~Tristan~
Nagbell na at obviously uwian na pero hindi pa talaga ako makakauwi agad kase ihahatid ko pa si GF, oh well . .
Nga pala nakalimutan ko yung libro ko sa library, daanan ko na lang katabi lang naman nung room nila yun ...
Papunta na sana ako sa library ng biglang....
"TRISTAN!!!!!"
"Oh Dana ikaw pala !! Teka hingal na hingal ka yata, nagmarathon ka ba ?!!"
"Tange, hindi noh, hinahabol kita kase---"
"ahh, wag mo ng pagurin sarili mo hindi naman ako masyadong lumalayo---- aray!! ba't ka ba nambabatok?!!"
"ang hangin mo rin eh noh, patapusin mo muna kaya ako..... hayy, hinahabol kita kase ibibigay ko sayo tong libro mo nakita ko yan sa library pakalat-kalat, may test pa man din tayo sa subject na yan next week kawawa ka naman kung di ka makapagreview." - Dana
"ang sweet mo talaga, Dana" - Tristan
"Tigilan mo ko Tristan, magthank you ka na lang."
"Oo na, ang sunget, thank you" - Tristan
"O sha, aalis na ko andyan na yung labidabs mo, baboosh..." - Dana