THE ACE

7 1 0
                                    

"Ano to mom?"tanong ko kay mommy ng may binigay sya sa aking papel.May nakasulat na anim na numero.

"Isaulo mo to.Balang araw magagamit mo ang nga numerong ito para magpakilala sa mundong kinabibilangan mo"nakangiting sabi ni mommy.

"Bakit mommy?Did I belong to the zoo?The world of animals?"

Tumawa lang si mommy saka hinimas himas ang ulo ko.

"Just keep this in your mind baby, then you will know someday"

0.3.0.9.9.3

A week later....

"Tumakbo ka na Zion!Bilisan mo!"sigaw ng isang ina na lubos ang kaba para sa kanyang anak..para sa akin.

Umiiyak ako ng umiiyak habang tumatakbo paakyat ng kwarto ko.Nagkakagulo na ang mga tao sa labas ng bahay namin habang pinapatay ng mga taong hindi naman namin kilala.
Nagtago ako sa closet tulad ng sabi ni mama.

"Ano bang kailangan nyo?!Sino kayo?!"rinig kong sigaw ni mama sa labas.

Nanlaki ang mata ko ng marahas na binuksan ang pintuan ng kwarto ko at hinalungkat ang mga lugar na pwedeng pagtaguan.

"Ilabas mo na lang ang anak mo Zena para wala na tayong problema"sabi ng isang lalaki.

Sumilip ako sa maliit na butas ng closet.Nakita kong umiiyak na si mama habang nakatingin sa pinagtataguan ko.Ng akmang bubuksan na ito ng isa pang lalaki ay sumigaw si mama.

"Si Ion ba ang nag utos nito?!"

Napatigil ang lalaki at humakbang papalapit kay mama saka marahas na sinipa ito sa tyan kaya napaluhod si mama sa sahig.Naiiyak na ako pero hindi ko pinarinig baka mahuli ako.

Sa bilang ko ay nasa pitung tao ang mga lalaking nandito ngayon sa kwarto ko at pag lalabas ako..mapapahamak lang ako...Bata pa ako na walang alam kundi ang magtago dahil sa takot..
       
Lumuhod ang lalaki sa harap ni mama,hinawakan nya sa balikat si mama kaya nakita ko ang isang tattoo na paru-paro sa kanyang kanang kamay.

"Ilabas mo na ang anak mo para iligtas ang isa pang anak mo"nakangising sabi ng lalaki.

The ACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon