Prologue

12 0 0
                                    

Prologue
Venom

"What's the only antidote?"
 
  


"Lola, bakit po binababa po yung.. yung mga ano po nila mama at papa sa lupa?" Inosenteng tanong ng bata habang nilalaro-laro ang Barbie doll niya.

"'Yung kabaong, apo?" Mabagal at medyo gumagaralgal na pagsasalita ng lola nito.

"Tama, 'yun nga po!"

"Syempre, apo, nililibing na sila," mahinahong sagot ng lola nito.

"Ahh, nililibing po." Sa pagsasalita nito'y tila napakarami niya ng alam. "Teka, lola. Ano 'yung nililibing? Hehe" Hindi pala.

"Ginagawa iyon kapag nawawalan na ng buhay ang isang tao."

"Lahat po ba ginaganon?" Naging sunod-sunod na ang tanong ng bata. Sa isip-isip ng lola nito'y lalaki itong matalinong bata.

"Oo naman, apo, ngunit sa magka-ibang paraan. Lahat ng binawian ng buhay ng makatarungan ay naililibing ng pisikal." Huminga ito nang malalim saka nagsalitang muli.  "Habang ang mga taong nakatanggap ng 'di-makatarungang kamatayan, hindi na nga nabibigyan ng pormal na libing; nalilibing na rin sa hukay maging sa isip ng mga kakilala nito," mahabang paliwanag nito. Malalim ang sinabi nito ngunit nakinig nang mabuti ang bata.

"Kawawa naman po pala sila, lola."

"Kaya ikaw apo, mag-aral ka ng mabuti at huwag kang gagawa ng isang bagay na ikaw lang ang makikinabang at ikakasama ng iba," pangaral ng lola. "Maliwanag ba iyon, ha, apo?"

"Opo naman po, lola!" Masiglang sagot ng bata habang suot-suot ang isang malapad na ngiti. "Maliwanag pa sa sikat ng araw! Hihi"

'Pag nakausap mo siya'y masasabi mong bata talaga ang kausap mo.

"Teka nga, apo. Kanina ko pa napapansing nakangiti ka lang buong usapan natin?" Hinarap ng bata ang lola. "Hindi ka ba nalulungkot na wala na ang mama't papa mo?"

"Syempre naman po, dapat positive!" Nagthumbs-up pa ito habang nakangiti.

Maya-maya'y parang may naalala ito na nagpabago ng kaninang masayang ekspresyon ng bata. Ilang saglit lang ay nagliwanag nanaman ang mukha nito. "Hehe, bakit naman po ako malulungkot? E, alam ko naman po'ng nasa Paraiso na sila ngayon."

Natuwa ang matanda sa sinabi ng bata. Sa murang edad nito'y ganito na siya mag-isip. Ginulo ng matanda ang buhok nito saka nagsalita.

"Sigurado akong bilib sa iyo ang mga magulang mo."

Maya-maya'y tinawag ng isang kaanak ang lola nito para kausapin kaya naiwang mag-isa ang batang babae. Sa kalagitnaan ng paglalaro nito'y may narinig itong umiiyak na boses ng tila babae.

Noong una ay natakot pa ito dahil inakala niyang multo ang naririnig. Pero kalaunan ay nakita niya ang batang umiiyak sa hindi kalayuan. Nakasandal ito sa puno habang umiiyak.

Tinignan niya muna ang kaniyang lola na abala sa pakikipag-usap bago naglakad papalapit sa batang umiiyak.

Malapit na itong makarating nang may batong makatisod sa kanya kaya saktong nasubsob siya sa mismong harapan ng batang umiiyak. Pinagmasdan niya ang batang nadaganan. Hanggang leeg ang haba ng buhok nito at nakasuot ng pink t-shirt at black pants.

Tumigil ang bata sa pag-iyak at aakalain mo talagang tatawa pero ilang saglit lang ay bumalik nanaman ito sa pag-iyak.

"Hala, bata. Nasaktan ka ba?" Tumayo ito agad dahil nadadaganan niya ang bata. "Sorry, sorry."

Hindi sumagot ang bata at mas lalo lang lumakas ang pag-iyak nito. Dahil dito ay mas lalo na siyang nataranta.

"Gusto mo ba nito?" Ini-abot niya ang paborito niyang Barbie doll. "Paborito ko 'to, pero sa 'yo na lang. Para hindi ka na umiyak."

Tinabihan niya ang bata saka inilagay ang manika sa kanang kamay nito. "Huwag ka nang umiyak, please."

"Teka, d'yan ka lang tatawagin ko si lola— Aha!" Sa pagsulyap sa lola ay may naisip itong paraan. Bumalik ito sa pagkakaupo para isagawa ang plano.

Walang ano-ano'y hinalikan niya ang bata. Naisip niyang hindi sasapat sa pisngi kaya ginawa niya ito sa labi.

"Hehe, ayos!" Tuwang-tuwa ito dahil napatahan niya ang bata. "Sabi ko na nga ba't tatahan ka din. Tuwing umiiyak kasi ako ay hinahalikan lang ako ng lola ko saka ako tumatahan."

Nilingon nito ang batang ngayon ay namumula na.

"'Yan kasi, iyak ka nang iyak. Namula ka na tuloy, pati pisngi mo, oh." Hindi pa rin sumasagot ang batang kausap nito.

"Ano bang pangalan mo?" Nanatili itong tahimik. "Pipi ka ba, o bingi?"

Umingit ang bata na tila nagugulohan.

"E, ano ngang pangalan mo? Bea? Uh, Rhian?" Hindi pa rin sumasagot ang bata. "Dara? Yuri?"

Sumigaw ang bata na ikinabigla nito.

"Yuri? Yuri ang pangalan mo?"

Umungot-ungot ito habang tumatango. Sa 'di  malamang dahilan ay biglang ngumiti si Yuri.

"'Yan, dapat laging ganyan. Dapat positive!" Kung magsalita ito ay parang mas maliit na bata ang kinakausap niya. Kita namang magkasing-edad lamang ang mga ito.

Nagkwento pa ito ng ilang mga bagay bago may tumawag sa kanya.

"Vereonica! Vereonica!" Sigaw ng mga tao 'di kalayuan.

"Hala, Yuri hinahanap na 'ko. Mauna na ako."

"Vereonica!"

"Ba-bye, Yuri!" Kumaway ito bago umalis.

Tinitigan iyon ni Yuri saka ginaya. Kumaway ito tsaka ngumiti ngunit hindi na nakita ni Vereonica.
  
  

"The reason behind it."

VenomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon