~ 2 ~

55 4 4
                                    

~ Y/N's POV ~

"Row 1, exchange papers with Row 2, vice versa and the other rows, you know what to do."

"Makaka-exchange paper ko si crush." Bulong ni Shanne sa akin.

"Ako din." Sabi ko. Akala ko si Blaster yung ka-exchange pero nagulat ako kasi nasa pwesto ni Blaster yung Unique.

"Ikaw ka-exchange ko?" Tanong ko.

"Oo." Sagot niya. Nag-exchange naman kami at napansin kong walang pangalan yung papel niya.

"Unique, lagyan ko ba ito ng pangalan?" Tanong ko. "Carabao eh."

"Huwag na."

Nag-salita naman si Ms. May, "Write corrected by below the last number."

Pag-tripan ko nga papel ni Unique. Hindi ko ilalagay ang corrected by: Y/N. Ang ilalagay ko ay CORRECTED BY: Liza Soberano.

Matapos ang 5 minutes na pagchecheck, bumalik sa akin yung papel ko at nagulat ako kasi CORRECTED BY: Enrique Gil ang nakalagay.

Ako si Liza? Si Unique si Enrique? Meant to be na ba kami kung ganoon?????

"Second day pa lang ng classes pero bakit may quiz sa Filipino?" Tanong ni Shanne sa akin.

"Ewan ko nga din eh." Sagot ko. Paano naman kasi may pre-quiz din kami sa Filipino. Ni-recall kami saglit ng teacher namin sa characters ng Noli Me Tangere. Alam ko yun pero hindi naman tinuro sa Canada. Kaya nakikinig akong mabuti.

"MAGLABAS NG 1/2 LENGTHWISE! MAGSIMULA NA TAYO!"

Nilabas ko ang 1/2 lengthwise ko at may kumalbit sa akin.

"Y/N, pwedeng pahingi ng lengthwise?" Tanong ni Blaster.

"Sige! Basta ikaw." Sabi ko at nagulat ako sa nasabi ko. "Basta ikaw na walang papel syempre hindi ka naman hihingi kung may papel ka."

Papel || IV OF SPADESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon