Martes ng hapon naglalakad ako sa Luneta park ng bigla kong mapansin ang magkasintahan na naglalambingan malapit sa dancing fountain. Alas-singko na ng hapon kaya umaandar na ang fountain. Umupo muna ako sa silya na nilaan para sa mga namamasyal doon. Hindi ko maintindihan pero umupo lang talaga ako doon para panoorin ang magkasintahan na sweet na sweet sa isa't isa. Nagseselfie sila at sinasama nila ang fountain para maging background nila habang nagpapapalit-palit ng pose. Naisip ko may pag-asa pa kaya ako magkaroon ng ganyang kasayang relasyon. Napatayo na lang ako at nainis sa sarili ko sa naisip ko, alam ko namang hindi na iyon mangyayari, malabo na at hindi iyon babagay sakin. Ang babagay sakin? Syempre iyong mga panandaliang ligaya lang, flirt dito, flirt doon at short time relationship lang na hindi man lang ata umaabot ng isang linggo.
Umabot na ako sa monomento ni Rizal pero hindi ko pa din alam bakit pala ako napadpad mag-isa sa Luneta. Naisip ko na lang siguro pagod na din ako na laging may kasama na kung minsan hindi ko pa nga alam ang totoong pangalan pero ganon talaga e sa laro ng flirting kailangan huwag ka din magtitiwala dahil pwede nila yan gamitin para i-blackmail ka o gipitin.
Sa kabutihang palad hindi pa naman ako na blackmail o nagipit.
Buti pa si Rizal napakadakila kahit di naman talaga nila nakilala at nalaman lamang nila ang kwento niya sa mga librong nalathala samantalang ako? Ni hindi na nga nila alam ang kwento ko pilit pa nila akong ginagawang masamang tao.
Ako nga pala si Jayson Estrella, certified playboy, Fil-am hottie ang karaniwang bansag sakin o kaya minsan Mala-Zac Efron daw. Flirt at fling ang common words na alam ko pero sa kabila non minsan nagsasawa din ako. I like girls na perfect, yun bang trophy gf, pero sa totoo lang d ko alam ano ba talaga hanap ko, basta ang alam ko lang mas ok na ang flirting kaysa seryosohan.
Sa kung ano-ano na ang naiisip ko at wala din nagbabago at wala din magbabago.
Umuwi na lang ako.
Sa jeep, habang pauwi ako may kumalabit sakin habang ako'y nakatingin sa mga nadaraanan ng jeep. Sinilip ko ng bahagya baka makikiabot ng bayad pero wala naman akong nakitang kamay na nag aabot ng bayad kaya binalik ko nalang ang mga mata ko sa daan.
Pero kinalabit ulit ako kaya napikon na ako.
"Ano ba?" Mahinahon ang boses ko pero halatang irita ako sa kumalabit.
"Easy! Ako lang to Jay." Si Marie pala ang nasa likod ko.
"Kala ko kasi kung sino eh pinakaba mo ko langya ka."
"Sorry naman, e kung hindi lang naman siguro max volume ang soundtrip mo e sana narinig mo na tinawag kita pag akyat ko ng jeep."
Nahiya ako bigla pero natawa na lang at iniba ang usapan. "Musta na? graduate ka na din ba ngayong taon?"
Nagtaka ako ng bigla siyang sumimangot.
"Nag stop kasi ako e."
"Sayang naman dapat gumawa ka ng paraan. Alam ko napakadiskarte mong tao at matalino pa."sabay ngiti ko sa kanya para maalis ang lungkot sa mga labi niya ngunit bigo ako.
"Sana madaan ko lang sa diskarte ang pinagdadaanan ko ngayon." Sabay iwas ng tingin sakin.
"Tara! tol meryenda tayo sagot ko." Alam kong kailangan niya ng kaibigan sa panahon ng kanyang kalungkutan.
Dinala ko siya sa McDo para doon kami magmeryenda
"Salamat tol ah." masayang pasasalamat ni Marie sa akin.
"Wala yun. Alam kong kailangan mo ng kaibigan ngayon. Sorry kanina ah nabigla ata kita pero napansin ko noong sinabi ko iyon nagbago ang timpla ng mukha mo. Alam ko may problema ka." Lumipat ako sa tabi niya.
"Kilala mo talaga ako." Tipid na ngiti ang binigay niya sa akin. "Wala na si papa." habang napatong ang kamay niya sa kamay ko.
Nabigla ako sa narinig ko. "Sorry." Ang tanging salita na nasambit ko.
"Huwag ka mag-alala nakakaya ko naman kahit papano e pero ang hirap tol, hirap gumising na wala na siya at ang masakit pa ay yung taong nandiyan para sa akin kapag nalulungkot ako ay siya namang dahilan ng kalungkutan ko ngayon."
"Tingin mo masaya siyang nakikita kang nagkakaganyan ngayon?"
"Hindi."
"Pwes, Umayos ka! move on! kahit anong mangyari humakbang ka pasulong. Mahal mo siya at mahal ka niya. Isipin mo nalang tol na ngayon magkasama sila ng mama mo sa langit pinapanood ka at umaasa na babangon ka, magsisimula at ngingiti ulit ng hindi na pinipilit pa."
"Tama ka. Salamat ah at sorry sa dati ah."
"Wala yon kalimutan mo na yon." tinapik ko siya ng tatlong beses.
"Hindi bale babawi ako sayo next time. Ganon pa din ba number mo?" tanong niya.
"Oo, text mo nalang ako pag may problema."
"Ayoko nga itetext kita para mangamusta hindi para dumulog ng payo para sa mga problema." sabay tawa.
"Salamat naman. Baka kasi wala din akong mapayo sayo na matino e." Sabay na kaming tumatawa.
"Namiss ko tong bonding natin. Ikaw? kamusta ka na?"
"Ako din. Ok lang ako, gagraduate na ko sa sabado." Sabay sarado ng kamao ko na parang naka buzzer beating shot ako sa basketball.
"Congrats! Invited ba ako sa handaan?"
"Oo naman punta ka lang doon pa din naman kami nakatira e."
"Ayos!" sabay nag apir kami.
"Matutuwa si pops pag pumunta ka miss ka na non e."
"Oh talaga? Dami nanaman kwento non."
"Oo nga e lalo na ikaw paborito ka non e kesa sa kanila Vin at Rex."
"Well, syempre lagi kaya ako nasa inyo dati d ba? akala pa nga nila tayo e o kaya magiging tayo." Natawa kami sa naalala niya.
"Oo nga wait lang." sabay bumili ulit ako ng fries dahil naubos na ang fries namin.
Pagbalik ko napansin ko agad ang tingin niyang may halong kalokohan.
"Ano?" Nilapag ko ang Fries at kinalat ko sa tray.
"Wala, hindi mo ba napansin yung chick halos mabali kasi leeg niya sa paglingon sayo e." ngiti pa din siya pero ngayon may halong pang aasar.
"Hindi eh tigilan mo nga ako."
"Pikon agad tol? Playboy pa din ba?"
"Oo tol, Pinanindigan ko na tutal yon naman din tingin ng iba e."
"Alam mo naman kung ano ka talaga e at saka ung iba naiinggit lang sayo. Sikat ka kasi at parang lahat ng katangian nasayo na."
"Sikat dahil sa pagkaplayboy?"
"Skill mo yun e." pabiro na lang niyang sabi.
"Ewan ko basta hayaan na lang."
"Hindi ka naman kasi nagkaganon kundi dahil--" Pinutol ko na siya bago pa ano masabi niya.
"Huwag. Please."
"Hayyy . Tol naman. Let go."
Hindi na ako nagsalita at kumain na lang ng fries.
"Uyy! Sige na hindi na!"
"Yan! madali naman pala kausap e." sabay nginitian ko na lang siya at pinagpatuloy namin ang bonding namin.
Sa totoo lang ayoko na mahalungkat pa ang nakaraan dahil magpasahanggang ngayon hindi ko pa din iyon makalimutan at sa loob ko, ako pa din ay nasasaktan.

BINABASA MO ANG
The Playboy (Tagalog Novel)
LosoweAng story na para sa mga naloko at mga nanloko... Sa mga napaniwala at nagpaniwala. Sa mga nasaktan at nanakit. Ang istoryang pinagbibidahan ni Jayson Estrella, isang batikang playboy na hindi na umaasa pang makakamit niya ang tunay na pagmamahal na...