Hiiiiii there number one fan :) Sabi mo kasi eh, number one fan kita. Salamat sa suporta ha? Para sa'yo 'tong story na 'to :). ~SharleyMeii♥.
~
Hi Kuya!
Tanda mo pa ba nung 3rd year tayo?
Nagmamaktol ako sa classroom kasi naiinggit ako sa classmates natin na may kuya? Gusto ko kasi talagang magkaroon ng kuya eh.
Yung kuyang ihahatid ka gamit ang motor niya pag may practice kayo.
Yung kuyang sasamahan kang lumabas ng bahay pag gabi na para bumili ng kailangan mo.
Yung kuyang susunduin ka pag gagabihin ka ng uwi.
Yung kuyang pagbabawalan kang magboyfriend.
Yung kuyang babatukan ka pag tumitili ka dahil sa bias mong idol at sa crush mo, at higit sa lahat yung gwapong kuya na kaiinggitan ng lahat.
Umiyak pa nga ako noon sa harap niyo kasi gusto ko talaga ng kuya diba? Pero nagulat ako sa sinabi mo,
"Ako? Anong tawag mo sa'kin? Pwede mo naman akong maging kuya ah?" tinanggihan ko pa nga nung una kasi sabi ko gusto ko biological eh. Pero, simula nung araw na yun. Kuya na ang tawag ko sayo.
Nasanay ka ng ganon ang tawag ko sayo at nasanay naman akong bunso ang tawag mo sakin. Napagkakamalan naman tayong magkapatid talaga dahil may pagkakahawig tayong dalawa.
Madalas mo kong turuan sa Math, sa subject kung saan ako mahina. At madalas din naman kitang turuan sa ibang subject pwera syempre ang Math.
Naisakay mo na din ako sa motor mo nung naging magkagrupo tayo tanda mo din ba? Ginabi kasi tayo nun kakapractice nung play para sa project natin sa Filipino, yung Noli Me Tangere? Ayaw mo ko nun pauwiin ng mag-isa kaya hinatid mo nalang ako sa bahay, kilala ka naman ng parents ko dahil kuya nga ang turing ko sa'yo. Inaasar pa nga nila ako na baka boyfriend daw kita pero inassure mo sa parents ko na bunsong kapatid lang ang turing mo sa'kin.
Tanda mo din ba nung kakastart palang ng senior year natin, nung nagkagalit kayo ni Joshua na kabarkada mo dahil sa'kin? Nalaman mo kasing may gusto siya sakin at balak niya kong ligawan, sinabi mo pa nga sa kanyang,
"Tol, wala naman talu-talo ng kapatid."
"Eh, hindi mo naman talaga kapatid si Joey, ah? Kuya-kuyahan kalang niya Jasper, kaya wala kang karapatang pagbawalan ako" sabi niya sa'yo.
Nagulat pa nga ako ng bigla mo siyang suntukin. Sinuntok ka din niya at parehas kayong napuruhan. Pero, mas pinili kong sayong sumama kasi ikaw ang kuya ko diba?
BINABASA MO ANG
KUYA (One-shot)
Teen Fiction“Kung mabasa mo man kuya. ~Joey.” Copyright © 2014 ~SharleyMeii♥.