Bestfriend dalawang salita panampal sa taong palihim na nagmamahal sa kaibigan nila. Akala ko Gusto mo na ko yun pala panakip butas lang ako. Akala ko mahal mo na ko yun pala pinaglalaruan mo lang ako. Mahal kita salitang pinagdamot ko sa iba pero sinayang mulang ng sobra. Oo alam ko Kapag umasa Sakit ang dulot nito naranasan ko pa naman to sa kaibigan kong nag simula kami sa magulong mundo aso't pusa kung ituring man sa skwela. Alam ko sa sarili ko na gusto mo talaga ako ngunit hindi lang sarili mo iniisip mo meron kang kaibigan na gustong gusto ako tinulungan mo pa nga siyang manligaw torpe kasi ang isang to, kami ang pinag tutulakan mo pero bakit sayo ako nahulog ng ganito? sinubukan kong umahon ngunit huli na ng nalaman kong hulog na hulog na pala ako sayo. Pina ubaya moko sa kaibigan mo ngunit di ko na mapigilan sarili ko inamin ko sa mga kaibigan ko at sayo na Gusto kita ngunit ano pa't sinabi mong "hindi pwede dahil mahal ka ng kaibigan ko" Naiintindihan ko yun lumayo ka dumistansya ka ang mga kamay na dating hawak ko noon wala na ngayon para sumuyo at maglambing tulad ng nakasanayan ko, dumating ang araw na nakalimutan kita dahil sa isang lalaking nag patibok ng puso ko sa araw ng mga puso nakita ko siyang naglalakad patungo sa harap ko ngunit iba inakala ko nilampasan niya lang ako nakalimutan ko man lang ang sakit na idinulot mo sa puso kahit isang segundo, meron pala akong kaibigan na gusto ko ngunit di makuha ang nais kaya naghanap nako para di naman masira ang pagkakaibigan niyo.1 sang taon ang nakalipas nagulat ako ng ikay unang nag mensahe sa messenger kot tinatanong moko kung meron nabang bago? May kapalit ka naba sa puso ko! Naghinala nakong bakit ganyan ka walang tayo! Baby! Tinatawag mo nag umpisa nakong maluha sapagkat para itong puzzle na unti unting nabubuo sa isip ko ngunit isang salita ang pinag sisishan ko na sinabi ko sayong Oo meron na! Kaso hindi ko rin siya ma abot gaya mo! Nagulat nalang ako isang araw bakit di kana nagparamdam at nagulat ako nakatanggap ako ng sulat kamay sa kaibigan mong gusto ako na "Gusto kana sana ng kaibigan ko ligawan kaso may bago kana ipapaubaya na sana kita sa kanya kaso sayang lang din effort ko sa kaibigan kong ipaubaya sakanya kasi simula palang suko na siya dati siya ang nag sakripisyo sa pagkakaibigan namin ngayon sapat na siguro ang isang taon para ako naman ang magpalaya para mahalin niyo na ang isat isa alm kong una palang na ikaw ang gusto niya at siya ang gusto mo". Nag simula ng manubig ang mga mata ko at nag simula nakong magsisi kung bakit Oo ang sinabi kong meron nabakong bago ? Tinanong ko sarili ko meron naba talagang bago ngunit hindi isip ang sumagot nito puso ko meron na 'oo' meron na talaga akong bago bakit? Bakit? Pa hindi kona alam kung totoo ba? O trip nyo lang ako ng kaibigan mo? Kaya sana! Sana ! Sana! Wag kang sumuko....gaya ng pag suko ko't nag simulang maghanap ng bago. Nag sisi nakot na oo sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryI just want to leave it here. I decide to write this because of sadness everynight I can't just overthink everything about love. Not just love everything that keeps me thinking about sadness everything that keeps me hurting my self because no one wi...