Serenity Pov
- K I N A BU K A S A N -
"Hmmm.." ungol nung katabi ko. S-sino 'to?? Ang bigat nung nasa bewang ko at binti ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tiningnan kong sino yun. Sisigaw na sana ako ng maalala ko kung pano ako napunta dito.
Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya sa bewang ko at yong paa niya sa binti ko. Sa wakas natanggal ko na!! ang bibigat grabe haha
Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising at tumayo.
Pagtingin ko sa wall clock, 5:45 pa lang kailangan kong magluto dahil ngayon na dadating sila tita at tito na amo ko din.
Dumeretso muna ako sa kwarto ko at naligo at nagpalit pagkatapos ay bumaba na ako at nagluto ng breakfast."Hmm..ang bango niyan ahh mukhang masarap" nagulat ako ng biglang sumulpot siya sa gilid ko. Napahawak pa nga ako sa may dibdib ko
"Sir wag niyo nga akong gulatin. Naku! kung may sakit lang ako sa puso natumba na ako dito at nakahandusay" saway ko at ibinaling ang tingin sa niluluto ko. I heard him chuckled.
"Don't worry yaya, sasaluhin naman kita" saad niya. Ramdam ko tuloy naging kamatis na ang buong mukha ko, aga-aga kinikilig niya ako nubayan!! haha
"Ayy tama na nga yan haha! ihanda mo na yong mga plato at mga kubyertos mamaya dadating yong magulang mo" utos ko.
"Yes ma'am" with saludo pa at nagsimulang kunin ang mga gagamitin namin. Napatawa na lang ako ng mahina. Ang cute niya talaga pag ginagawa niya yon( F A S T F O R W A R D )
Time checked: 6:25
Naka-handa na ang lahat at iniintay lang namin silang dumating. Andito kami sa sala malapit sa main door ng marinig namin ang tunog ng doorbell. Baka sila na yun.
Lumabas kami at nakita naming may kasama silang isang nasa 30 mid na matandang babae, naka-suot ito ng pang-yaya na katulad kona may buhat-buhat na bagahe. Pinagbuksan ko muna sila ng gate at pinapasok.
"Nanay tulungan ko na po kayo jan" sabay kuha ko sa iba pa niyang buhat-buhat.
"Salamat iha" I just smiled at her.
"Wahh! mommy, daddy. I miss you two" sabay yakap ni sir sa magulang niya.
"We miss you too son" sabay sabi nila at yinakap pa-balik. Ang sweet nilang tingnan. Nami-miss ko na sila nanay at si bunso. Pati na din si tatay, nasa kabilang mundo na siya nong 12 pa lang ako bacause of Car Accident.
Ipinasok ko na din ang bagahe nila sa loob at itataas na sana nang pigilan ako ni tita.
"Wag na iha....sa isang bahay na namin kami titira. We just want to visit you and my son" tumango na lang ako at inalagay ang bagahe nila sa sofa at iginaya sila papasok sa kusina.
"Hmmm ang bango neto ahh, sino nagluto?" saad/tanong ni tito pagkaupo nilang magpamilya. Mamaya na lang ako kakain, nakakahiya sa kanila ehh kasama ko nadin si Nanay Celia, yung tinulungan ko kanina.
"Daddy si Serenity ang nagluto niyan. Amoy pa lang masarap na hihi" naka-ngiting sagot ni sir Axel. Tumingin naman sa akin si tito at nagsalita...
"Come iha join us pati na din ikaw nanay celia join us para the more the merrier" aya niya.
"Wag na po tito. Nakakahiya naman po sainyo hehe" nahihiyang tanggi ko. Si nanay celia naman umiling-iling
"Wag na po sir Dave" tanggi din niya.
"Wag na kayong mahiya, I insist" sagot ni tito kaya wala na kaming nagawa umupo na lang ako sa tabi ni sir Axel na kumakain at si nanay naman sa tabi ni tita na kumakain din at nagsimulang kumuha ng pagkain.Habang kumakain kami, nagsalita si tito...
"Iha makakasama mo si nanay Celia sa pang-gawaing bahay simula ngayon. Para narin may kasama kang katulong" saad niya. Ngumiti lang ako at tumango dahil puno na kase ng pagkain ang bunganga ko
"And also iha naipasok na kita sa pinapasukan ni Axel kaya bukas na bukas makakapasok kana" saad pa ni tita. Uminom muna ako ng tubig at nagsalita.
