~♥~
Alteya Madeline Livelo is a very sweet and humble girl. She's the only daughter of Hazel and Liam Livelo. She's very straight-forward. And she's a girl who dreams to marry her 'prince charming'.
Alteya has never been this too excited. She is finally going to marry his 7-year boyfriend in two days. She never expected to marry her first love. I mean who would have thought that a loyal and faithful man still exists.
Sa katunayan matagal na nilang plinano ang kasal. Simula pa nung 3rd year highschool pa sila, kung saan sila nagka-aminan. Handa na at perpekto na ang lahat. Pati ang kanilang magulang at mga kaibigan ay tumulong sa paghahanda para sa kasal nila.
Balak niyang bisitahin ang kanyang soon-to-be husband sa opisina nito. Siya ay naghanda ng paborito nitong fried chicken at chocolate cake. Siya mismo ang nagluto at nag-bake nun. Pagkarating niya sa opisina, nagulat siya nang makita ang isang babae na nakasuot ng maikling pulang bestida na nakikipaghalikan sa kanyang fiancee.
Bumuhos ang kanyang mga luha. Tahimik lang siyang umiyak habang pinapanood ang kanyang fiancee na nakikipaghalikan sa ibang babae. Masaklap isipin na kaya palang gawin ng kanyang minamahal. Malapit na silang ikasal tapos ito ang bubungad sa kanya?
Pinanood niya lang ang kanyang fiancee at ang babae na maghawakan at maghalikan. Tahimik lang siyang umiiyak at dinadamdam ang sakit. Ilang taon nang sila, hindi sumagi sa kanyang isip na kayang gawin ng kanyang mahal ito sa kanya. Masakit.
Hindi man lang siya napansin ng kanyang mapapangasawa. Kailangan niyang kausapin ang kanyang mapapangasawa. Kitang kita naman ang ginawa nitong kasalanan sa kanya.
Winasak na ng kanyang pinakamamahal ang kanyang tiwala. Sinayang na rin nito ang kanilang ilang taon na relasyon. Malinaw ang lahat, ang kanyang supposedly soon-to-be-husband ay niloko siya!
~♥~
'Sana panaginip lamang ito! Gusto ko nang magising! Mahirap tanggapin ang katotohanan na sinira mo ang aking tiwala sayo, ng dahil lang sa temptasyon. Mahal kita pero mahal mo ba talaga ako? O sadyang nagsawa ka na sa atin? Madalas mo ba 'to ginagawa? Marami akong tanong na gusto kong tanungin sa'yo, ngunit ayokong marinig ang iyong mga isasagot. Malapit na tayog magpakasal ta's ginag* mo lang ako! Akala ko ako lang?'
- Alteya Madeline S. Livelo
YOU ARE READING
How To Heal A Broken Heart
RomanceMahirap mag-move on, totoo yun. Mahirap kalimutan yung taong akala mong siya na ang 'forever' mo. Mahirap isipin na kaya ka niyang palitan, pero nagawa na niya eh. Mahal ko siya, pero minahal niya ba talaga ako? Bakit parang ang dali sa kanya na pal...