's real beacause of the posts, di kinuha sa google ang mga pictures kaya real account niya nga. Ini-stalk ko siya, talaga ngang mayaman ang pamilya nito... perpekto yata ng lalaking to. Sa tingin niyo?
At may kambal pala siya! Xilus Carlos is the name, taray! Isang letter lang ang pinagkaiba. Ma-stalk nga rin 'to. I clicked his name and his profile popped up. Taray, gwapo talaga nito! Hoy, yung Carlos yung sinasabi ko ha! Hindi yung lalaking mental-,-. May girlfriend na rin pala 'tong si Xilus Carlos, taray ang ganda ng babae... mai-stalk nga rin to.... -0- Zzzzzzzzzzz...
-Kinabukasan-
Hala! Sorry!!! Di ko namalayan nakatulog na talaga ako. Ganyan talaga ako pag may i-ni-i-stalk tulog agad ako, ewan ko ba! Nagbihis na ako ng uniform at kinuha ang bag ko. 8 AM ang unang subject ko, 7:32 pa lang naman at kumakain kami ng breakfast ni Lia. Tinatanong niya kung anong ginawa niya kagabi, sinagot ko naman -,- ang sabi ko natutulog -.- bakit totoo naman diba? Ang kaso mas matindi pa sa bata matulog, akala mo baby pa na umiiyak... pero sa kanya hilik --,.
"Ikaw maghugas ha." Bored kong sabi habang nililigpit ang mga pinaggamitang mga kubyertos, plato at mga baso sa lababo.
"Aye aye captain." Nag-salute pa siya sa akin at dumiretso sa kusina. Tss, nag-cellphone muna ako. Hmmm...
"Captain," Tawag niya saakin. " Tapos na po!" Kinuha niya ang bag niya at aalis na sana siya. Nasa gilid na siya ng pinto nang lumingon siya. "Tapos na akong mag-hugas ng kamay!!! Babyeee..." Sabi niya at ibinagsak ang pinto, putek| -|*facepalm* Saya saya!
Wala akong nagawa kung hindi hugasan ang mga PINGGAN ayan! Naka-caps lock na, baka sabihin niya na naghugas ako ng kamay! Sheyt talaga!
Pagkatapos kong maghugas ay ini-lock ko ang pinto, sheyt! *0* Naiwan ko yung bag ko sa loob! Buti nalang madali kong nabuksan at na-ilock ulit. Pagkatapos ko i-lock ang pinto ay pumunta na ako sa classroom ko.
At dahil ako nga ang pinaka-ma-swerteng tao sa mundo ay na-late pa ako, at bonus pa... classmate ko yung siraulong Xilus Carlo na yun! "Stand here Miss Carson!" Striktong sabi ni Mr. Lee, sheyt. Wala akong nagawa kung hindi sundin ang inuutos ni Sir at napayuko ako. "As your punishment," Cross fingers! "You will be the representative of the debate in the side of the girls." Patay! Di ako prepared Sir!!! Sigawan at cheers ang maririnig mo sa room, pero sa side ng mga boys puro "boo!" at thumbs down.
Eto namang si Xilus ay umubo. Tss, mabara nga --, "Bakit? May tuberculosis ka ba?" Sarkastikong sabi ko kaya naman naghiyawan silang lahat, eto namang si siraulo sumama ang tingin saakin kaya ngumiti lang ako ng nakakaloko.
Our teacher makes gestures telling us to stop. "Xilus Carlo, since you're the transferee can I invite you to be the representative of the boys?" Nagkibit balikat lang ito at tumayo. Binigyan ko siya ng is-that-it look, lumapit siya kay Mr. Lee naghiyawan naman ang mga girls ng kindatan niya ang mga ito... ang rurupok mga bes!
Nasa magkabilang sides kami ni Xilus, nagtitinginan na parang wala ng bukas, ayaw patinag! Gwapo sana kaso... ay! Paulit ulit ba ako? Hay... Just focus, Miracle! You can do this! "OK! Let the debate begin..." Panimula ni Mr. Lee kaya naman naghiyawan silang lahat, just focus! Makikipag-debate ka lang naman eh... pero bakit ngayon parang iba? Basta! Dapat makata ha! "So the main topic is 'Anong pinakamasakit sa dalawa?'" Inhale, exhale... you can do this! "For the boys, played with a reason for another girl and for the girls, left without a reason." This will be easy! I can beat this boy... "Boys first, ready, get set, go!"
"Mas masakit ang mapag-laruan ng may rason, alam mo kung bakit? Dahil pinaglalaruan ka na nga, may nahanap pa siyang iba. Mahirap masaktan ng dahil may dahilan at alam mong nakahanap siya ng iba... pero ang masaklap yung pinagpipilitan mo ang sarili mo para maibalik lang dati niyong pinagsamahang dalawa." Sabi nito, psh! Yun lang?
"Mas masakit ang iwan ka ng walang rason, dahil first of all minahal mo siya ng may rason tapos iiwan ka lang niya ng ganon-ganon lang? Tss. Mahirap ang iwan ka ng walang rason at mas mahirap pa kung paano mo malalaman kung anong rason niya. Oo, mas mahirap yun kaysa sa mapag-laruan, kasi di mo alam kung bibitaw ka pa o pagpapasyahan mo na di siya iiwan." Panes! Kaya mo yun? 1 down, 1 to go.
Nag-cheer ang mga boya kay Xilus. "Tss, she's really challenging me." He mouthed. He raised his look to me, sheyt! Anong ginagawa niya? "Mas masakit ang mapaglaruan dahil harap-harapan niyang ginawa yun sayo, eh kung iniwan ka niya malay mo babalik siya diba? Eh yung pinaglaruan ka na nga, sinaktan, ginawang laruan at iniwan nalang diyan ng makakita ng bago. Mas masakit yun dahil minahal mo siya ng buong-buo, tapos sisirain niya lang ang tiwala mo." Aba, hinahamon ako nito ha!
"Tanga!" Lahat ay tumahimik at napatingin saakin, tanga ka kasi Miracle! "Sorry for the word!" Nag-peace sign ako at bumalik sa normal. "As I was saying mas masakit iwan ng walang dahilan, bakit? Dahil di mo alam kung anong rason kung bakit ganon na lang ang ginawa niya. Malay mo humanap na siya ng iba dahil sawa na siya sayo. Yung ibinigay mo ang lahat pero mas pinili niya pa ring umalis at iniwan kang nag-iisa, wasak ang puso at naguguluhang utak. Di lahat ng sakit ay nanggaling sa pisikal, yung iba galing sa sakit na emosyonal at mental. Kaya mas masakit yun, at tandaan niyo di lahat ng ngumingiti ay masaya, yung iba nasasaktan ng sobra." And I left them breathless, well. That's my talent eh. Anong magagawa niyo?
Nagsimula sa slow clap hanggang lahat sila palakpak ng palakpak, di ko napansin yung ibang estudyante sa ibang sections ay nakasilip saaming bintana, sikat na ba ako niyan? "Wow," I glared at Mr. Lee, clapping like there's no tomorrow. Tss, look at that face! Whahahaha... gusto kong matawa sa mukha ni Xilus, he's really impressed now. 1st step, check.
YOU ARE READING
Project: Break the Heartbreaker's Heart
Подростковая литератураMiracle Carson is a just a simple girl wanted to be loved, but one incident changed it all. One last will changes her life. One mission can change all of it. Can she fulfill her mission by breaking the heartbreaker's heart? Or will she fall in love...
