Sa history ng Pilipinas ay halos lahat ng bagay ay may alamat. Ang alamat ng santol ang pinakamahabang alamat na aking nabasa noong ako ay high school pa. Ngayon gusto kong ibahagi sa inyo ang pinakamahabang alamat sa ating bansa. Pero bago iyon gusto ko munang bigyan kayo ng kaunting background kung ano ang santol. Ang santol ay isang prutas na karaniwan ay kulay kape, in english coffee pero kulay brown talaga iyon. Wala pa akong nakikitang kulay pink, red, blue etc. na kulay ng santol. Kaya aking napagtanto na ang karaniwang kulay ng santol ay brown. Ang santol ay may dalawang bahagi, ang unang bahagi ay ang tinatawag kong balat at ang ikalawang bahagi at ang aking pinakapaborito kong bahagi walang iba kundi ang buto. Bago mo makita ang dalawang bahagi nito kailangan mo munang balatan ang santol gamit ang kutsilyo. Kapag binalatan mo ang santol ang una mong makikitang bahagi ay ang balat. Masarap ang balat kahit ito ay maasim kailangan mo lang itong isawsaw sa asin. Kapag naubos mo na ang balat, makikita mo na ang paborito kong bahagi, ang buto. Matamis ang buto ng santol. Kapag ito ay iyong isinubo, sisipsipin mo ang katas nito hanggang mawala ang lasa at ito ay idudura mo na. Puwede mo rin itong lunukin, pero mag-ingat ka at baka ito ay tumubo sa tiyan mo. Puwede rin palang isawsaw ang balat sa bagoong. Naalala ko pa noong elementary pa ako, bumibili ako ng santol ngunit wala akong kutsilyo para balatan ito. Kaya ang ginagawa ko, ilalagay ko sa dalawang kamay ko ang santol at iipitin ito hanggang sa ito ay bumuka. Subalit ang prosesong ito ay kailangan ng puwersa para magin successful. Ang disadvantage lang ng prosesong ito ay ang buto lamang ang makakain mo. Kaya mas mainam pa rin na balatan ang santol. Hmmmm. Siguro tama na ito bilang background ng santol. Ngayon dumako na tayo sa mismong alamat ng santol.
Dati raw ay may dalawang magkaibigang naglalakad. Hanggang may makita si Boy 1 na bagay na hindi niya alam kung ano..
Boy 1: Tol, ano to tol?
Boy 2: Ha? San Tol?
Boy 1: Ahhhh.... ok!!
At dito nadiskubre ang prutas na tinawag na santol. Dito na din nagtatapos ang pinakamahabang alamat sa Pilipinas.
THE END..........