PROLOGUE~

4 0 0
                                    

Halos di ko na maramdaman ang lupa sa bilis ng pagkakatakbo makalayo lang sa kanila. Tsk!

Bakit ba ang malas-malas ko?!

At nung nakalayo-layo na, umurong muna ako ng konti.

" Hahhh... nakakapagod. " hingal na hingal kong sambit.

Hindi na siguro nila ako maabutan. Buti nalang at mabilis akong tumakbo---

"A-aagck--- "

O.O

HOLO.
S-SINO 'YON?

Luminga-linga naman ako sa paligid at dahil medyo madilim sa kalye na 'to di mo maiwasang kabahan. Pasado alas dyes na kasi at tanging mga nagliliparang mga papel at plastic lang ang maririnig mo sa lugar na 'to. 

Nakailang hakbang na ako at napadako ang tingin ko sa isang madilim na sulok na napapagitnaan ng dalawang abandonadong establisyemento. Kahit medyo hindi pa ako maka-move on sa nangyari sa'kin kanina, naglakas loob akong tingnan ang likod ng dalawang naglalakihang garbage box.

Hala!

"M-manong?! Ayos lang po ba ---- d-dugo? "

Di ko alam ang gagawin ko nang mapagtantong duguan na manong pala ang nasa harapan ko. Isang manong na nakasuit pa na animo'y isang mayamang presidente sa isang kompanya.

"Manong, dadalhin ko ---- " itinaas niya ng bahagya ang kanyang kanang kamay dahilan upang hindi na ako nagsalita.

Sheyt!

Duguan si manong sa kanyang kanang dibdib. Hindi ko alam kung binaril ba siya o sinaksak. Halos maiyak na ako kasi first time kong makahawak ng dugo ng tao!

Uwaaaaaaah! Huhu! 

" N-no need.. " sabi niya.
Ayy.. english si manong.

At nakuha mo pa talagang magbiro Jinsang!! Tsk!

"G-give him this.. " inabot niya sa akin ang isang short white envelope.

Eh, para kanino?

" T-tell.. h-him... you're the new.. PSG.. aackk--EmpireFall. Give i-it to him asap and... s-secretly----"

" Manong? " dahan kong niyugyog si manong.

" Kanino 'ko to ibibigay manong? "

I checked his pulse.

" P-pakshet..p-patay na siya. " kinakabahan kong sabi.

" Nakita niyo ba?! Doon tayo maghanap! Bilis! " bigla kong narinig ang mga boses nila.

Pataaaaay.
Kailangan ko nang makaalis dito!

Sorry Manong, susubukan kong ihatid 'tong envelope peru kailangan ko nang umalis ngayon.

Nakaalis naman ako sa lugar na iyon ng maayos kahit binabagabag ng iba't-ibang emosyon. Habang naglalakad di ko maiwasang maisip ang sinabi ng Manong.

" PSG? Ano 'yon? "

✂ ✂ ✂

Presidential Security Guard (Ongoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon