#1

7 1 0
                                    

도경수 Writings Entry #1
•11:11

Someone asked me. "Ba't mo siya iniwan?"

Natigilan ako dahil wala akong masagot.

"Kasi.. trip ko lang," wala sa sariling sagot ko.

"Kasi trip mo lang? Ano, minahal mo siya kasi trip mo lang din?"

Bakit ko nga ba siya iniwan?

5 months ago..

"Bakla, gusto ko ng ice cream," text niya sa 'kin.

"Gabing-gabi na," I replied.

5 minutes s'yang hindi nagreply kaya wala na akong nagawa.

"Labas," maiksing text ko sa kanya.

Ilang saglit lang ay mga tili na n'ya ang narinig ko.

"Anong nakain mo? First-time a. Thank youuu, bakla!" Imbis na ako ang yakapin, ice cream agad ang sinunggaban.

Sa pagtanggal niya ng lid ng ice cream ay pumasok na kami saka umupo sa papag na nasa bakuran nila.

"Ang ganda ng buwan ngayon, bilog na bilog," usal niya habang dinidila-dilaan pa rin ang ice cream nya.

"Kasing ganda mo.. bilugan." Pang-aasar ko na naging dahilan ng pagkunot nito.

"I hate you!" Anito sabay pout.

"Height-bata na nga isip-bata pa," dagdag ko pa kaya mas lalo itong nainis na ikinatawa ko naman.

Pinisil ko ang dalawang pisngi niya kahit naka-pout pa rin siya, "ang cute-cute mo."

Pilit siyang kumawala kaya tumama sa mukha niya sa relong suot ko.

"11:11, sana tumigil ang oras. Sana manatili na lang tayong ganito," biglang sabi nito.

It's time.

Tumayo ako nang hindi man lang siya nililingon. Tatlong hakbang nang pinigilan nya ko.

"Ya! Where do you think you're going?" Sigaw nito.

Pinigilan ko ang emosyon ko't huminga ng malalim bago nagsalita.

"11:11... sana hindi na tayo magkita pa. Treat me as nobody."

Sa pag-alis ko'y tunog ng bumagsak na ice cream ang narinig ko.

...

5 months later. 5 months full of regrets. 5 months na no'ng huli kaming nagkita, ngayon na lang ulit.

"Dude, are you still there? Natulala ka na d'yan, tinanong lang naman kita kung bakit mo siya iniwan," usal ni Cal, ang bago niya.

Hindi na ako sumagot dahil papalapit na si Lexi, ang nag-iisang babaeng minahal ko.

"Babe~ hindi mo ko sinamahan, edi sana dalawang ice cream kinakain ko ngayon," anito na parang bata. Hindi pa rin siya nagbabago.

"Babe, that's too much. Kaya ka manaba e," Cal chuckled.

"Your mean!"

Looking at them makes me remember those days. Without teasing and pissing each other, our days won't be completed. I miss those. I miss her.

"Uh, Diego, mauna na kami." Usal ni Lexi nang may suot na ngiti, ngiting nakalimot na. Ngiti na lang din sinagot ko sa kanya.

I know it's my fault. Pero mabuti na rin siguro 'to dahil may nakilala syang mas higit pa sa'kin.

You can't turn back one's time. But you can turn back memories.

Maybe, this is our fate. I'm not enough for her and she's too much for me.

-nvrbeenalwys

Comeback ko na 'to, sana. Hope you like it! Stay tuned for more.

DKS WritingsWhere stories live. Discover now