#2

3 0 0
                                    

도경수 Writings Entry #3
• Under The Rain

You leave me alone under the rain. And now here we are, meeting again under the rain.

I can see it. I clearly saw it in your eyes. Eyes full of regret and longingness.

Tandang-tanda ko pa ang gabing 'yon. It's still vivid, parang kahapon lang nangyari. Sinariwa ko ang mga alaalang 'yon habang nababasa ako ng tubig-ulan at katitigan siya.

A year ago, that night he texted me at niyaya sa paborito naming lugar: sa park. Dahil may mahalaga daw siyang sasabihin.

Ramdam kong magp-propose na s'ya sa 'kin. We're in a 2-year relationship na. I even hear him last night sa washroom; parang nagp-practice ng sasabihin. Nakita ko rin sa bag n'ya kanina yung singsing.

I didn't tell him na alam ko na. Ofcourse, I don't want to spoil the moment.

Palabas na ako ng condo when I received a call from him. I answer it immediately.

"Haile, I can't make it tonight. Something came up. Maybe, we can do it next time?"

"What? Anong nangya—" napatigil ako nang may marinig akong umiingit, parang boses ng babae. "Wait, who's that?"

"My boss," agarang sagot niya saka binaba ang telepono.

Bumalik na ako sa loob dahil hindi na nga kami matutuloy. Pagkahiga ko sa kama ay may kung anong gumugulo sa isip ko kaya hindi ako mapakali.

"What's with you, Haile?" Pagkausap ko sa sarili.

Nagpaikot-ikot na ako sa kama dahil sa tingin ko'y maaalis nito ang gumugulo sa isip ko pero wala pa ring nangyayari. Bigla na lamang sumagi sa isip ko ang usapan namin kanina.

Aha, it's the first time in two years na tawagin ako ni Ryan by my first name. Usually, he calls me by, babe or so what. Parang nagmamadali rin siya kanina habang kausap ako, na never niya pang ginawa. It gives me strange feeling.

Unconsciously, I got up from my bed at dali-daling pumunta sa park.

Ta-da! A romantic scene na mala-telenovela ang nadatnan ko. A sweet leading man proposing to the leading lady: na hindi naman kagandahan, may suot pang wig.

Lumapit ako para mas makita ang eksena. Napatayo si leading man na kaninang nakaluhod.

"H-Ha-Haile?" Uutal-utal na sabi ni Ryan.

"B-Ba-Bakit?" I faked a laugh. "I didn't know you're filming a scene. Oh-oh, scratch that. A romantic scene to be exact. Is this what something came up?" I'm trying not to sound sarcastic.

"Ryan, who's that?" Usal ng babaeng katabi niya.

"I'm getting married." Deretsong sabi ni Ryan sa akin.

Kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko ang pagbagsak ng ulan. Pinilit kong ngumiti at labanan ang nararamdaman ko. Salamat sa ulan at hindi halatang umiiyak na ako.

"Congrats!" Pilit-ngiting sagot ko saka mabilis na umalis. Ngumiti pa ang babaeng 'yon.

Kahit lumalakas na ang ulan ay hindi pa rin natitinag ang pagtititigan namin ni Ryan. Kahit sariwa pa rin ang mga alaalang ito, alam kong nalimutan ko na lahat ng sakit. Ako na ang bumasag sa titigan at lumapit sa kanya.

"I'm sorry for your loss." Sabi ko rito.

Namatay ang babaeng 'yon three weeks after he proposed to her; bago pa man ito kasalin. Ngayon lang ako nakapagbigay ng simpatya dahil ngayon na lang ulit kami nagkita.

"Thank you. I hope na wala kang galit sa kanya. Wala siyang kasalanan," maamo nitong sabi.

"Ofcourse, I moved on already. Huwag kang mag-alala." Nginitian ko na lang ito saka nagbalak umalis. Nang makatalikod ako ay bigla siyang nagsalita.

"She's my bestfriend. My childhood bestfriend." Nagulat ako sa sinabi niyang 'yon kaya dali-dali akong humarap sa kanya. Hanggang ngayon ay nagpapaulan pa rin kami.

"No'ng magkakilala tayo ay wala na kaming contact sa isa't isa and it's because of me. She confessed her feelings to me that time but I don't see her in a romantic way, kaya nilayuan ko siya. Ginawa ko 'yon para hindi na magtuloy-tuloy ang feelings niya at masaktan in the end. One and a half year after, she message me on my facebook account at sinabing may sakit siya. Kaya binibisita ko na siya no'n secretly." Mahabang pagk-kwento nito.

"So, sa kanya ka pumupunta noon tuwing nagpapaalam ka sakin? Siya din yung babaeng narinig ko noong kausap kita sa telepono nung araw na 'yon?" Tanong ko.

Tumango siya bilang sagot. "May dinaing siyang masakit noon kaya napilitan akong ibaba agad ang telepeno. She have stage 3 cancer that time."

"Oh my God. How come she looks very healthy. Oh, kaya siya nakasuot ng wig." Nanghihina na ako sa mga sinasabi niya ngayon.

"Hiniling niya sa akin lahat ng 'yon. Gusto niyang ikasal sa taong mahal niya bago siya mamatay pero hindi man lang natupad ang kahilingan niya." Huminga siya ng malalim saka nagsalitang muli. "She fainted right after you left."

Nawalan na ng lakas ang mga tuhod ko kaya napatumba na ako na agad niyang dinaluhan.

"It's my fault. Nagpasalamat pa ako no'n dahil umulan. Bakit ngayon mo lang sinabi lahat ng 'to? It's my fault. It's my fault." Paulit-ulit kong sabi.

"No. No. No. Don't say that."

"It's my fault! Bakit hindi mo sinabi?" Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko habang sunod-sunod na pinaghahampas siya.

"I didn't have the chance. At isa pa hindi ko sinabi dahil alam kong gan'to ang magiging reaksyon. Sisisihin mo ang sarili mo."

"I'm sorry." Patuloy lang akong humagulgol habang nasa mga bisig niya.

...

Bumisita kami sa puntod ni Mary dahil sa kagustuhan ko.

"I'm sorry, Mary. Masyado akong naging selfish. Sarili ko lang ang inisip ko that time." Tumulo nanaman ang mga luha ko kaya niyakap agad ako ni Ryan.

"Let's get back together," he sincerely said while I'm still in his arms.

"What?" Nagtatakang tanong ko.

"This is one of her wishes. Naikwento kita sa kanya a day before she passed away. And she's very sorry. It's my fault dahil hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sayo dati pa. She said, we need to be together again. Ah, no. We should be together again."

Napahigpit ang yakap ko sa kanya saka humagulgol muli.

"Please help me fulfill her last wish." He cupped my cheeks with his two hands. "Hmh?" Ngitian niya ako at binigyan ng assurance. Pinunasan niya ang mga luha ko kaya napangiti ako.

"Yes, I will." Right after I agree. The rain pour down and he claimed my lips.

The End. 💛

DKS WritingsWhere stories live. Discover now