Nakaupo ako sa tabi at tahimik na nakikinig ng music. Sad song by we the kings."Miss, wala po ba kayong oorderin?" Tanong ng lalake sakin na waiter dito sa Coffee shop na stinambayan ko. Napatigil ako ng tignan ko siya, para siyang si...
"Miss?" Umiling ako sa kawalan, kaya naman umalis na siya sa table ko at nagtungo sa iba pang table para kunin ang kanilang mga order. Samantalang ako, eto nakatunganga parin at Nakikinig ng Music.
Pabalik-balik yung waiter sa table ko. Kahit ayaw kong umorder, umorder na lang naawa ako sa waiter na kanina pa pabalik-balik.
"Yung special niyo na lang" Balita ko masarap daw yung special nila eh.
Nakatingin lamang ako sa bintana, umuulan pala. Nang makuha ko na ang order ko nagulat ako ng may nakadikit roon na papel.
Smile. It may be rainy today but that's not a reason for you not to smile. =)
Napalinga-linga ako kung sino ang may gawa nito nakita ko ang waiter na nakangiting nakatingin sa direksiyon ko. Linapitan niya ako at nagpakilala.
"Lance nga pala" Inabot niya ang kanyang kamay ganun din ako.
"Britney, brit for short" Ningitian ko siya so as he.
Doon nagsimula ang lahat-lahat. Pag-iibigan naming dalawa, basta lahat na. Pero sa huli pala ako yung uuwing lumuluha.
We both love to play music. Sa totoo nga sinasabayan niya pa akong kumakanta t'wing na concert ang banda. Isa ako sa guitarist at vocalist. Noon sabi ko, kahit kailan hindi ko siguro mararanasan ang umibig o inibig. Base pa lang sa mga nagagawa kong mga kanta napakabitter ko na. Pero nung dumating siya, tila nagbago na lahat.
Hindi na ako bitter. May pagasa na akong mahalin ang magmahal pero hindi lala iyon magtatagal.
After 3 years with him, nakita ko siyang may ibang babae. Sa anniversary namin. Sabi niya pa before that day na wala siyang balak magcelebrate ng anniversary dahil pagod. Pagod siyang makipaglandi sa babaeng iyon? Pagod siya sa ginawa nilang milagro?
Gusto kong magexplain siya, sabihin niyang mali siya. Pero hindi, hindi niya ginawa. Nalaman kong Isang taon na pala niya akong niloloko. Yung Anniversary naming iyon ay naturingang anniversary din pala nila. Ang sakit lang dahil iniwan niya ako para sa iba.
After a Year, nalaman kong nabuntis niya yung babae. Wala na siyang kawala, Kapag hindi niya ba nabuntis yung babae babalik siya sakin?
Hindi parin ako nakamove-on sa kanya. Yung theme song naming dalawa na Sad Song paulit-ulit ko paring kinakanta at pinaparinggan.
Then nalaman kong, iniwan siya nung babae. Saklap diba? Iniwan siya nung babae dala-dala yung anak nila. Pero nalaman naming hindi niya pala talaga anak iyon at anak ng babae sa ibang lalaki, ginamit lamang si Lance para perahan. Sobrang saklap nun.
Nahihirapan akong makita siyang nasasaktan, kahit gaano niya pa ako nasaktan noon. Peo kahit ganun pa man, pinatawad ko siya. Handa raw siyang magbayad sa lahat ng pagkakamali niya. Mahal ko siya, mahal niya din ako.
Pagkatapos niya akong iwan, hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Sa first oo, nagtanim ako ng galit. Pero narealized kong wala iyong magagawa para lang mabalik siya sakin. Hindi ko naman kasalanan kung may mahal na siyang iba. Pero nagiba ang ihip ng tadhana at bumalik siya sakin.
Pinakinggan ko lahat ng thoughts niya, mga explanation niya sa nangyare.
Now we are celebrating our 4th anniversary. Masaya na kami sa buhay namin ngayon, nakabuo kami ng pamilya.
2 boys and 1 girl.
Si Hens at Hans ay twins at sila ang nakakatanda, at ang aming little princess na si Hany.
"I love you Mahal ko" Nag backhugged siya sakin and mouthed those words. Kahit man mga magulang na kami hindi parin kami nawawalan ng panahon para sa isa't Isa. Busy siya sa Coffee shop na naipundar niya, patok na patok nga ito kung tutuusin eh. Ako naman nagpapakamommy sa mga anak ko. Malalaki na sila yung kambal nasa 1st year high school na habang ang bunso ay Grade 6 student.
"I love you too" Sagot ko. Hinalikan niya ako ng malalim at agad ko naman itong sinagot ng isa ring malalim na halik. Nasa kalagitnaan kami sa aming halikan ng biglang umubo ang Kambal.
"Pda Mommy!" natawa na lang kami sa biglaang pagsulpot ng mga bunso. Sinenyasan ko silang lahat na lumapit at ginawa naman nila. Nag Group hug kami but i prefer to call it 'Family Hug'
Sa kabila ng mga pangyayari sa aming magasawa sa huli pala kami parin ang magkasama.
Sad song. Yung kanta naming dalawa kung wala ang isa't isa. Para sakin napaka importante ng apat na salita. Listen, forgive, forget, and hug.
Listen. Importante iyan sa pag-ibig. Hindi kayo raraos sa isang problema kung hindi ninyo pakikinggan ang isa't isa.
Forgive. Napakaimportante niyan. Kailangan mong matutong magpatawad malaki o maliit man ang kanyang nagawang kasalanan. Lahat tayo nakakagawa ng pagkakakamali.
Forget. Kalimutan ang mga bagay na dapat kalimutan, ngunit wag ang mga memoryang Nakaukit na sa puso't isipan.
Hug. Action iyan. Pero kahit ganyan lang iyan, may nagagawa iyan. Hugging, pwede niyan palakasin ang samahan ninyong dalawa.
Let's learn to Forgive and Forget. For it is Worth doing.
Author's Note:
Well i hope you get a little piece of advice from the one shot. Magabang pa kayo sa mga susunod. Vote, comment, and share.