"Maraming salamat po sa inyo dahil kayo na po ang nagpapa-aral sa akin at nag-offer ng trabaho pati nadin sa pagpapa-aral kay Kevin" mahabang lintanya ko. Ngumiti lang si tito
"Naku! don't mention it iha. Wala lang sa amin yon. Pagkatapos nating kumain mag-usap tayo. Tayo lang" nakangiting saad ni Tita. Ano kaya yun?Muling namayani ang katahimikan hanggang sa natapos na kami. Si nanay celia na ang naghugas ng ginamit namin, yong mag-ama naman pumunta sa garden nila sa labas at nagbonding. Kami naman ni tita pumasok sa kwarto ko at umupo sa kama.
"Iha wag ka sanang ma-bibigla ha?" saad ni tita. Tumango na lang ako kahit na naguguluhan ako kung ba't niya sinabi yon.
"Iha.....magpapakasal kayo ng anak ko next month" nanlaki ang mga mata ko at di-mapakaniwalang tumingin kay tita. A-ano??"A-ano ho??!" gulat na tanong ko.
Ang totoo niyan, ang papa mo ang nagtra-trabaho sa amin bilang driver, malaki ang utang na loob namin sa papa mo dahil kundi sakanya hindi mamamatay ang anak namin dahil sa car accident. Kaya siya ang namatay at nailigtas ang anak namin. I'm sorry iha dahil namatay ang papa mo. Hindi namin alam ang gagawin para ma-repay kayo, hindi sapat ang pagbayad namin nang hospital bill, sa pagpapa-libing sa papa mo kaya we decided na ipakasal ka sa anak namin. I'm really sorry iha" mahabang lintanya niya. Kaya pala namatay ang tatay ko, at nabayaran na ang nga hospital bills at sa pagpapa-libing kay tatay. Hindi naman nila kasalanan kung bakit namatay si tatay, hindi naman nila ginusto diba? atsaka iniligtas pa niya si sir Axel. I'm really so proud of my dad."Naiintindihan ko po kayo tita. Wag po kayong humingi ng pasensya dahil wala po kayong naging kasalanan....Sige po, pumapayag na po akong magpakasal kay sir Axel" saad ko. Yinakap naman niya ako kaya yinakap ko siya pa-balik.
"Maraming salamat talaga iha... alam kong magiging mabait kang asawa sa anak ko, haha at alam mo ba? Palagi ka nga niyang ikinukwento sa akin through phone ehh! mukhang tinamaan sa'yo" kwento sa akin ni tita. Huh? ibig sabihin crush din ako ni crush? wahhh!
"Makakaasa po kayo." tanging sagot koPagkatapos naming mag-usap, umalis na sila ni tito dahil kailangan nilang asikasuhin ang kompanya nila dito. Nadatnan kong naglilinis si Nanay sa sala namin. Ng biglang tawagin ako niya.
"Iha! kuha ka daw ng chocolate ice cream sa ref at ibigay mo kay sir Axel na nasa garden." sabi niya . Tumango lang ako at kumuha ng chocolate ice cream sa ref at spoon at dumeretso sa garden.
Pagdating ko, nakita ko siyang naka-upo sa bench at may hawak-hawak na rose. Lumapit ako sakanya at umupo sa gilid niya at ibinigay ang ice cream.
"Thanks yaya" naka-ngiting saad niya at kumain. Tumigin-tingin muna ako sa paligid then I found it beautiful.
Maya-maya ay tumigil ito sa pag kain at kinuha yong medjo may kalakihang rose at iniligay sa tenga ko.
Gulat akong napatingin sa kanya. He just smiled
"You're so beautiful Serenity" manghang saad niya. Nahihiyang ngumiti ako sakanya at yumuko bigla niyang isinandal ang ulo sa balikat ko na nakapagpa-ngiti sa akin. Sana ganto lang kami palagi....---
Whoo!! grabe! nakakakilig kayo Axel at Serenity..kakainggit kayo huhu sana pag nagka-jowa ako parehas sila ni Axel....Readers here's the ud!! I hope you like it. Lovelots 💞
YOU ARE READING
The Maid Of Axel Damon Miller [ On-going ]
Любовные романыHe's childish She's matured He's brokenhearted She is too... What if they'll meet? Would they fixed each other's heart?