chapter 3

9.5K 99 8
                                    

Di ko mapigilang mapangiwi bawat maling galaw ko.

Lintek, masakit ngang talaga ang matuhog ng first time.

Muntik pa akong na-late dahil ikaw ba naman ang gisingin ng napakasarap na pagbaon-hugot na exercise sa umaga tiyak makakalimot ka rin.

Mabuti na lang talaga at nakaset ang alarm ko 30 minutes before the wedding.

Heto ako at nagtatrabaho habang tinitiis bawat sakit na sumigid sa kalamnan ko tuwing humahakbang ako. Torjak pa more!!

Iyong dahilan naman ng paghihirap ko di ko alam kung saan naglagalag.

Patapos na ako dito sa trabaho ko pero di ko pa rin natanaw ang lalaking iyon. Nasaan na naman iyon?

Siguradong naghahanap na naman iyon sa Sheena niya?

Grabe hah, matapos akong paulit-ulit na inangkin ay ang paghahanap agad sa babaeng iyon ang inatupag niya!

Nasaan ba kasi ang babaeng iyon? Kung mahalaga sa kanya si Mico sana ay di niya hinayaang mawala ito at magpagala-gala dahil medyo kulang ito sa tamang pag-iisip.

Iyon na nga, kulang sa pag-iisip pero nagawa ko pang pagsamantalahan.

Kahit na sinabi niyang may asawa na siya ay hinayaan ko pa ring  tuluyang may mangyari sa pagitan namin.

Ang gwapo naman kasi ng lalaking iyo, kinulang nga sa pag-iisip pero sumobra naman sa kagwapuhan at malaki pa iyong future.

"Hi."

Napakurap ako sa nakangiting mukha na bumati sa akin.

Kung di ako nagkamali ay ito iyong best man ng groom.

"Hello,"  nakangiti kong bati pabalik.

Pwede na, di kasing gwapo ni Mico pero nasa tamang pag-iisip kaya pwede nang pagtyagaan.

" I'm Lenard, Lenard Desales," nakangiti nitong pakilala.

"I'm Regina, just call me Gin."

"It's nice to finally know your name. Kanina ko pa kasi gustong magpakilala pero nahihiya akong lumapit sayo," napakamot sa batok nitong sabi.

Ang cute niya in fairness.

"Ba't ka naman nahihiya?"

"Kasi, you looked so beautiful while holding your cam and taking photos,"  namumula nitong sabi.

Wow hah! Ang haba ng kulot hair ko-

" Kulot!"

Lihim akong napapikit dahil sa biglang isang pamilyar na boses ang umalingawngaw.

Nasabi ko na ba sa lalaking ito na hindi "Kulot" ang pangalan ko?

"Kulot, tapos ka na?"  agad itong umakbay sakin pagkalapit niya.

Nang sulyapan ko si Lenard ay kunot-noo itong napatitig kay Mico.

" Saan ka ba galing?"  mahinang pero pasinghal kong tanong dito.

"Hinintay nga kitang matapos pero pumasok na ako kasi ang tagal mo na. Tapos, may kausap ka lang pala. Uwi na tayo," seryoso nitong sabi.

" Gin, boyfriend mo?" nagdalawang-isip na tanong ni Lenard.

"Hindi pero kailangan ko na siyang pakasalan kasi may nangyari--"

Maagap kong natakpan ang bibig ni Mico bago pa niya matapos ang sasabihin niya.

Kailangan pa ba niya ikwento lahat sa iba?

"Excuse us Lenard. Kailangan na pala talaga naming umuwi,"  paumanhin ko dito habang kinaladkad paalis si Mico na masama ang pagkakatitig kay Lenard.

Kulot is LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon