Kyline's P.O.V
"Good Morning Everybody"
Sakto ng pagkasabi ko nito ay siyang pag tingin sa akin ng mga kasambahay namin.
Bumaba nalang ako para mag breakfast.
"Good Morning Manang, asan na po ang pagkain ko."
Siya nga pala palaging wala dito sila mommy and daddy kaya sila manang at ang mga kasambahay lang ang palagi kong kasama rito
"Good Morning rin iha, siya nga pala yung pagkain mo ay naka hain na sa lamesa."
"Salamat po Manang"
Pumunta na ako kung saan naka hain ang aking pagkain at binilisan ang aking pagkain dahil first day namin ngayon kaya ayaw ko malate.
Pakatapos ko kumain ay naligo na ako at nag ayos ng aking sarili..
"Manang alis na po ako."
"Mag-iingat ka iha"
"Salamat po manang"
Sumakay na ako sa kotse namin at umalis na kami, pinagbabawalan kasi ako na mag drive mag isa at baka kung saan saan ako makapunta, walang tiwala sila mom and dad sakin.
Hindi ko namalayan ay nasa university na pala ako bumaba na ako at pumunta sa aking classroom. Hindi naman ako nahirapan mag hanap ng aking classroom dahil bawat room ay may mga list of names kung saan ka kabilang.
Pagkapasok ko ay umupo lang ako at nagbasa ng aking libro, Kahit first day ngayon eh parang ang ingay ingay na ng section namin, maya maya pa ay pumasok na ang aming advicer at nagsitahimik naman na silang lahat.
"So class since baguhan palang kayo, Introduce yourself infront, by the way I am Miss Sandoval,your advicer."
Hindi ako nakinig sa mga nag papakilala, nagbasa lang ako ng aking libro..
"Miss Santiago, please introduce yourself infront"
"Good Morning, My name is Kyline Naomi Santiago, you can call me kyline."
And with that I flash them my sweetest smile.
Pagkatapos ko magpakilala ay bumalik na ako sa aking upuan at pinagpatuloy ang aking pagbabasa, sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay naisip ko ang aking beshywap, kamusta na kaya siya, saan kaya siya nag-aral.
"Class so since this is your first day, you can do whatever you want."
Pagkatapos niya ito sabihin ay nag-ingayan ang buong klase, yung iba nag hahanap na ng kaibigan yung iba nakikipagtsismisan na habang ako ay patuloy pa rin sa aking pagbabasa.
Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay may tumabi sa akin na babae at sa tingin ko ay makikipag kaibigan siya.
"Hello ako nga pala si Alzhera Yuri Velasco but you can call me Alz"
Mukha naman siyang mabait at halata namang friendly siya like me kaso wala ako sa mood makipag halubilo sa iba.
"Ahmmm hello rin, ako nga pala si Kyline Naomi Santiago, you can call me Kyline"
Nag kwentuhan lang kami ni alz at marami rin akong nalaman tungkol sa kanya, nasobrahan ata kami sa kwentuhan kaya hindi namin namalayan na nag bell na.
Pumunta kami sa canteen para bumili ng aming kakainin. Sakto ng pagkadating namin ay nagkakagulo rito.
"First day na first day nagkakagulo agad, tara tingnan natin kung ano ang pinagkakaguluhan nila."
Bigla niya akong hinila at nakipagsiksikan rin sa mga tao, syempre dahil sa kuryosidad ay nagpahila na rin ako.
"You b*tch, alam mo namang mamahalin tong damit ko tas binuhusan mo pa ng juice"
Sabi yan nung girl na parang basang sisiw na sa sobrang daming juice na naibuhos sa kanya, mas inalala niya pa talaga yung damit niya kesa sa sarili niya.
"Sorry po talaga hindi ko naman po yun sinasadya"
"Halika na kyline tulungan natin yung girl kawawa naman."
Tinulungan namin yung girl makatayo at binigyan ng panyo, dahil basang basa ang uniform nito panigurado akong binuhusan rin siya ng juice.
"At sino ka naman, at bakit mo siya tinulungan."
Grabe naman siya makataray.
"Bakit?, masama bang tumulong at saka hindi naman niya sinasadyang mabuhusan ka ng juice at nag sorry na rin naman siya"
Napikon na ata siya sa akin dahil sa mga sinabi ko rito
"B*TCH"
Susugurin at sasampalin niya na sana ako kaso may biglang humarang kaya ito ang nasampal niya.
"Wag na wag kang magkakamaling sugurin ang beshywap ko!"
Teka kilala ko kung kaninong boses yun, pagkabukas ko ng aking mata ay tumambad sa akin ang mukha ng beshywap ko
"Beshywap", pagkasabi ko nun ay bigla ko siyang niyakap.
~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~
Sino kaya yung beshywap na sinasabi niya?
Don't forget to leave a vote in my story
YOU ARE READING
My Bestfriend, Boyfriend?!
Teen FictionMeet Kyline Naomi Santiago, isang dakilang happy-go-lucky at famous dahil sa taglay nitong kagandahan at katalinuhan. Bata pa lamang ay iminulat na siya sa business world ng kaniyang mga magulang para hindi na siya mahirapan mag handle nito pag siy...