One shot

0 0 0
                                    

Keesha's POV

Yey!! Tapos naaaa!! Kailangan ko nalang na ibigay to...

"Jeffrey."  napangiti ako. Nakagawa na ako ng ireregalo sa kanya but... I'm not invited. Kaya ipapabigay ko nalang.

*Flashback*

"Jeffrey! No!"

Huli na ako. Nabangga na si Jeffrey ng truck. Hindi pwede 'to. Ang bestfriend ko. Ang childhood friend ko.

Nilapitan ko sya. Umalis yung truck pagka kita sa akin. Na hit-and-run si Jeffrey. Galit kong tiningnan ang rear mirror ng truck at bigla nalang itong nalaglag sa tulay. Nasa gitna kasi kami ng tulay. Naglalakad lakad lang kami ng banggain ng truck si Jeffrey. Dapat lang yan sa kanya.

Si Jeffrey lang ang tumanggap sakin. Hindi sya natakot sa sumpa ko, na kapag tiningnan ko ng masama o galit ang isang tao ay may posibilidad na mamatay ito. Pero may paraan para maiwasan ang sumpa. Wag kang titingin sa akin sa mata kapag galit ako.

Ipinatong ko ang ulo niya sa hita ko.

"Jep-Jep." banggit ko sa palayaw niya habang umiiyak.

"Sasha... Kapag...(may nakalimutan)... Ako... (please)... Ipaalala mo...(sakin)"

Alam ko na ang ibig sabihin non dahil makakalimutin talaga si Jep-Jep... Dapat yung Sasha ay Sha-Sha kaso nabubulol daw siya kaya yun nalang daw.

Napakagat ako ng labi. Mawawala naba sya sakin? Ang bat pa namin para mamatay. 7 years palang kami.

"Oo naman..." ngumiti sya sakin at hinawakan ang kamay ko para gumawa ng pinky promise.

"Pinky promise!" sabay naming sabi at dumating na ang ambulansya.

San sila nanggaling? Nag teleport ba sila?

*Few days later*

"Jep-Jep!" masayang tawag ko sa kanya. Nasa ospital sya dahil sa insidente.

Tinignan niya ako na parang hindi niya ako kilala. Napatigil naman ako sa paglapit at tinitigan sya.

"Who... Are you?"

"Eh? H-hindi moko..." umagos na agad ang luha ko. Alam kong mangyayari 'to. Nakapaghanda nako ah? B-bakit naiiyak parin ako?

"Keesha..." tawag sakin ni Tita. Mama ni Jeffrey. Tumingin ako sa kanya. Lumabas kami ng kwarto ni Jeffrey.

"Keesha. May... May amnesia si Jeffrey. Kahit kami ay hindi niya makilala pero..."

"Alam ko po yun tita. Tanggap ko po. Ilang araw na. Alam ko naman na mangyayari 'to eh." sabi ko habang umiiyak parin. Hindi ko kayang pwersahin ang sarili ko na maging malakas. 7 years old palang ako. Anong kaya kong gawin?!

"May... Sinabi ba sayo si Jeffrey bago siya makatulog?"

Meron... Pero hindi ko sasabihin.

"Wala po." akin nalang yun. Sorry tita.

*End of flashback*

I shook that out of my head. Tinitigan ko ang regalong ipapabigay ko kay Glen. Yung bago niyang bestfriend.

*Beep**Beep*

Si Glen na ata yun. Alam ni Glen ang nangyari samin ni Jeffrey. So parang good friends narin kami.

Surprise box (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon