Authors Note
Wag po sana kayong magalit kong may maling spelling, grammar o katawagan akong naitype. Di po kasi ako matalino at tao lang (Kahit di halata) na nagkakamali. Pati po yung mga posisyon ng mga namamahala sa barko hindi po ako maalam dun kaya pasenya na kung magkamali ako.
Yun lang po at salamat sa pagbabasa!
At kung pwede lang po kong hindi labag sa loob nyo
Plssss Vote and Comment
Plssss
^---^v
RED's POV
"Salamat. Salamat at sinubukan mong iligtas ako. Wag mo na sanang sisihin pa ang sarili mo dahil wala kang kasalanan" nakangiti sya habang nagsasalita, nakita ko pa lang sya naiyak na ko kahit lalaki ako wala na kong pakialam dahil masyadong akong nasasaktan.
"Hindi, kung hindi lang kita binitawan kung hindi lang... *Snif*" di ko maituloy dahil sa sobrang naiiyak na ko
"Shhh. tahan na mahal. wala kang kasalanan uulitin ko wala kang kasalanan. kalimutan mo na ang nangyari at ipagpatuloy mo ang buhay mo. Wag mong sayangin ang pagkakataong ibinigay sa iyo ng Diyos." niyakap nya ako at inaalo sa likod. Lalo tuloy akong nangulila sa kanya, namimiss ko na sya. "Isama mo na lang ako. Please." niyakap ko sya nang mahigpit dahil ayoko ng umalis sa piling sya.
Naramdaman kong umiling sya "Hindi pwede, dapat kang mabuhay at tuparin mo ang mga pangarap mo." humiwalay sya sa pagkakayakap namin at hinarap ako, pinunasan nya ang pisngi ko na basa na ng luha
"Pero ang mga pangarap ko ay kasama ka! isa ka sa mga pangarap ko!" ngumiti lang sya at nataranta ako nang unti unti syang nawawala
"Mahal kita Red, Mahal na mahal kita" umiiyak na rin sya habang nakangiti at pilit ko namang hinahawakan sya pero wala akong mahawakan
"Hindi! Wag mo kong iwan! Isama mo na ko! Isama mo na ko! Mahal na mahal kita di ko kaya pag wala ka! Wag mo kong iwan!" Unti unti na syang nawala at napayuko ako at sinuntok suntok ang sahig.
Pagmulat ko umiiyak na naman ako pero ito ang pinakamgandang panagip ko dahil nakita at naramdam ko ulit sya. Isang taon na ang nakalilipas mula ng mang yari ang aksidente at nawala sya. Hanggang ngayon sya parin ang mahal ko at hanggang ngayon nagsisisi parin ako
One year ago
Nandito kami sa barko ngayon dahil magbabakasyon kami sa boracay pero hindi lang yun ang plano ko dahil pitong taon na kami at nasa wastong gulang ay balak ko nang mag propose sa kanya, may inihanda na kong surpresa sa kanya kaya sabik na kung dumaong ang barko.
Inipit ko sa favorite book nya ang singsing, balak kong habang nasa viranda kami at nakikinig sa agos ng tubig, magbabasa kami ng libro na hilig naming pareho at doon makikita nya ang singsing.
'Galing mo talaga Red! Napakaromantic!'
Puri ko pa sa sarili.
"Mahal? Tara kain na tayo!" hinila na nya ako at sabik na sabik na lumabas sa kwarto
"Kahit kailan talaga ang takaw mo!" kinurot ko pa sya sa pisngi at ngumuso naman sya. Pag katapos naming kumain naglibot libot muna kami.
Pinagmamasdan ko lang sya habang nakatingin sya sa malayo. Ang ganda talaga nang Future Wife ko.
Niyakap ko sya sa likod at nagulat sya "Dahan dahan baka mahulog tayo!" tinawanan ko lang sya at pinatong ko ang baba ko sa balikat nya
"Mahal, alagaan mo mga anak natin ah?" nilingon nya ko at nilingo ko rin sya, ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.