Napabangon ako bigla nung tumunog ang alarm ko." Aysh. Sana panaginip lang ang lahat. Kainis! " naihagis ko ang unan at napatingin sa ibabaw ng night stand kung saan nandoon ang puting envelope.
[FLASHBACK]
Turn around~ 🎶
Every now and then, I get a little bit lonely and you're never coming around~
Turn around~ 🎶" And I need you now tonight~~ wooo I need you more than ever! 🎶 And if you only hold me tight~ we'll be holding on forever! ~ " napapakanta ako with matching grind-grind ng bewang nang biglang kumulo ang tiyan ko.
8 pm na pala.
Kailangan ko nang kumain. Hehe.I turned off my phone at nagpasyang lumabas ng bahay para kumain nang magring ang celpon ko.
AYAYAY I'M A LITTLE BUTTERLFY~ 🎶
Wa'g kayong ano ringtone ko yan.
Tiningnan ko naman kung sino ang nagtext at napabasa.
" Tomorrow will be your last day. Please prepare your things, thank you. -HR Dept. "
-_-
Oo nga pala. Matatapos na ang trabaho ko bukas.
" Please prepare your things nyenyenye. Tsss "
Pumasok na ako sa isang convenience store at bumili ng isang cup noodles at tatlong beef pouch noodles for breakfast, lunch and dinner. Hihi. Pagkatapos magbayad, nagtuloy ako sa isang bench sa gilid ng convenience store at naupo.
Napabuntong-hininga naman ako ulet.
Sa katunayan kasi, part-time job ko lang 'yon. Taga-staple ng documents sa isang maliit na kompanya. Maliit na kompanya, maliit din ang sahod peru mahirap ang trabaho. Biruin mo, 6 months akong nag-aayos at nagse-staple ng mga bulubunduking papel from 7 am to 9 pm?! Tsk. Muntikan na talaga akong lumamon ng papel.
Kung di lang sana malapit yung kompanya sa amin, di ko talaga titiisin 'yon. Nagtitipid kasi ako sa pamasahe dahil isang dakilang mahirap lang ako. High school graduate lang at nag-iisa sa buhay. Yes, literally nag-iisa. 16 anyos ako nung mamatay si Papa due to a car accident pagkatapos ng araw ng graduation ko. Ang saklap eh. Yun ngang dalawa nalang kayo ni Papa 'tas naiwan ka pa. Yung Mama ko naman ay namatay nung 3 years old ako dahil sa cancer. At ayun nga, hindi nakapag-ipon si papa for my college studies kasi isa lang siyang janitor at medyo may kamahalan kasi ang tuition ng paaralan ko nung high school.
Ayoko sana dun mag-aral peru pinilit ako ni Papa. At kung tatanungin ko siya kung bakit doon niya ako gustong mag-aral, sasagutin niya lang ako ng " Doon kasi kami nag-aaral ng mama mo noon anak. Hehe. At tsaka marami kang masasalihan na activities doon kasama na sa tuition mo. "
Sinasabi niya sa akin 'yon ng nakangiti. Wala na akong nagawa dahil ni minsan hindi ko nagawang suwayin ang mga sinsabi ni Papa. Alam ko namang meron siyang magandang intensyon at pinaghirapan talaga niyang makapagtapos ako ng high school. Hayy.
23 years old na ako at ang tanging kasama ko lang ngayun ay yung bahay at lupa namin. Wala akong kilalang kamag-anak namin kasi.... tinakwil daw sila mama at papa noon ng mga pamilya nila.
Nakakalungkot lang.
" Hayyyyy. " binuksan ko ang cup noodles at kinain ng hindi naluluto ang noodles. Trip ko talaga 'tong hilaw na noodles eh.
" Unemployed na naman ako bukas. " anas ko.
" Ganda. "
" AHH! --- wag naman ho kayong manggulat ate----- ikaw na naman?! " aysh kahit kailan bakit ba siya palaging sumusulpot?! Isang ate na siguro nasa mid 40s na may kulay light blue na buhok at katamtaman lang ang tindig.
BINABASA MO ANG
Presidential Security Guard (Ongoing)
Action" Wag kang magsalita ng tapos dahil ika nga nila, "Change is the only constant thing in this world". Umiikot ang mundo at maraming magbabago. -jinsang