Part 3- Sino Siya?

5 0 0
                                    

Ngayon ang 2nd day ng school. Katulad ng dati, mamimeet na namin ang aming iba pang teachers, and at the same time, magpapakilala na kami sa harap. Pagkatapos ng Filipino subject namin kay Ma'am Floresita, sumunod naman ang C.L.E. Si Ma'am Prosperita ang teacher namin. Siya ang isa sa mga pinakagustong teacher namin kasi kahit siya ay isang C.L.E. teacher, hindi siya ceryoso. Eh alam naman nating about kay God ang C.L.E. kaya kailangan maging mabait kami. Pero iba talaga siya! Minsan nga siya pa ang pasimuno sa pag-iingay namin! Alam niyo ba, medyo meron din siyang konting kamanyakan! Naalala ko nga nung isang araw bumanat siya! At ang matindi pa dun, ako ang napagtripan!

"Class, may banat ako!" sabi niya.

"Ma'am ano po 'yun?" tanong naman ng klase na may halong pagka-excite!

"Grey!" sigaw niya.

Siyempre, nagulat ako. Eh paano ba naman kase, nasa likod na nga lang ako, ako pa ang nakita! Sa pagkakaalam ko nga eh may crush siya sa akin, haha, assumero! Eh sino ba naman kasi ang hindi mag-aassume na maging girlfriend siya, eh napakaganda kaya niya! Matangkad, maputi, bata, mga 22 years old ata siya, at mabait! Oh diba? Complete package! Siyempre, 'di na ako tumanggi sa pick-up line niya!

"Ma'am bakit po?" tanong ko.

"Lollipop ka ba?" tanong niya sa akin.

"Bakit po, ma'am?" sagot ko naman.

"Kasi, gusto kitang malasaan eh!" banat niya!

"Yieeee!" sabay sabi ng buong klase na may halong pang-aasar pa!

Ako naman, wala na akong reaction. Alam ko naman kasing juk juk lang niya 'yun! Sa wakas, recess na! Gutom na gutom na kaya ako, hindi kasi ako nakapag breakfast eh, nagmamadali ako kanina. Sabay kami ni Lyka na pumunta sa canteen. Pinag-usapan namin 'yung mga bago naming classmates.

"Ui alam mo, may bago nanaman akong crush!" sabi niya.

"Haynaku, eh parang araw-araw naman eh may bago kang crush! Nasanay na ako! HAHA!" sagot ko naman.

Eh paano ba naman kase, araw-araw na lang, may binabanggit siyang boy. Sabagay, kung hindi ko pa nasasabi sa inyo, medyo may pagkalandthey rin siya eh, HAHA!

"Oh, sino naman siya?" tanong ko.

"Hmmmm, sa pagkakatanda ko Gray din ang pangalan niya eh, pero ung sa kaniya, A hindi E." sabi niya.

"Ah oo kilala ko siya! Diba tiga kabilang section siya? Si Gray Frederico!" sagot ko.

Habang kami ay nagkukuwentuhan, patuloy pa rin kaming naglalakad papuntang canteen ng biglang may bumangga sa akin.

"Aray!" sabi niya. "Hindi ka ba marunong tumingin man lang sa dinadaanan mo?!?" dagdag paniya na may halong galit!

"Aba ang yabang mo ah!" sabat naman ni Lyka. "Akala mo kung sino! Eh ikaw nga 'tong bumangga sa kaibigan ko!" dagdag pa niya.

Aba siyempre, ayaw ko namang gumawa ng gulo kaya 'yun, pinagitnaan ko na sila.

"Teka nga lang, teka, teka!" singit ko.

"Ah miss, sorry, pabayaan mo na itong kaibigan ko ha, talagang may pagkasungit lang siya!". Pagkasabi ko neto, umalis na 'yung nakabangga sa akin.

"Lyka, ano ka ba! Umaandar nanaman iyang pagkawar freak mo ah!" sabi ko sa kaniya. "Nakakahiya kaya! Pinagtitinginan tayo ng ibang students! Sige ka, makakasama iyan sa image mo!",

"Eh kasi naman..." sagot niya pero tinakpan ko agad ang kaniyang bunganga.

Alam ko naman kasi na hindi nanaman siya titigil sa pagsasalita! Kaya 'yun, pumila na lang kami.

After recess, Mathematics naman ang sumunod naming subject. Alam ko maraming ayaw sa math pero dahil sa teacher namin na si Sir Theo, short for Theodor, maraming nagkakainteres dito! Hindi sa subject, kundi sa teacher mismo! Lahat ng girls, gays, at minsan nga ibang boys eh nagkakainteres sa kaniya. Paano ba naman kasi, guwapo siya, maganda ang pangangatawan, mahinahon ang boses, at mabait sa lahat! Sino ba naman ang hindi magkakacrush sa kaniya? Dahil siya ay bagong teacher lang, hindi pa niya kami kilala.

"Ok class, dahil bago lang ako dito, may I ask you to state your names in front, one by one. Let us start from the back to the front", utos niya.

Magsisimula na sana kami ng biglang may biglang kumatok sa pinto.

"Excuse me po sir, sorry po I'm late, kumuha pa po kasi ako ng admittance slip eh." sabi niya.

Biglang napatigil ang buong klase. Lahat ng boys biglang napanganga, pati rin ata mga gays, nakinganga na rin! Paano ba naman kasi, napakaganda niya!

"Ah, okay. Sige, umupo kana doon sa tabi ni..." itutuloy na sana ni sir ng biglang nagsalita ang mga boys.

"Ah sir, dito na lang po siya" request nilang lahat.

"Class tahimik!" sabi ni sir. "Iisa na lang ang upuang puwede niyang upuan."

Tiningnan ko ang buong klase, may katabi naman na ang bawat isa! So, saan na ngayon siya uupo? Nang napansin ko, may upuan pala sa tabi ko.

"Sige na, umupo kana doon sa tabi ni Grey", utos ni sir.

Biglang nagreact ang lahat samantalang ako, parang wala lang. Pero habang tinitingnan ko siya ng matagal, parang natatandaa ko ang mukha niya!

Sino nga ba siya? Sino nga ba ang anghel na ito?

KAPAG NAGBAGO ANG ISANG NERDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن